Chapter 32 The Song of Marcelito Tahimik kami buong biyahe at wala sa amin ang nagsasalita sa loob ng kotse na minamaneho ni Sky. Sky is driving using his one hand, and the other one is on his chin. Mula sa mga mata niya ay bakas ang malalim nitong pag-iisip habang nakatuon mabuti sa daan. Mula sa rear mirror ay natatanaw ko sila Adrian, Shaheal at Crystal. Adrian is sitting to the left door. Nakatukod ang kanan niyang siko sa salamin ng sasakyan at nakatingin sa labas. Bakas aa mga mata niya ang malalim din na pag-iisip tulad ni Sky, but I could feel the grief in his eyes. Bakas ang determinasyon niya na paslangin ang mga kalaban sa nangyari na pagpatay sa kanyang ina. Sunod kong binalingan si Shaheal na nakagitna kay Crystal at Adrian. Nilalaro nito ang kanyang mga daliri at tulala ito

