Ilang minuto nang nakatayo si Jessa sa labas ng bahay ni Sheila. May nakalimutan kasi siyang kuhain doon at wala siyang ibang choice kundi ang pumunta rito. Busy kasi ang mga ate niya, at ang papa naman niya ay may inaasikaso rin para sa pag-alis nila mamayang hapon. Oo, hindi sila umalis. Nagtago lang siya sa kanyang ina noong hinahanap siya nito. Hindi niya kayang makaharap ito. Nasasaktan pa siya dahil sa nangyari. Sino ba ang hindi? Ang sarili niyang ina ang naging dahilan kung bakit siya iniwan ng lalakeng mahal niya. Sa dinami-rami ng tao ay nanay niya talaga. Huminga nang malalim si Jessa at lumakad na papasok sa bakuran ng kanyang ina. Bibilisan na lamang niya at hindi masyadong kakausapin ang ina. Bahagya pa siyang nagtaka noong kakatakot na sana siya sa pinto ay bumukas iyon ka

