Nanlaki ang mga mata ni Sheila noong bigla siyang halikan ni Anton. Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa may dibdib nito at bahagya itong itinulak. Ngunit hindi manlang ito natinag at mas nilaliman pa ang paghalik sa kanya. Napaungol siya noong maramdaman niya ang dila ng binata na nagpupumilit na pumasok sa kanyang bibig. Sinubukan niya itong pigilan ngunit nagpatuloy lamang ito. Madilim ang pwesto nila dahil na sa may mga puno na sila. Malayo na rin sa mga tao ngunit naririnig pa rin niya ang malakas na patugtog ng mga disco house at mga halakhakan ng lasing na mga tao. Hindi niya maiwasang mag-alala dahil nasa labas sila. “A-Anton!” Napapikit siya nang mariin noong maramdaman niyang bumaba ang mga halik ni Anton sa kanyang leeg. Para siyang kinuryente dahil sa ginawa nito. Naghalo

