Gab POV
Nang makauwi na kami sa bahay agad akong dumiretso sa banyo, para maligo dahil nga hindi ako makakatulog kapag hindi ako nakakaligo tuwing gabi, si Amber naman ayun pagkatapos magpalit ng damit tulog na agad.
Ako naman marami pa akong gagawin, kailangan ko pang alamin kung sino yung mga tao na nakalaban namin sa labas ng bar. Dahil alam kung hindi lang sila ordinaryong mga gangster na gusto akong patayin kundi,alam kung inutusan lang din sila.
At ang mas ipinagtataka ko ay kung bakit sa paraan ng pagmamasid nila ay hindi man lang napansin ng mga kasama ko na kung tutuusin mas magaling pang makiramdam si Alexis sakin at ang mabilis nilang mga galaw nakakapagtaka talaga at inaamin ko na magaling nga sila pero kung ako ang kailangan nila bakit hindi sila nakikipagpatayan samin sa mga kasama ko kung kailangan talaga nila ako.At ang lalaking iyun parang pamilyar siya sakin parang nakita ko na siya pero hindi ko lang maalala kung saan.Natinag ako ng biglang mag vibrate ang phone ko.
ring...........calling dad
" Bakit po? May problema ba?sagot ko
" pumunta ka dito bukas ng umaga Sa bahay, may paguusapan tayo" sagot nito saka binaba ang tawag
Nagtatanong kayo kung bakit kami ganon kung magusap, hindi naman kami ganyan dati kaya lang ng dahil sa offer niya sa akin na hindi ko kayang tanggapin, kaya ganyan kami makitungo sa isa't isa ngayon,pareho kasi kaming matigas ang ulo at mahaba ang pride kaya wala ni isa sa amin ang magpapatalo.
KINABUKASAN
Nagising ako ng maaga dahil nga pupunta ako sa mansyon ng daddy ko dahil may importante kaming paguusapan at tinext kuna na si Alexis na sunduin niya dito sa bahay si Amber dahil baka hindi ako makapasok, hindi naman siya nagtanong pa.
Beep............Beep...............Beep
"Miss gab nandyan na po ang sundo ni miss Amber"sabi ng maid
"papasukin mo"sagot ko
Alexis POV
Nandito na nga pala ako sa labas ng bahay ni red dahil susunduin ko si Amber, dahil baka hindi daw makapasok si red, siguro pinatawag na naman siya ng daddy niya,ng buksan ng maid ni gab yung gate pumasok na agad ako, tumambad agad sakin ang gabriela na napaka seryoso at parang may malalim na iniisip.Kaya agad na akong lumapit at tinapik siya sa balikat ,mukhang hindi niya kasi ako napansin na nakapasok na .Nabalik yata ang ulirat niya ng tapikin ko siya balikat kaya agad siyang tumingala ,nakatayo kasi ako habang si red naman ay nakaupo sa sofa.
"oh nandyan ka na pala"sabi nito na parang walang gana
"oo nandito na ako ,kanina pa nga ako ,kaso mukhang malalim ang iniisip natin ah,kaya siguro hindi mo ko napansin na nakapasok na "pag oopen topic ko
" ah ,sige aalis na ba kayo ni amber "sabi nito
"hindi pa naman ,mukhang hindi pa tapos si Amber sa pagaayos ng mga gamit niya eh"sagot ko sa kanya
"Ah sige mauuna na ko sa inyo ,may gagawin pa kasi ako "sabi ni red
"sige ,ingat ka red "alexis
"sige kayo din Ingat sa pagmamaneho"red
POV Fyne
Nandito ako ngayon sa labas ng gate hinihintay ang mga kaibigan ko si unice daw papunta na at si Alexis Ayun sa bahay padaw sila ni red hinihintay si Amber at nabanggit niya na baka daw hindi makapasok si red dahil may pupuntahang importante ,kahit hindi na sabihin ni red samin alam naman namin na pupuntahan lang naman niya ang daddy niya dahil na naman siguro to sa offer na sinabi niya samin ,hindi rin naman namin alam kung anong offer bayun .Kasi hindi naman nagkukwento masyado si red samin tungkol sa mga pinag uusapan nila ng daddy niya at hindi narin naman kami nangungulit dahil baka mauna pa kaming paglamayan kesa sa mga kalaban namin takot lang namin kay red.
Habang naghihintay ako dito sa may labas ng gate ,bigla nalang nasira ang araw ko ay hindi pala dahil sirang sira na ang araw ko dahil nandito na naman ang kolokoy na isa sa mga kasama ng ivan lee na yun at alam niyo ba na sa nagdaang araw na ito palagi niya nalang ako sinusundan at nagpipic up lines ,na bulok na mga pick up lines na alam ko naman na nireseach niya lang para lang makuha ang mga babae na gusto niya akala niya hindi ko alam na binansagan na siya dito na playboy dahil sa paiba iba ang mga babae na kahalikan niya araw araw.Tulad nalang ngayon.
"hey babe,good morning" sabi nito na may nakakalukong ngisi
"Alam mo ba?"
"ang alin babe?tanong din nito sakin pabalik
"na sirang sira na ang araw ko ng dahil sa pagmumukha mo ,kay aga aga mukha mo agad ang Nakita ko"diretsong sabi ko
"babe naman ,wala bang good morning too dyan, at saka bakit naman sirang sira na ang araw mo, eh sa mukha kung to kay gwapo ko namang mangsisira ng araw."sagot na inaayos pa ang buhok niya
"pwede ba lumayo ka sakin dahil nandidiri ako sayo at isa ano sabi mo gwapo san banda , advice lang bilang classmate mo o di kaya na sabihin nalang natin na mortal enemy advice alam mo ba ang sukatan ng pagiging gwapo yan yung lalaking marunong rumispeto sa mga katulad naming mga kababaihan di tulad mo na di na nga marunong rumispeto puro pa hangin ang laman ng utak,mahiya ka naman sa sarili mo"walang prenong sagot ko sakanya, bahala na kung nasaktan ko siya basta ang importante sakin lumayo layo siya para wala ng gulo
"grabi ka naman babe ,ang sakit mo namang magsalita"sagot nito na nagpapaawa ang mukha ,akala niya madadaan niya ako sa paganyan ganan niya
"Bakit,Di ba totoo?"sagot ko habang nakataas ang isang kilay
"Tao ka pa ba?"tanong nito na parang nagtataka
Aba loko to ah,naghahanap ba siya ng away!
"Natural,Ano sa tingin mo hayop?"sabat ko sa kanya habang nakapameywang
"Naninigurado lang!"sagot nito
Aba naghahanap talaga siya ng away!
"Akala ko kasi bato ka!"pabulong nitong sabi na dinig na dinig ko naman
"At bakit mo naman na sabi na bato ako aber?"sagot ko
"KASI YOU ROCK MY WORLD"sagot nito ,sabay alis na may nakakalokong ngisi sa labi
Anu daw?nakakainis talaga ang kolokoy na yun,may araw Karin saking babaero ka!
"Tapos ka na bang makipagbangayan sa kanya?"tanong ng tao sa bandang likod ko
"Ay!kalabaw"gulat kung sabi
"kalabaw talaga,Di ba pwedeng pusa,para mas cute"sabat naman ni Amber habang nagpapacute,kala niya cute siya pero sa totoo lang ang cute pag meron siya ,pag may meron lang siya (sa mga naka gets lang labay)
Nandito na pala sila hindi ko man lang napansin,ay teka narinig kaya nila yung pinag usapan namin ng kolokoy na yun
"Ah Oo,kanina pa ba kayo dyan?"tang ko sa kanila
"kaninang kanina pa"sagot naman ni Amber
"Narinig niyo?"tanong ko ulit
"Oo naman,narinig naming lahat as in lahat mula simula hanggang matapos "sagot naman ni Unice
Naku naman!
"Grabi ka Fyne mukhang nasaktan mo yata ang ego ni mr.playboy sa sinabi mo"pangongosensya ni Unice sakin
"wala akong pakialam kung masaktan man ang ego niya ,Bakit? totoo naman yung sinabi ko ,masaktan siya kapag di totoo yung mga sinabi ko,Bakit?Di ba totoo yung paiba iba yung babae niya araw araw?"tanong ko din kay Unice
"pero Fyne nasaktan mo pa rin yung pride niya "Unice
"wala akong pakialam kung nasaktan ko man ang ego o pride niya"sagot ko naman
"pero Fyne pansin ko nagiging cheesy yang si mr. playboy pagdating sayo,isipin mo kung noon palagi siyang may kasamang babae at halos araw araw pa iba iba at hindi lang yan nakikipag halikan din siya sa mga babae kahit saan,pero ngayon laki ng pinagbago halos hindi ko na Makita na may kasama siyang babae at kahalikan tapos one time Nakita ko siya sa may canteen nakangiti habang may tinignan ng sundan ko yung tingin niya nagulat talaga ako na ikaw pala ang tinitignan niya habang kumakain.Kala ko nga stalker mo siya pero Nakita ko kanina parang wala naman sa itsura niya ang pagiging stalker"mahabang lintaya ni Unice
,wala na akong pakialam kung nasaktan ko man ang pride niya atleast sinasabi ko lang naman ang totoo at isa pa para lubayan niya na ako sa kakasunod niya kahit saan ako mag punta kala niyo di ko namamalayan na sinusundan niya ako pwes nagkakamali kayo,nakalimutan niyo ata na gangster ako at magaling ako makiramdam.
"so,magdadaldalan nalang tayo dito"sabi ng mas pinaka matanda samin
Kaya wala na kaming nagawa kundi ang pumasok na kasi baka magalit pa ang lola namin masama pa naman magalit to,at saka siya kaya ang pangalawa na kinakatakutan ko para din kasing si red kung magalit tong si Alexis,At isa pa hindi pa naman kami late dahil maaga pa naman at kung malate man kami takot lang ng guro namin kay red,Dahil nalaman lang man nila na anak ng pinaka mayaman sa buong mundo si red ,at kung ipagkakalat man nila yun,nako magtago na sila dahil hindi na sila sisikan ng araw sapagkat sinusundo na sila ni kamatayan.
Kaya pumasok na kami sa aming classroom at umupo sa amin mga upuan at hindi rin lang man nagtagal pumasok narin ang aming lecturer sa filipino si ms. EA
"okay,good morning class ,meron tayo ngayong laro"sabi ni miss
"ano pong klase ng laro miss"tanong ng isa kung kaklase na hindi ko alam ang pangalan
"okay,tahimik muna ,at ako muna ang magsasalita "sabi ni miss
"ang larong ito ang pick up lines "sabi ni miss
"sus, ang dali lang naman pala niyan miss"sabi ng kaklase kung hindi ko din alam ang pangalan,bakit ba hindi ko matandaan ang mga pangalan nila pero yung kolokoy na yun hindi na matanggal tanggal ang itsura niya sa isip ko naloloka na yata ako
"quiteeeeeeee,di ba sabi ko ako muna ang magsasalita "pagalit na sabi ni miss
Yan tuloy nagalit si miss kasi sabi ng siya muna ang magsasalita at patapusin niyo muna siya ,ang titigas kasi ng ulo ng mga kaklase ko ang tatalino pero para naman palengke yung silid aralan dahil sa sari saring ingay .
"okay ganito yun GvB kung sino yung may pinaka maraming puntos siya yung panalo ."pagpapaliwanag ni miss
Nagsimula nayung pagpipick up lines nila at ako naman heto naka upo sa upuan ko at saka wala ako sa mood makinig ngayon dahil naiinis ako ,kanina pa kasi tong kolokoy na to ngiti ng ngiti habang nakatingin sakin kala mo aso na ulul na ulul ,yung parang asong askal sa kalye,yung tuwing dadaan ka sa kalye tapos may Nakita kang aso na wala nang balahibo kita na yung balat at saka marami nang sugat at tumutulo pa laway parang ganon siya kung nakikita niyo lang siya ngayon maninindig balahibo niyo dahil sa itsura niya.
Nagulat nalang ako ng biglang may tumawag ng apilyedo ko ,kaya agad akong napatayo sa kinauupuan ko.
"miss"tawag ko kay miss
"kanina ka pa tinatawag ni mr. lachica,mukhang ikaw yata yung natypan makipag pick up lines sa kanya"sabi ni miss
Nang tignan ko kung sino ang tinutukoy niyang mr. lachica ,So siya pala si mr.lachica di bagay sa kanya,bakit ba parati nalang siya nakangiti tuwing magkakasalubong yung paningin namin, adik ba siya bahala na nga siya ,basta ako nagyon panahon ko naman upang makaganti at mapahiya siya sa mga kaklase namin kala niya mag papatalo ako pwes nagkakamali siya.kung binabanatan niya ako kaninang umaga pwes ako naman babalatan ko siya.
"Dilim ka ba?"tanong ng kolokoy sakin
"Bakit?"sagot ko naman sa kanya
"Kasi ng dumating ka wala na akong makitang iba."sagot nito na sabay kindat sakin
Nagsigawan naman lahat ng kaklase naming lalaki
Kala niya magpapatalo ako
"Libro ka ba?"tanong ko naman sa kanya
"Bakit?"sagot agad nito
"Kapal mo kasi."pabara kung sabi
Nagsigawan naman ang mga kaklase kung babae
Tambutso ka ba?
Bakit?
Umuusok kasi kagandahan at kaseksihan mo.
Yun oh ,sabi ng mga tropa niya
Pantal ka ba?
Bakit?
Ang kati mo kasi.
sabi ko naman kaya mas naghiyawan ang mga girls
Pwede ka bang makatabi pag exam na?
Bakit?
Kasi I feel perfect beside you .
Sagot naman na kolokoy
"akala ko kasi mangongopya"bulong kong sabi
"oy!hindi ako ganyan no kahit ganito ako ,grade concern to no ,hindi tulad ng sabi mo na hangin lang ang laman ng utak ko."sagot naman nito na hindi ko inaasan
Tapos na pala ang second subject namin hindi ko nga rin namalayan na pumasok na pala ang second teacher, Dahil sa pag ooccupied ng isip ko dahil sa sinabi ng kolokoy na iyun hindi ko naman alam na maririnig niya pa ang sinabi kung iyon eh bulong na nga lang yun eh, Bakit ko ba kasi iniisp yun eh wala naman akong pakialam sa kanya ,Kaya tumayo na ako kasi recess na pala at nagugutom na rin ako,kaya habang naglalakad kami ng mga kaibigan ko papunta sa canteen ,bigla nalang may humarang sa dinadaan namin,Lima silang babae at ang kakapal pa ng make up kala mo may pupuntahang hollowen party sa kapal ng make up parang mga clowns .
Tapos ang sama pa ng tingin samin,ay hindi pala samin kay Amber lang pala,si Amber naman parang wala lang blangko ang itsura habang tinitignan ang limang clowns
"ikaw ba si Amber"tanong ng nasa gitna,
Kay aga aga nagpapakita na si pennywise at ngayon ko lang nalaman nakabalik na pala siya galing bakasyon di man lang nagsabi.naisip ko nalang
"Oo,Bakit?Tanong ni Amber na nagtataray,
"Aba ,ikaw na nga yung nilalandi si papa Demon namin ikaw pa ang may lakas ng loob ngayon."sagot naman ng babae sa rightside ni Amber
Nandito pala si stick woman ,akalain niyo magkasama pa sila ni pennywise
"Ako ,nilalandi si papa Demon niyo?,hahahahhhahah"tanong ni Amber saka tumawa
Naku lagot, basta ganyan na tumawa si Amber di mo na mapipigilan yan na hindi natutumba ang kalaban niyan mukhang nasa mood siya ngayon makipag away
"Oo,nilalandi mo siya ,Dahil malan--------"
Boogsshhhh
***************************Note*****
sorry talaga guys ngayon lang ako nakapag update kasi busy sa project sa school iniwanan pa kasi kami ng teacher namin ng mga Gawain kaya hindi ako nakag update ,sorry talaga and advance Merry Christmas and Happy New Year readers!!!!!!!!
Hope you like it:)