Chapter 2

1102 Words
"Are you looking for love?" Napangiwi si Sheila habang binabasa niya ang adds na lumabas sa screen ng kanyang cellphone. Nanonood siya ng Glorious sa kanyang laptop. Nakadapa lamang siya sa kanyang higaan sa kwarto dahil gabi na at patulog na siya. Tapos biglang may sumulpot na adds sa screen. Isa iyong dating site. Napanguso siya at ini-ekis iyon. Dati na siyang nag-sign up sa mga ganoong site, wala rin namang mapapala. Pinagpatuloy niya at hindi na lamang iyon inintindi. Ayaw niya kasi sa mga ganoon. Para sa kanya ay hindi mo mahahanap ang totoong pagmamahal sa online. Nasa parte na siya kung saan naging magkarelasyon na ang mga bida. Napapakagat labi niya habang nanonood sa bed scene ng dalawa. Hindi niya tuloy maiwasang mainggit sa bidang babae. Matanda na rin kasi ito, kagaya niya. Hiwalay din sa asawa pero hindi pa sa papel at malalaki na rin ang mga anak. Pero akalain mo ‘yon? Nakahanap pa ng bagong pag-ibig, at ngayon ay aktibo na ulit ang s*x life. “Sana lahat,” natatawa niyang sabi. Kailan nga ba ang huli niyang sabak? Tatlong taon na ata ang nakalilipas. Noong pumunta siyang Maynila at na isipan niyang mag-bar. Hindi na niya tanda. “Ano ba ‘to?” Napakunot ang noo niya noong mag-pop out muli ang ads ng dating site. Tatanggalin niya sana ulit ‘yon pero natigilan siya at napaisip. Bakit hindi? aniya sa kanyang isipan. Hindi naman kailangan maghanap ng makakapareha. Sa panahon ngayon ay mahirap na magtiwala. Hindi niya kinokontra ang kaibigan niyang nagkaroon ng bagong karelasyon, pero hindi naman nila masasabi ang panahon. Pwedeng pagdating ng araw ay biglang magbago ang ihip ng hangin. Kagaya sa nangyari sa kanila ng kani-kanilang mga asawa. Hindi naman ata masama na mag-sign up siya at maghanap ng lalakeng magpapainit ng kanyang mga gabi? Umupo siya at inilagay sa kandugan ang laptop. Pinindot niya ang dating site at nag-sign up doon. Hindi naman masama kung susubukan niya. Maghahanap lang siya ng pwedeng magpa-init sa kanya. Hindi naman ibig sabihin no’n ay maghahanap siya ng lalakeng makakasama niya habang buhay. “Kailangan pa talaga ng picture?” nakangiwing sabi niya. “Sabagay.” Tumayo na siya at naghanap ng maisusuot. Napangiti siya noong makita niya ang itim na bestida niya na hapit na hapit sa kanya. Kinuha niya iyon at isinuot. Pagkatapos ay nagsuklay siya at naglagay ng kaunting make-up. “Sige lang, Sheila. Galingan mo,” natatawa niyang sabi sa sarili. Nang masiyahan na siya sa kanyang hitsura ay inayos niya ang kama niya at cellphone. Nilagyan niya iyon ng timer para hindi na niya kailangan hawakan. Nag-pose siya ng kung ano-ano, iyong iba ay pang-sexy pa. Pagkatapos niya ay nahiga siya at tiningnan ang kanyang mga larawan. “Oh pak! Pati mga bakla titigasan sa ‘yon!” Ngumiti siya habang pinagmamasdan ang mga pictures niya. Wala na siyang pake kung kita ang pisngi ng kanyang dibdib at ang makinis niyang hita. Natatawang inilipat na niya iyon sa laptop niya at ini-upload sa website. "Ayan. Now maglagay naman tayo kung ano ang hinahanap natin.” Tumipa siya sa keyboard ng kanyang laptop. Inilagay niya ang mga hinahanap sa lalake. Hindi naman siya mapili, pero ang gusto niya ay ka-edad niya. Iyong lalakeng wala rin balak sa seryosong relasyon at talagang gusto lang ng pampalipas oras. "Grabe naman?" Napaisip siya, pero sa huli ay nagkibit lamang siya ng balikat. Masyado na siyang matanda para isipin pa ang sasabihin ng iba. Gusto lang niya mag-enjoy. Hindi naman ibig sabihin na magbabago-bago siya ng lalake. Maharot siya, pero stick to one. At panghuli na ito. Gusto niya lang ulit maranasan. Para may sumundot sa kanyang tagiliran noong maisip niya na gagawin niya ulit iyon. Minadali na niya ang paglalagay ng mga gusto niya. Pagkatapos ay ipinasa na niya iyon sa website. Nang masiguro na niya ay tama ang lahat ng kanyang na ilagay ay binatawan niya muna ang kanyang laptop at nagbihis. Bumaba siya sa sala niya upang kumuha ng beer at ng meryenda. Nakaramdam kasi siya ng gutom. Muli na siyang bumalik sa kanyang silid nang makakuha na siya. Nanonood na siya noong tumunog ang kanyang laptop. Pagtingin niya ay nagmula iyon sa site na kanyang pinuntahan kanina. Ini-pause niya muna kanyang pinapanood at tiningnan ang dating site. Napanganga siya nang makita niyang ang dami agad ang nag-like sa picture niya at bumisita sa profile niya. Marami na rin ang nagbigay ng mensahe sa kanya na mga kalalakihan. “Wow ha? May asim ka pa talaga, Sheila,” natatawa niyang sabi. Isa-isa niyang binisita ang profile ng mga nag-message sa kanya. Hindi muna siya nag-reply sa mga ito dahil puros mabubulaklak lang na mga salita ang kanyang nababasa. Nanlalaki ang kanyang mga mata at minsan ay napapaawang ang bibig habang tumitingin sa mga profile ng mga kalalakihang nag-message sa kanya. Ang iba roon ay taga-ibang bansa pa at mapapa-wow ka sa gwapo at laki ng mga katawan. Pero tinatanggal niya iyon agad dahil hindi niya gusto ang malayo. Hanggat maari ay gusto niya ang malapit lang sa kanya. “Hmm.” Napataas ang kilay niya nang makita niya ang isang nag-message sa kanya. Nag-hi lamang ito sa kanya at wala nang iba pang sinabi. Hindi kagaya sa ibang nag-chat na nagsabi pa na bibigyan siya ng pera. Marami na siya no’n kaya wala siyang pakealam sa pera. Sa katunayan ay pwede na siyang hindi magtrabaho hanggang pagtanda niya dahil may ipon na siya. Mayroon pa siyang retirement plan na hanggang ngayon ay hinuhulugan niya. Binuksan na niya ang profile niyon at napataas ang kilay niya. “Anton Smith. Forty-five. Single. Edi maganda,” nakangiting sabi niya. Hinanap niya ang larawan nito at napatango-tango. Hindi na siya nagdalawang isip at ni-reply-an ito. SheyBom: Hello. Hindi naman siya nagtagal sa paghihintay at nag-reply ito agad. Anton Smith: Hello, gorgeous. How are you? "Talaga lang ha." SheyBom: Pinoy? Mukha kasi itong foreigner base sa picture nito. Blue eyes pa at ang apelyido ay Smith. Hindi niya lang sigurado kung totoo ba iyon. Anton Smith: Yes. How about you? "Ay buti naman." SheyBom: Hindi ba halata? Anton Smith: Oh, I thought you're a goddess. Namula ang pisngi ni Sheila. "Bolero." SheyBom: Talaga lang ha. Natawa na siya. Ayaw niya naman magtiwala agad, pero magaan ang loob niya sa kanyang kausap. Sana nga lang totoong tao ‘to. Marami pa silang napag-usapan ni Anton. Hindi na rin niya in-entertain ang iba pang nagme-message sa kanya at nag-focus na lang kay Anton. Sa tingin niya kasi magkakasundo silang dalawa. © 07 – 23  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD