Nakatayo si Sheila sa lobby ng airport. Kanina pa siya nakalapag sa Manila Airport ngunit wala pa rin ang kanyang hinihintay. Napabuga na siya ng hangin at muling na upo sa mahabang upuan.
Matapos kasi nilang magkasundo ni Anton na magkikita na silang dalawa ay lumipad siya agad pa-Maynila. Kabado pa siya dahil ngayon na lamang siya ulit makikipagtagpo sa isang lalake, at hindi pa niya kilala sa personal. Alas tres na ng hapon base sa relo sa kanyang palapulsuhan. Mahigit isang oras na siyang naghihintay roon at mukhang hindi pa siya sisiputin ng kanyang katagpo.
“Na saan na kaya ‘yon?” inis na sabi niya. Umayos siya sa kanyang pagkakaupo at pinanood ang mga taong nagmamadali sa paglalakad. Napabuntonghininga siya at tumayo na. Isang malaking pagkakamali na siya ay andito. Bakit pa kasi niya na isipan iyon? Napailing siya at muling naglakad papunta sa ticket booth. Pero hindi pa man siya nakakalapit doon ay may humarang sa kanyang lalake.
“Hi!”
Ngumiti ito nang malapad kay Sheila. Napakunot ang noo ni Sheila at tiningnan ito mula ulo hanggang paa. Napalunok siya noong matuon ang kanyang paningin sa nakaumbok sa ilalim ng pantalon nito. OMG! Ang laki!
“You are Sheila, right?”
Agad na napaangat ng paningin si Sheila nang marinig niya ang sinabi nito. Kumunot ang noo niya dahil hindi naman niya ito kilala. Gwapos ito, at halata sa hitsura nito na may lahi itong banyaga. Idagdag pang walang pinoy na asul ang mga mata kaya sigurado siya sa kanyang hinuha. Nguni higit sa lahat ay binata pa ito. Ibig sabihin ay malaki ang agwat ng kanyang edad dito.
“Excuse me?” nakaarko ang isang kilay na tanong niya rito.
“I am sorry na natagalan ako. You know Manila, traffic everywhere,” diskumpyadong sabi nito.
Lalong nalito si Sheila sa sinabi ng binata. Muli niya itong tiningnan mula ulo hanggang paa ang binatang na sa harapan niya. Nababaliw ba ‘to? Sayang. Gwapo pa naman.
“Sorry rin pero hindi kita ma-gets. Bakit ka nagso-sorry sa akin? Sino ka ba?” Pinagkrus ni Sheila ang kanyang mga braso sa may dibdib niya. Kanina pa siya na iinis kakahintay kay Anton kaya wala siyang panahon para makipaglokohan kung kani-kanino. Kahit yummy ka pa.
Napakamot sa ulo ang binata. “Sorry. Ako ‘to, si Anton.”
Tinitigan nang maige ni Sheila ang lalakeng nasa kanyang harapan. Iniawang niya ang kanyang bibig upang magsalita rito. Ngunit muli niya lang iyong iniikom. Hindi niya ma-process sa kanyang isipan ang sinasabi nito. Paano nito nalaman na makikipagkita siya kay Anton? Bakit parang kilala siya nito at alam nitong may hinihintay siya? Bahagyang lumubo ang mga pisngi ni Sheila noong bumuga siya ng hangin. Inayos niya ang laylayan ng itim na bestida na kanyang suot at tinanggal ang sunglasses niya.
“Anton?”
Tumango ang binata. “Yes. Anton Smith. The one you’ve been waiting for.”
“Ha? Ha. Ha. Pwede ba?”
“What?”
“H’wag mo akong ma-what what diyan, ha? Sino ka ba talaga? Nasaan si Anton?”
“I’m Anton.”
Napahinga na nang malalim si Sheila. Sa kanyang hinuha ay wala pa sa trenta ang binatang ito. Baka nga ay nasa bente tres pa lamang ito. Umiling-iling siya at tiningnan ito ng masama.
“Pwede ba? Hindi ko alam kung paano mo nalaman na makikipagkita ako kay Anton, pero h’wag mo akong pinaglololoko! Hindi ikaw si Anton!”
Huminga nang malalim si Anton. “I am. Look.” Kinuha niya ang cellphone mula sa kanyang bulsa.
Pilit na kinalma ni Sheila ang kanyang sarili. Matapos niyang bumyahe mula Samar hanggang dito sa Maynila ay mukhang na scam pa siya. Napapalatak si Sheila. Sa dinami-raming uri ng pangi-scam na pwedeng mangyari sa kanya ay ito pa.
1 week ago
SheyBoom: Seryoso ka ba talaga?
Anton Smith: Yes, gorgeous. I can’t wait to see you.
Pinamulahan ng mga pisngi si Sheila nang mabasa niya ang huling mensahe ni Anton. Ilang araw na niyang pinag-iisipan kung makikipagkita ba siya rito. At ngayon ay buo na ang kanyang desisyon. Tumihaya siya mula sa kanyang pagkakahiga.
SheyBoom: Saan naman tayo magkikita?
Anton Smith: Anywhere you like.
Anton Smith: Why not we go on a trip?
Kumunot ang noo ni Sheila. “Trip?” Napangisi siya nang malapad noong makaramdam siya ng labis na pagkasabik.
SheyBoom: Sa Baguio?
SheyBoom: Pero as a friend lang ha?
Anton Smith: Hmm…
“Hmm? Ano raw? Ayaw niya ata ng as a friend. Pwede namang jowa kaso hindi ko alam kung may asawa na siya. Mahirap na mapunta sa gano’ng sitwasyon.”
Napakislot si Sheila noong biglang tumunog sa ang kanyang cellphone. Muli siyang bumalik sa reyalidad. Nagmamadali siyang kinuha ang kanyang cellphone mula sa handbag na nakasukbit sa kanyang balikat. Pakiramdam niya ay magpi-print na ang noo niya dahil sa labis na pangungunot. Noong tiningnan niya kasi si Anton ay nakatitig ito sa kanya habang mayroong cellphone nakadikit sa tainga. Pagtingin niya sa sarili niyang cellphone ay tumatawag sa kanya si Anton. Bago kasi sila umalis ay nagpalitan sila ng cellphone number para matawagan nila ang isa’t isa. Sinagot niya iyon habang hindi inaalis ang tingin kay Anton.
“Hello.”
Napasinghap si Sheila nang marinig niya rin mula sa cellphone ang boses ni Anton na nasa kanyang harapan. Pinatay na niya ang cellphone at muling hinarap si Anton.
“Okay, fine! Aalis na ako. Kung ikaw si Anton, edi ikaw na.” Itinaas ni Sheila ang kanyang mga kamay na para bang sumusuko. “Tigilan mo na ako dahil kung hindi ipapa-pulis kita! Scammer!” galit na sabi niya at tumalikod na rito. Kinuha niya ang maleta at naglakad papalayo rito. Hindi siya makapaniwala na na-scam siya ng isang bata. Sobra tuloy ang pagsisisi niya kasi hindi siya nakinig sa kaibigan niya.
Ilang beses siyang pinaalalahanan ni Vangie na h’wag na makipagkita kay Anton dahil baka niloloko lang siya nito. Tapos kung ano-ano pa ang sinabi niya rito na gagawin nila kapag magkita sila.
Urgh! T!te na, naging bato pa! Kainis!
“Wait! Sheila!” Hinabol ni Anton si Sheila. Hinawakan niya ito sa siko upang mapigilan ito. Agad naman itong lumingon sa kanya na magkasalubong ang kilay.
“Ano ba?!” Nagtaas na ang boses ni Sheila kaya napatingin na sa kanila ang mga taong malapit sa kanila. Hindi naman iyon pinansin ni Sheila dahil mas nangingibabaw ang pagkainis niya ngayon sa binatang nasa kanyang harapan.
“Please, makinig ka muna sa akin,” ani Anton. Hindi niya binitawan si Sheila kahit na hinihila nito ang braso nito. “Please? Hindi kita bibitawan. Bahala ka.”
Na iikot ni Sheila ang kanyang mga mata. “Hindi ka ba naturuan ng nanay mo ng manners, ha? Alam mo ba ‘yong ginawa mong kasalanan?!”
“I was just worried that you won’t talk to me.” Bumuntonghininga si Anton. “Fine, I’m sorry. Pero please?”
Hinatak muli ni Sheila ang kanyang braso mula kay Anton. Kahit na mas bata ito sa kanya ay malaking lalake ito. Hanggang leeg nga lang ang sukat ng taas niya rito. Kaya naman ay madali lang para sa binata na hila-hilain siya.
“Anong please?” Pinagkrus ni Sheila ang dalawang braso sa may dibdib. “Kung sa tingin mo ay tutuloy pa ako. Hindi na. Sorry ka na lang.”
Kumunot ang noo ni Anton. “What? Okay. Let’s go outside and talk about it.”
Naiwang ni Sheila ang kanyang bibig. Hindi siya makapaniwala na parang wala itong pakealam sa ginawa nito sa kanya. Hindi ba nito na iisip na sobrang umasa siya sa ‘trip’ nilang dalawa? Ilang taon siyang tigang!
“Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Anton. Uuwe na ako, at please. H’wag mo na akong kontakin.” Tiningnan ni Sheila nang masama si Anton. Dinuro niya pa ito para ipakita na nagagalit siya. Maglalakad na sana siya ulit pero hinawakan naman ni Anton ang kanyang maleta. Pinandilatan niya ito. “Hoy?”
“Hindi ko ‘to bibitawan kapag hindi ka pumayag na makipag-usap sa akin ng maayos,” seryosong sabi nito at tinitigan siya sa mga mata. Tuluyan nitong kinuha ang maleta niya.
Napanganga si Sheila. “Ang kulit mo rin, ‘no?”
“Ilang linggo natin ‘tong pinag-usapan. I’ve been waiting for this, Sheila. Hindi mo alam kung gaano na nagagalit ‘yong ulo ko sa baba.”
Lalong napanganga si Sheila. Napalinga-linga siya sa paligid nila. Mabuti na lamang at walang nakarinig dito kaya nakahinga siya nang maluwag. Muli niya itong hinarap at hinampas sa dibdib.
“Ang ingay mo!” may diing sabi niya rito.
Ngumisi lang si Anton. “So, you’ll talk with me or not? Because we’re not going anywhere until you said yes.”
Napapikit nang mariin si Sheila. Namumula na ang kanyang mukha dahil sa labis na kahihiyan. Noong muli niyang naalala ang mga ginawa niya at sinabi niya habang kausap ang binatang nasa harapan niya ay parang gusto na lamang niyang magpalamon sa lupa. Hindi naman niya kasi alam na matanda lang pala ito ng ilang taon sa kanyang bunsong anak.
© 09 – 23