Chapter 4

4756 Words
Chapter 4 Hide and Seek Pinagmasdan ko ang mga kasuotan sa loob ng lalagyan ng mga damit. Kunot noo ko iyong tiningnan na mga nakasabit sa isang mahabang bagay. Ito lamang din ang mga damit na madalas namin suotin sa aming mundo. Ngunit sa palagay ko ay mas maganda pa rin pati ang mga kasuotan sa mundo ng mga normal na tao. "Wear the hoodie," nilingon ko si Rovielyn na muling pumasok sa aking kwarto. Hindi ko alam kung bakit siya hindi kumakatok sa tuwing papasok sa kwarto na ito. Nagkibit balikat ako at kinuha ang damit niyang tinuro sa akin. Inabutan din niya ako ng pang ibaba pagkatapos ay kuntento itong ngumiti sa akin. Bumuga ako ng hangin at tumulala lamang sa kanya. Ilang segundo pa ay napagtanto niya kung bakit ako tulalang nakatingin sa kanya. "Oh, sorry!" Aniya at mahinang tumawa bago siya nag martsa paalis ng silid. Does she plan to watch me strip? Napailing ako pagkatapos ay nagsimula ng isuot ng ang damit na iyon. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at maayos naman. Mukha akong normal na tao. Komportable din ang damit maging ang tela na ginamit sa damit na ito. Bumuga lang ako ng hangin pagkatapos ay sinuot ang sapatos na puti na naroon din sa kwarto ko. Dinala ito ni Rovielyn kanina nang pumunta siya sa kwarto ko nang maaga. Matapos ko isuot iyon ay lumabas agad ako at nagpunta sa sala nilang tinatawag. "Wear this," bungad sa akin ni Rovielyn kahit na pababa pa lamang ako ng hagdan. I wasn't surprised at all. Lahat kami ay lumaki na malakas ang mga pakiramdam. Sa aming mundo, hindi ka mabubuhay kung hindi malakas ang iyong pakiramdam. You have to sense everything happening around you. You have to observe quietly to remain living. Ngunit sa sitwasyon namin ngayon, napagtanto ko na mas delikado ang lahat. Nasa mundo kami ng mga tao na walang kaalam-alam sa amin at gumagalaw na para bang isang normal din na tao. The evils are out there with us. At tadhana na lamang ang magdadala sa aming mga paa papunta sa bawat landas. I know that one day, our paths will cross. At ang hiling ko na lamang ay buo at handa na kaming lahat sa oras na mangyari iyon. "What's this?" I asked her at pinagmamasdan ang bagay nitong inabot sa akin. Kunot noo ko iyong pinagmasdan. Kasuotan din ba ang bagay na ito? "That's what they call a cap. Sa ulo iyan, para lang maka siguro tayo na maitatago pa rin kahit paano ang mga mukha ninyo. Lalo pa kung sakali na magamit ninyo ang kapangyarihan niyo sa labas. People can't see your eyes turned into the power you have in your bodies," pahayag niya kasabay ng pagdating nila Crystal at Adrian. Pinagmamasdan ko ang mga ito sa kanilang kasuotan. Si Crystal ay nakasuot din ng tulad ng akin. Ang pinagkaiba lang namin ay kulay pink ang kanya habang ang akin ay nude color. Si Adrian naman ay nakasuot lamang ng isang t-shirt na may nakasulat sa harapan at pants. Yeah, I know those. We have these in our worlds. Kakaiba nga lamang ang disenyo nila dito sa mundo ng mga tao. "This is awesome," ani Adrian habang tinitingala sa kanyang ulo ang cap nilang tinatawag. Nagkibit balikat ako at sinuot na din iyon. "Okay, remember ha? Don't act like you don't know the things here in this world. Kahit ano pa ang mga bagay na makita ninyo sa labas, act normal na para bang alam niyo ang bagay na iyon at natural iyon. Don't forget that the evils are also here. Who knows if they are already in front of you, o baka nasa gilid mo? We don't know. That's why we have to be careful whatever happens." Mahaba niyang pahayag sa aming tatlo. I nodded at her. Pakiramdam ko ay papasok kami sa isang maze sa sitwasyon naming ito. I really hope we find those two soon. We still have to train them and teach them what they don't know in our world, especially the powers that might be still sleeping in their bodies. Ngunit malakas ang kutob ko na napipigilan lamang ang kapangyarihan nilang taglay. I know it's already awake, and those missing ones are already confused of who they are. "You're with us," pahayag ni Crystal. "Now, use your power," pahayag ko kay Adrian. Marahan naman siyang tumango at bumuga ng hangin bago na inilahad ang kanyang palad. Maya-maya pa ay umagos ang kontrolado niyang tubig doon at siyang nagsilbing lead sa amin sa daan. "Sandali, they can't see that. That's dangerous," pahayag ni Rovielyn nang makita niya ang tubig na umaagos sa baba papunta sa direksyon ng taong hinahanap namin. I smirked at her, "That's invisible," pahayag ko, "Adrian can tell to the water the people who can only see that," ani ko at tinuro ang tubig na lumalandas na. "Okay, so who's first?" She asked. Adrian opened his eyes and flashed a smirk on his lips before he eyed us. "They are near to each other's location," pahayag ni Adrian, "I can feel their powers. It's communicating with my water," dagdag ni Adrian. Bumuga ako ng hangin at tumango bago ako bumaling kay Rovielyn. "Let's go," pahayag ko sa kanya. Lumabas naman kami at lumapit siya sa malaking bagay na may apat na gulong. "This is a car. Isa ito sa mga sinasakyan ng mga tao. Open the door like this," aniya at ipinakita sa amin ang pagbubukas ng mga pinto nito. Pumasok siya sa loob nito at nang akma ko nang bubuksan ang pinto tulad ng pinakita niya sa amin ay biglang bumaba ang salamin at agad kong naramdaman ang pagiging alerto ng apoy sa loob ng aking katawan. Napailing si Rovielyn sa loob nang makita ang pagdaloy ng apoy sa kulay ng aking mga mata. "It's normal. Pumasok na kayo we don't have all the time," aniya. Agad akong pumasok katabi ni Rovielyn at sa likuran ay pumasok naman si Crystal at Adrian na lumilinga sa kabuuan ng loob nitong tinatawag nilang car. This is really awesome. Napakaraming aparato na hindi ko alam kung para saan. "Manibela ito. Ito ang mag-co-control sa sasakyan pati ang mga tinatapak ko na ito. Heto naman ang seatbelt. Wear it like this," aniya at tinuro sa akin ang pagkakabit ng seatbelt na tinatawag na meron ang bawat upuan sa loob. Sumipol si Adrian at bakas ang pagkamangha niya doon, "Ginagamit 'yan for safety. Kapag bubuksan niya ang pinto, iyang bagay naman na 'yan ang ginagamit," tulad ng ginawa niya kanina ay pinakita niya rin sa amin kung paano buksan at i-lock ang pinto. Bumilog ang mga labi ko habang pinapanood at sinusubukan ang ginawa niya. "Let's go now. Tell me the directions, Adrian." Ilang sandali pa ay naramdaman namin ang pag-andar ng sasakyan na ito habang si Rovielyn ay hawak ang manibela at pinapaandar nga ang sasakyan mula doon at sa ibang aparato pa sa loob ng sasakyan. Malamig din sa loob dahil sa hangin na akala mo ay bintana, "That's not a window, it's an aircon sa loob ng kotse." Komento ni Rovielyn matapos muling basahin ang iniisip ko. I glared at her when she read my mind agad. "Stop reading my mind," pahayag ko at umiling. "I can't help it, your thoughts are flooding," aniya at ngumiwi. I'm glad not to have that power. Pakiramdam ko ay maiirita lamang ako habang naririnig lahat ng iniisip ng mga nakapaligid sa akin. "How do you control your power?" Adrian behind us. Ang mga mata ko ay nasa labas sa salamin na bumababa. Hindi ko maiwasan na mamangha sa mga lugar namin na nadadaanan. Ang mga tao sa bawat nadadaanan namin ay may kanya-kanyang mga mundo. How does it feel to live without powers? I feel like they are too weak without it. But their faces look calm. Para bang walang nag-aabang na kapahamakan sa kanilang mga mata at ang mga buhay nila ay wala sa gitna. Hindi tulad ng amin. All of our lives are on the line. We all grew up training and practicing to be ready in a war that normally happens in our world. They can even laugh and smile, at sa mga mata nila ay kitang-kita ko ang malaki naming pagkakaiba. We might laugh and smile, but we are observing what's happening around us. We can sense it if danger is coming, we can sense everything that's coming near us. But these people. They seem fine and safe while we are all fighting for our lives. "Taking a deep breath to calm my power in hearing everybody's minds," pahayag niya at bumuga ng hangin. Sa itsura at reaksyon niya ay mahahalata at mapapansin mo na hindi iyon ganoon kadali kontrolin. "Water is hard to cope with," pahayag ni Adrian at bumuga rin ng hangin, "Madalas akong lamigin sa kapangyarihan ko. And I always dream of every waters in the world, it sucks. Sometimes, I'll wake up without knowing that the water is already falling from my fingers," ngumiwi si Adrian at muling bumuga ng hangin. "Being an eye in the future is also hard to control. Mabuti na nga lang at hindi ko makikita ang hinaharap ng isang tao kapag hindi sila nahahawakan sa palad. That's why I don't want to hold a person's hand. What I don't like about this power, ay iyong hinaharap mismo ng isang tao. It might be bad and good. And I'm always scared to see a bad future waiting for that person," pahayag niya at bumuga ng hangin. "Walang kapangyarihan na madaling kontrolin," pahayag ko sa kanila habang ang mga mata ko ay nanatili sa labas, "Do you think it's also easy to feel the heat inside my body?" Napailing ako sa aking sarili, "Your powers can't kill you, but my powers can." Dagdag ko. "What do you mean?" Rovielyn asked. "It can burn me alive if I lose control of it. If I fail to control it, the fire will be the one who will control me," pahayag ko sa kanya. "That's why she always controls her emotions. Dahil kung hindi ay pati ang apoy sa loob ng katawan niya ay lalabas. Well, it only happens when she's upset," pahayag ni Crystal. All of our powers are hard to control. Ang akala ng iba sa ganitong mga kwento ay masarap at enjoy magkaroon ng kapangyarihan. Ngunit para sa akin? Hindi. Is it fun to have a power that can also kill you? Is it fun to live while your life's on the line? No. It wasn't fun at all. We all grew up being ready to die when our deaths come. But we were not trained to die without fighting in fear. We were trained to die fighting in bravery as our powers control us. "Lucky these people who were born in this normal world," pahayag ni Adrian at bumuga ng hangin. I totally agree with how lucky they are. They can live and enjoy their lives without getting rid of evils. Unlike us. We always have to be ready whenever the evils attack us. And we are here. We are put in a dangerous situation where we can die at the end. It's either we live, or we die. We only have two choices in the end. And I hope to have a successful and a happy ending. "Turn left," ani Adrian kay Rovielyn at agad naman na lumiko ito. Nakasilip si Adrian sa labas at sinusundan ang patuloy na pag-agos ng tubig papunga sa lokasyon ng taong hinahanap namin. I wonder what power they hold. I wonder what power is living in their bodies. "Why don't we have this kind of car in our world?" Crystal asked out of nowhere. "We have horses, mga kabayong lumilipad." Natatawa na komento naman ni Adrian. That's right. Iyon ang sasakyan namin lagi sa aming mundo. How can we have that here in this world? People might freak out if they see the horses we have in our world. "I miss being there," pahayag ni Rovielyn. "How many years are you living here?" Tanong ko sa kanya sa kuryosidad ko. Ang sabi ng ina ay matagal na niyang pinadala si Rovielyn sa mundong ito bilang paghahanda sa digmaan na inaasahan ng lahat at naganap na nga iyon. "Tatlo? Apat? Lima? I don't know. I stopped counting it to get rid of being alone and missing our world. I mean, this world is amazing and better. But our world is my home and not this world. We all know that we don't belong here," mapakla siyang ngumiti. I can't imagine how she survived being alone in the world she's not even belong to. "How did you survive alone here?" Adrian asked. She chuckled while her eyes were on the way, "I explored and observed quietly just like what we do in our world. I observed every person around me of the things they do," pahayag niya sa amin. I wonder if she has a friend here. It's so lonely to live alone kahit saan ka pang mundo magpunta. "I don't have a friend, Calida." Bumuga siya ng hangin matapos na naman basahin ang aking iniisip, "I chose not to have a friend here. It's because if I get attached to someone here, it will be a weakness in my heart and we can't have a fear for someone. Loving someone is a weakness in our situation," I nodded. She was right. We can't let love grow in our hearts. Lalo pa kung ang tao ay mula sa mundong ito. That person's life will also be put in danger. When you like someone, it will grow until it becomes love. And when it becomes love, you will care for that person, you will think of that person. If you're from the magic world and you love someone who's normal, mapupuno ka lamang ng takot as that person you love will be put in danger. Having weakness is dangerous for us. That weakness is a chance for the enemies. When you start to have a weakness in your heart, para mo na rin binigyan ng malaking pinto ang mga kalaban para maatake ka. And if they did, you will be dead in our world. Because evils kill whoever you are when they have a chance to. "Papunta ang daan na ito sa Academy," napunta ang mga mata ko sa daan. Kitang-kita ko ang tubig na umaagos sa daan mula sa kapangyarihan ni Adrian. Kunot noo kong naaninag ang matayog na estruktura sa hindi kalayuan. I don't know what the place is. Ibig sabihin ay nasa loob ng lugar na ito ang taong hinahanap namin? "What's Academy?" Crystal asked. "It's a school where people learn. We have that in our world. Iyon nga lang ay paghahanda iyon o training," mahinang tumawa si Rovielyn. Huminto ng sasakyan ngunit ang tubig ay kitang-kita namin ang patuloy na pagdaloy sa loob ng matayog na estruktura nito. "Let's go inside," pahayag ni Rovielyn at inalis ang seat belt na tinatawag. Mabilis kaming kumilos at inalis din ang mga seat belt namin pagkatapos ay lumabas, "Look," tiningnan kami nito, "We will go inside and I will be your aunt. We're here because I will enroll the three of you if someone asks, okay?" Pahayag nito. Marahan kaming tumango at bumuga ng hangin. As we walked through the huge gate that was opened, my eyes started to observe. I was walking normally like a normal person but I'm observing the place around us, quietly. "Saan po tayo, Miss?" Huminto kami nang humarang ang isang lalaki suot ang puting uniporme. Our eyes went on him at napansin ko ang paglingon niya sa amin. When he glanced at us, tumaas ang kilay nito ay tila ba ay nawiwirduhan sa amin. Maybe because our eyes are eyeing him wearing our blank expressions. But we weren't just eyeing him, we're observing him. Tumukhim si Rovielyn at matipid na ngumiti sa lalaki, "I'm their aunt. I'm here to enrol them," pahayag niya. Ilang sandali pa ay pinagmasdan kami nito at tila ba ay binabasa ang aming mga mata. You can't read a blank paper. "Punta na lang po kayo sa registrar, diretso lang po tapos ay kaliwa," paliwanag niya kay Rovielyn at binalik muli ang mga mata sa amin. "Let's go," sandali kaming nilingon ni Rovielyn at tinaasan kami ng kilay bago kami nag martsa papasok sa loob. Bumuga siya nang hangin nang tuluyan na kaming nakapasok at nalagpasan ang lalaki na iyon. "Their school looks like the school in our world. It's just the same," pahayag ni Adrian habang ang kanilang mga mata ay gumagala at pinagmamasdan ang kabuuan ng paaralan na ito. It's wide, I can see that. However, we don't know the people here. "The water," ani ko nang nakita ko ang tubig papunta sa isang kwarto. "It seems like the person we're looking for is at the library," pahayag ni Rovielyn. Nanguna ako sa paglalakad at hindi na nag aksaya pa ng oras. Pagdating namin sa harap ng dalawang pinto, sa taas ay may nakasulat na library doon. Nanatili ang mga mata ko sa tubig sa lapag, giving us directions to the person we are looking for. Pumasok ako sa loob, walang masyadong tao doon. The librarian is busy reading something. Sinundan ng mga mata ko ang kapangyarihang tubig ni Adrian na patuloy ang pagdaloy. I walked, while they were behind me, also following the water. Papunta ang tubig na iyon sa mga hanay ng mga lalagyan ng marami at iba't ibang libro. "D*mn, why is it all fiction?!" Unti-unting tumaas ang mga mata ko sa boses na iyon. Bumungad sa akin ang isang babae na may hawak na mga libro at bakas ang pagka irita sa kanyang mukha. Nakasuot ito ng uniporme tulad ng ilang mga tao namin na nadaanan papunta sa silid na ito. It seems like she's trying to find something, ngunit hindi niya iyon mahanap, "I have to find out why I can do that thing," Huminto ang tubig sa kanya, at doon ko nakumpirma na siya ang isa naming hinahanap. "Because you're not belong here," mahina kong saad ngunit sapat na upang kami lamang ang makarinig. Nilingon ko sila Adrian at nagbigay ng senyales sa kanila. Mabilis silang lumayo at nagbantay sa paligid. Muli kong hinarap ang babae na kunot noong nakatingin sa akin ngayon. The questions in her eyes are already flooding. "Who are you?" She asked, pagkatapos ay pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa, "You're not from here, aren't you?" Tanong nitong muli. "I can answer all of your questions," pahayag ko. Ilang sandali niya ako pinagmasdan at tila ba ay tinitingnan nito kung dapat nga ba niya akong pagkatiwalaan. That's a good move. Don't trust anyone that quick. Sumilay ang ngisi sa aking mga labi nang makita ko ang pagdadalawang isip sa kanyang mga mata. "Make me believe you," pahayag niya sa akin at hinahamon ako nito sa kanyang mga mata. "I like her, she doesn't trust us easily." Rovielyn commented beside me. Bumuga ako ng hangin, "I can also do something that normal people can't," I smiled a bit at her, giving her assurance that she can trust us. Dumako ang mga mata ko sa pulso nito nang umiilaw ang isang marka doon. It's a cross sign. "Heal," pahayag ko nang makita ko ang marka na iyon. That's her power. She can heal people. "P-Paano mong nalaman?" Nalalaki ang mga mata niyang tanong at bakas ang gulat sa kanyang mga mata. Mabilis niyang tinago ang kanyang kamay nang makita na doon ako nakatingin. Bakas na ang takot sa kanyang mga mata ngayon at tila ba ay gulong-gulo sa lahat ng nangyayari. I was right. Her power is already awake inside her body. She's the healer. She's the one who will also complete us. "She's the healer," Rovielyn stated as she also saw the mark of healer on her right wrist. There aren't a lot of healers from our world. They are actually rare. It only means that she's from that blood. Ngunit wala akong kilala na may nawawala silang anak. What does this mean? Bumukas ang aking mga labi nang naalala ko ang isang sinabi sa akin ng ina. She might be their lost daughter as they are also lost and locked by the evils. "Trust me, I can tell you everything. You're the one that we're looking for," pahayag ko sa kanya. Ngunit matapos niya akong pagmasdan ay umiling-iling siya sa akin. "I can't just believe your words," pahayag niya. Natigilan ako. Napailing ako at bumuga ng hangin. "Cover the cameras around in the corners, Adrian." Pahayag ni Rovielyn sa akin tabi. "Done," utas ni Adrian matapos gawin ang utos ni Rovielyn. "What did you do?" Nagtataka niyang tanong at pinagmasdan ang bagay sa bawat sulok na hindi ko alam na uri rin pala ng camera. It's covered with water. That's Adrian, and his power is water." Pahayag ko, "Do you still not believe me?" I asked her again. "How about you? What's yours?" She asked. "Fire," I answered, wearing my blank expressions, "Now, come with us if you want to know everything. You can't find the truth in any of those books. If you don't, I'll just burn you and turn you into ashes," wala akong choice kung 'di ang pagbantaan na ito sa huli. I can't waste my time here, trying to convince her. The missing one is still out there. "I'll come with you," pahayag niya at bumuga ng hangin. Ngumiti si Rovielyn at nakahinga ako ng maluwag. "Let's go," pahayag ko. "The water parted," ani Adrian at tinuro ang pagdaloy ng tubig. Palabas din iyon ng library. It's taking us to the other missing one again. "What's your name?" Rovielyn asked the girl. "I'm Shaheal," ngumisi ako nang marinig ko ang pangalan nito. Her parents really named her with the word of her power. "What's her power?" Mahinang tanong ni Adrian sa aking tabi. "She's a healer," bulong ko at diretso lang ang paglalakad habang sinusundan ang patuloy na pag-agos ng tubig. "A healer? It's a rare power," komenti niya. Marahan naman akong tumango. "Can you guys explain where you are taking me?" Tanong ni Shaheal habang patuloy pa rin namin sinusundan ang pagdaloy ng tubig papunta sa isa pa naming hinahanap. "We're going to find the missing one. May isa pang nawawala at siya ang kukumpleto sa atin," mahina lang na paliwanag ni Crystal. "What's your power?" She asked. "I can see the future of a person," sagot ni Crystal. "Don't talk about that here. We don't know the power that those evils hold," pahayag ko sa kanila dahilan upang mahinto sila sa pag-uusap. We don't know their faces and we don't know who they are. Wala kaming alam sa kanila. The only thing we know is that they are evils, and they are our enemies. They always play dirty, that's why we have to be careful. "It's leading us out," komento ni Adrian. "Oh, Shaheal? Kilala mo sila?" Tanong ng lalaki na humarang sa amin kanina nang papalabas na kami. Tiningnan kami ni Shaheal at tila ba ay nanghihingi sa amin ng dapat niyang isagot sa lalaki na ito. I don't know why he's asking so much. Is he curious about everyone's life? "U-Uhm, yeah! Kaibigan ko po," pagsisinungaling niya. Tumango-tango naman ang lalaki. "Nakapag enrol po ba sila?" Tanong niya at nakabaling kay Rovielyn. Kita ko ang gulat sa mga mata ni Rovielyn nang bigla siyang tanungin nito. He's getting on my nerves. Why is he asking so much? "Opo! Salamat! Mauna na kami," aniya at agad kaming binigyan ng senyales para magpatuloy sa paglisan sa lugar na iyon. Tinuloy namin ang pagsunod sa patuloy na pag agos ng tubig palabas ng paaralan na ito. We have no idea where it wants to take us. "Let's use the car," mabilis na kinuha ni Rovielyn ang isang susi at akma ng bubuksan ang pinto nito. "Calida, look!" Nahinto ako at nilingon ang tinuturo ni Crystal. Bumukas ang aking mga labi nang makita ko ang mataas na ikot ng hangin. It's a tornado coming from that place that's near us. Tiningnan ko ang patuloy ng pag-agos ng tubig at papunta iyon sa malakas na pag-ipon ng hangin na iyon. "Faster!" Sigaw ko at nagmamadali na sumakay ng sasakyan. Mabilis na pinaandar ni Rovielyn ang sasakyan at mabilis na sinundan ang tubig na dumadaloy. Malakas ang kabog ng aking dibdib at ramdam ko na ang kapangyarihan ng tao na iyon ay hindi kinokontrol na ang kanyang katawan, "The power is winning in that person's body," I said. "Let's just erase the memory ng mga taong nakakita," pahayag ni Rovielyn. We have the power to erase the memory of someone who's not like us. We can erase their minds, we can erase what they have just seen and that's a good thing to hide our real identities. Nang napansin ko ang paglakas ng hangin sa paligid, napagtanto ko na papalapit na kami sa lugar na iyon na patuloy din naman kaming dinadala ng tubig na kapangyarihan ni Adrian. Ilang sandali pa, huminto kami sa isang lugar na may ilang mga tao ang nakakalat at may mga bagay na hindi ko alam kung ano ang tawag sa damuhan. Hinanap agad ng aking mga mata ang taong hinahanap namin. Sinundan ng mga mata ko ang patuloy na pagdaloy ng tubig. Halos mapuwing ako sa lakas ng hangin. Ang buhok ko ay malakas na nilalaro ng hangin na iyon. "AHHHHHHH!" Agad na huminto ang mga mata ko sa isang lalaki na nakasuot din ng uniporme tulad ni Shaheal. Tiningnan ko ang napakataas na ipo ipo na nabuo nito sa kanyang kapangyarihan. Sa itsura pa lamang niya ay halatang pinahihirapan siya ng hangin na kanyang kapangyarihan. It's manipulating and controlling his body. If it succeeds, he will die. This power isn't an easy power to have. "What should we do? The wind is too strong!" Sigaw ni Adrian. Nagkakagulo ang mga tao at iba't ibang sigaw ang naririnig namin. "Go and erase their memories!" Sigaw ko sa kanila. Mabilis silang kumilos ngunit nanatili si Rovielyn sa tabi ni Shaheal na nakakapit sa isang puno sa lakas ng hangin. "What should we do?!" Sigaw ni Rovielyn. "I can turn it into fire so his power will stop," pahayag ko at muling tiningala ang mataas ng ipo ipo niyang nabubuo. "Do it now!" Bumuga ako ng hangin at inilahad ang aking palad. Naramdaman ko ang muling pag-iinit ng aking buong katawan lalo na ang aking mga mata at mga kamay. The fire inside me awoke as I started controlling it again. Ilang sandali pa ay mabilis kong tinapat ang aking mga palad sa mataas at malakas na ipo ipong nabuo ng kanyang kapangyarihan. Naramdaman ko agad ang paglaban ng hangin sa aking kapangyarihan ng unti-unti kong balutin at sakupin ang hangin na iyon ng apoy. I admit, the wind is too strong. Galit na galit ang kapangyarihan niya at hindi ko maitatanggi na halos nabubuhos ko na ang lakas ko. The tornado is fighting the fire, at hindi naging madali sa akin na mabalot iyon. The power is mad as it already burst. He stopped it, kaya ganito na lamang ang tindi ng galit ng kapangyarihan niya. "It's angry!" Sigaw ko sa kanila habang patuloy ang malakas na hangin. I can feel my whole body burning and the fire is fighting so hard to stop the wind. Patuloy ang paglabas ng apoy sa aking mga palad at ramdam na ramdam ko na ang pag-akyat ng apoy sa aking mga braso. "F*ck," mura ko nang makita ko na ang pag akyat ng apoy sa aking katawan. Bumuga ako ng hangin at sa oras na iyon ay mas binuhos ko ang kapanyarihan ko hanggang sa tuluyan ng maging apoy iyon at huminto ang malakas na hangin. Napaluhod ako matapos kong mapigilan iyon. Hinabol ko ang aking hininga. I almost used my whole strength. "He passed out," ani Rovielyn. "Are you okay?" Tanong ni Shaheal nang makita akong nakaluhod. "No," pahayag ko. "S-subukan kitang palakasin," pahayag niya at kahit hindi sigurado ang mga mata nito ay hinawakan lang ako nito sa aking balikat. As she did that, nakita ko ang mahinang pagliwanag ng kanyang palad at unti-unti ay naramdaman ko ang panunumbalik ng aking lakas. "The first mission is done," Adrian said. Marahan akong tumango at matipid na ngumiti. It's just the first one, we still have a lot to do. We're still playing hide and seek. clarixass
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD