“Did I scare her?” Hindi mapakali si Morris. Malinaw pa rin sa utak niya ang ekspresyon ng mukha ni Lyrica. Nagitla ito sa mga sinabi niya. Halos hindi ito makapaniwala. Was she offended? D*mn! Nababalisa siya. Nagalit ba ito dahil hinawakan na naman niya ang katawan nito? But he only wanted to pleasure her. Napaungol siya at naihilamos ang palad sa mukha. Hindi niya kasi makontrol ang sarili niya. He couldn’t tell himself to not touch her when he was dying to feel her softness against him. Sa loob ng tatlong taong wala ito sa piling niya ay wala nang ibang laman ang utak niya kundi si Lyrica. Paggising niya sa umaga ay ito agad ang naiisip niya, sa kalagitnaan ng araw niya, at kahit na sa pagtulog ay puro imahe at alaala pa rin ni Lyrica ang pumupuno sa utak niya. Matagal na niyang ti

