Chapter 27

2083 Words
Chapter 27 Necklace The kiss. It makes me feel guilty from everything in my hands. Alam kong mali ang nangyaring iyon. Alam kong hindi ko dapat hinayaang manatili ang malalambot niyang mga labi sa akin. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa akin. I feel distracted, but not what I feel in my chest. It's clear to me, and I don't have to be enlightened on what I feel. I can't deny it to myself. Batid ko kung ano ang nararamdaman ko para kay Jaycee. At alam kong nasa panganib ako. Mula umpisa ay alam kong delikado si Jaycee. Alam kong habang lumalapit ako sa kanya ay mas napapalapit ako sa kapahamakan. Ngayon ay hindi ko alam ang dapat kong gawin. Lalo pa at malakas ang kutob ko na si Jaycee ang matindi kong kalaban. Pinaglalaruan yata ako ng tadhana at sa dinami-dami ng mamahalin ko ay ang taong kalaban ko pa. His goal is to kill me, to kill us. Would he still kill me if he knows that I am the one he has been looking for? "Kanina ka pa buga ng buga ng hangin," ani Kristel. Nasa library kami at nagsisimula ng mag review para sa papalapit na exam. Hindi ko rin akalain na napakarami pala ng dapat naming aralin at kabisaduhin para sa exam. I can't even focus, lalo na at punong-puno ang utak ko. "Sorry," ani ko at binuklat ang libro. Kahit anong gawin kong pagbasa at pag-aaral ay lagi iyong napuputol ng lahat ng iniisip ko. I know what happened yesterday was wrong. Pero sa tuwing naaalala ko ang halik na iyon ay para akong nababaliw at ang dibdib ko ay hindi mapakali sa bilis ng t***k nito. "Ano ba ang iniisip mo?" Tanong niya. Sinalubong ko ang mga mata niyang puno ng pangamba sa akin. Matipid lang akong ngumiti mapawi lang ang pag-aalala nito. Even if I want to share it with her, I can't. If I do that, she will know everything and the evils here in this University who are also pretending like a normal person and trying to fit in in this world will be able to touch her. They will not just hurt her, but kill her. "Nothing important," I answered and smiled. Binaling ko ang mga mata ko sa libro at sinubukan muling aralin iyon. I don't care losing points o kahit bumagsak ako sa exam na ito. That won't matter when I come back to the world where I belong. Bumuga naman siya ng hangin, "Ikaw ha, rumor na naman kayo sa buong unibersidad ni Andrew. They already conclude na in a relationship na kayo. They said, they saw the both of you holding hands," kwento niya at mahinang tumawa bago umiling, "But I know that's not the truth. Malabo na maging kayo lalo pa at mukhang hindi ka naman interesado kay Andrew," dagdag niya. I already expected people to think of that and conclude without hearing our sides. "Well, I see him as a friend. Hanggang doon lang," tugon ko. I even end up having friends in this world. Sila Jamina at Kristel na dati ay pilit kong tinutulak palayo sa akin, heto at magkasama kami. Napapadalas na ang pagsama ni Jamina at Kristel sa amin. On the other hand, it's better and it's an advantage. Mas lalong matatago ang totoo naming pagkatao sa ganito. "Andrew is handsome inside and out," aniya habang nagsusulat, "Pilyo pero hindi naman babaero. The decision is in your hand if you want to upgrade your relationship with him," pahayag niya at nagkibit balikat. Marahan akong tumango. She's right. Na sa akin ang desisyon. But I don't think my decision will change lalo pa sa isang malaking pagkakamali na nangyari sa pagitan namin ni Jaycee. We haven't seen each other yet. Dahil dito agad kami dumiretso at halos wala ng klase dahil sa papalapit na ang exam. Binibigay na sa amin ang oras na ito para makapag handa sa exam. I chose not to see him. Dahil hindi ko rin alam ang dapat kong ikilos. Hindi na ako umimik pa at nanatili na lang na tahimik. I tried my best to focus. Dapat talaga ay kasama namin si Sky dito dahil kaming tatlo lang naman ang sumang-ayon na mag handa para sa exam. But the thing is, he got influenced by Adrian and Jamina. Where are they? They are hanging out instead of studying. They are all together. Shaheal, Crystal, Jamina, Sky, and Adrian. "Hay, there are still a lot to review for the upcoming exam," utas ni Kristel habang palabas kami ng library. We decided to take a break. Ang totoo ay konti lang naman ang natatandaan ko dahil kahit anong gawin ko ay hindi maalis sa isip ko si Jaycee at ang iba pang gumugulo sa aking isip. "Cali!" Natigilan kami nang bumungad sa amin si Andrew na halos mapunit na ang mga labi nito sa laki ng kanyang ngiti. He waved his hand at us happily before he ran towards us. Kristel chuckled as she saw him coming to us. "Malakas talaga tama niyan sa'yo," komento ni Kristel bago nakalapit si Andrew sa amin dala ang isang paper bag. "Here," pagkalapit pa lang nito ay inabot na nito ang paper bag niyang dala. Kunot noo kong pinagmasdan ang paper bag na iyon. Nang napansin niya ang pagtataka ko ay mahina lang siyang tumawa. Hindi ito naka uniporme at suot ang panglaro nila sa basketball na tinatawag. Mukhang kakatapos lang nila mag practice, "Some snacks for you. Puro nga lang matatamis," aniya at malapad akong binigyan ng ngiti. "Thanks," ani ko at matipid na ngumiti. I'm more comfortable now than before with him. Siguro ay matapos ang nangyari kahapon ay gumaan ang pakiramdam ko sa kanya bilang kaibigan. "Para sweet?" Kristel asked and chuckled. Sa halip na mapikon ay sinakyan lang siya ni Andrew at kinindatan pa siya na para bang nadali niya ang kanyang pakay. "I have to go back, may practice pa rin kami." Aniya sa akin. Gusto ko itong tanungin kung pinayagan na ba siya ng Daddy niya na maglaro. Dahil ang narinig ko kahapon ay binawalan siya sa paglalaro. Wala akong ideya kung sinusuway niya iyon o hindi. "Okay," simple kong saad bago siya nag martsa paalis. Kasabay ng paglisan ni Andrew ay siyang rin pagsulpot ni Jaycee. Agad akong natigilan nang natanaw ko siya sa gitna nang paglalakad namin ni Kristel. I secretly gulped as I met his eyes on mine. Nakabulsa ang mga kamay nitong naglakad palapit sa akin. Bawat hakbang niya ay malakas ang kabog ng aking dibdib. "Is that Jaycee?" Kristel asked as she saw him coming to us. Ngunit hindi natinag ang mga mata ko at nanatili pa rin sa kanyang direksyon. "Can we talk?" He didn't even glance at Kristel beside me as he went in front of us. Naramdaman ko ang mga mata ni Kristel sa akin na nababalot ng pagtataka at katanungan. Sandali akong yumuko at lihim na mariing pumikit bago ko sinalubong ang mga mga mata niyang naghihintay ng kasagutan mula sa akin. "I'll explain later. Don't tell this to anyone, okay?" Ani ko sa kanya habang hinihiling na sana ay wala siyang pagsabihan nito. Kahit naguguluhan at maraming tanong sa kanyang mga mata ay marahan siyang tumango sa akin. "I'll be at the cafeteria," aniya at marahan akong tinapik bago siya nag martsa paalis. "About the kiss yesterday," mariin akong pumikit nang wala man lang itong preno at diretso agad iyong binanggit sa akin. "What about it?" I asked. "You're taking it seriously, right?" He said. Hindi ako nakakibo. I don't have an answer for that. I don't know the answer either. "You said you can't be with me," sagot ko sa halip na sagutin ng diretso ang kanyang tanong sa akin. "Not anymore. I broke the distance I made when I kissed you," aniya kasabay ng pag kurba ng ngisi sa kanyang labi. Hindi ko alam kung bakit nagiging tambol ang aking dibdib sa tuwing naaalala at nababanggit niya ang tungkol doon. Isang pagkakamali, but it's making my heart pound, "You're still accepting what Andrew is giving?" Tanong niya nang bumaba ang mga mata niya sa paper bag kong dala. "He's my friend," ani ko. "How about him? Are you a friend to him?" May lamig niyang saad sa akin. Alam kong may ibig siyang sabihin doon. "He likes me," diretso kong saad, "I don't like him, and he's aware of that," dagdag ko. Hindi ko pinutol ang mga mata ko sa kanya. "Who do you like, then?" He asked, wearing his playful smile on his lips. Pakiramdam ko ay hindi ko mapigilan ang pag kurba ng ngiti sa aking mga labi. "What about you? Who do you like?" Pagbabalik ko ng tanong at mapaglaro siyang tiningnan. Tumaas ang kilay nito at napailing sa akin. Kita ko ang kilig sa kanyang reaksyon at hindi ko alam kung bakit mas lalo lang siyang nagiging gwapo. "No one," natigilan ako sandali, "But I love someone, and she's in front of me," aniya at kumindat sa akin. Hindi ko na napigilan pa ang pagtawa sa banat nito. Sino ang mag-aakala na ang malamig na lalaking ito ay babanat ng ganoon? Napailing na lang ako sa kanya. "Jaycee," pareho kaming natigilan at sabay naming nilingon ang boses na iyon mula sa aking likuran. Bumungad sa akin si Ismael na madidilim ang mga mata ngayon kay Jaycee. Umigting ang panga nito at tila ba ay nakipag palitan ng tingin sa malalamig na mata ni Jaycee. I felt the tension between them. "I'll go ahead. Kristel is waiting for me," ani ko at nag martsa paalis, leaving them behind. I know something's up with both of them. But I have to pretend that I don't know anything. Kilala ko kung sino ang kalaban ko. Unti-unti ko ng natutuklasan kung sino sila. Isa na lang ay makukumpirma ko ng si Jaycee nga ang kalaban ko sa lahat. It makes me feel scared if I found out that what I think is really true. Natigil lang ang pag-iisip ko nang natanaw ko si Crystal sa labas ng comfort room at mukhang may hinihintay. "Crystal," tawag ko agad sa kanya. Agad naman siyang bumaling sa akin, "What are you doing here?" I asked. "Nasa loob si Shaheal at Jamina," aniya at tinuro ang comfort room. Marahan lang akong tumango. Dumako ang mga mata ko sa kwintas na lagi niyang suot. Talagang hindi niya nakakalimutan isuot iyon sa araw araw. That's the necklace they both have, her and her sister. Tandang-tanda ko ang kwintas na iyon na hugis puso mula pagkabaya nila. Ang sabi ni Crystal sa amin noon ay iyon daw ang bagay na nagpapatunay na magkapatid sila ng nawawala niyang kapatid, "Saan ka pupunta? Tapos na kayo mag-aral?" Tanong niya sa akin. "Not yet. Kakain lang saglit, would you like to come? Nasa cafeteria na si Kristel," saad ko. Umiling naman siya agad sa akin. "No, maglalaro pa kami nila Jamina sa garden. Nandoon pa si Adrian at Sky," aniya at bumuga ng hangin. Marahan na lang akong tumango sa kanya. Kahit paano ay napapahinga sila hangga't hindi pa dumarating ang oras ng labanan. "Okay, I'll go ahead." Paalam ko bago ako nag martsa paalis. Tahimik akong naglakad patungo sa cafeteria. Ilang estudyante ang nakakasalubong ko sa paglalakad at wala rin namang imik. Natigilan ako nang may malaglag sa babaeng nakasalubong ko lang ngayon. Kunot noo ko iyong kinuha hanggang sa napagtanto kong kwintas iyon. Pinagmasdan ko ang kwintas ng mabuti. My lips parted as I saw the heart pendant of the necklace. Agad akong lumingon sa likod ng babae na palayo na sa akin. "Miss!" I called and that made her stop. Bago ito pumihit paharap sa akin. Sinalubong ako ng blanko nitong mga mata. I know her. She's familiar, iyon nga lang ay hindi ko maalaka kung saan ko siya nakita. Sigurado ako na ilang beses na kaming nagkitang dalawa. Muling bumalik ang mga mata ko sa kwintas kong hawak. Itinaas ko iyon at ipinakita sa kanya, "Is this yours?" I asked. Malakas ang kabog ng aking dibdib habang hinihintay ang kanyang tugon. "Yeah," aniya at mabilis iyong kinuha sa akin, "Thanks," aniya bago ito mabilis na tumalikod sa akin, leaving me behind. Tulala akong naiwan doon. The necklace, that's what exactly the necklace of Crystal and her lost sister. Is she the other evil? Is she the missing sister of Crystal? The one who can see the past. clarixass
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD