“Ay– Anton!” Napatili na lamang si Sheila noong bigla siyang buhatin ni Anton na parang bigas. Napaigtad siya noong bigla na lang pisilin ng binata ang pisngi ng kanyang pang-upo. Hindi tumugon sa kanya ang binata bagkus ay naglakad na ito papunta sa ikalawang palapag. Kumapit na lamang siya sa balakang nito at ipinikit ang kanyang mga mata. Ininda niya ang unti-unting pagbigat ng kanyang ulo dahil siya ay nakabaliktad. Kung kanina ay nakakaya niya pa ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. Ngayon ay halos wala na siyang marinig. Nang makarating sila sa kwarto ay marahang inihiga ni Anton si Sheila sa kama. Agad namang napahagikhik si Sheila habang umaayos ng higa. Gumapang si Anton papatong sa kanya at tumigil noong magkapantay ang kanilang mukha. Mariing hinalikan ni Anton si Shei

