Kinabukasan ay kinausap muli si Ishihara ng kaniyang Ama.
“Nakapag decide ka na ba iha?” Tanong ng Ama ni Ishihara.
“No, give me more time dad.” Sambit naman ni Ishihara kahit ang totoo ay may desisyon na siya at yuon ay umatras.
“We don’t have enough time Iha. You’ll meet him later.” Sambit ng kaniyang Ama na ikinagulat ni Ishihara.
“What?” Gulat na sambit ni Ishihara sakanyang Ama.
“What? Napag usapan na anmin yan ni Mrs. Salvatore.” Sambit ng Ama ni Ishihara.
“Dad.” Pigil inis na sambit ni Ishihara.
“Mag kikita palang naman kayo iha. Hindi pa kayo mag papakasal dahil ngayon palang din ibibigay ang kontrata.”” Paliwanag ng kaniyang Ama.
Wala na rin nagawa si Ishihara kaya nilayasan nalang niya ito.
“Aalis tayo mamayang 6pm.” Sambit ng Ina ni Ezekiel.
“Saan nanaman tayo pupunta?” Bagot na tanong ni Ezekiel sa ina niyang nasa office niya.
“You’ll meet her. You need to.” Nakangiting sambit ng Ina ni Ezekiel.
Nga pipigil naman ng tawa si Nathan sa kaniyang naririnig.
“No.” Diretsong sambit ni Ezekiel.
“Hindi ako tumatanggap ng no Ezekiel.” Seryosong sambit ng kanilang Ina.
Alam ni Ezekiel na kapag tinawag na siya ng kaniyang Ina sa buong pangalan niya ay nagbabanta at seryoso na ito.
“Fine, pupunta ako.” Iritadong sambit ni Ezekiel at tinalikuran ang kaniyang Ina.
Ngumiti naman ang Ina nila at nag paalam na para umalis.
“Grabe, dadalawin lang talaga tayo ni Mama kapag may kailangan.” Manghang sambit ni Nathan, halatang nang aasar sa kaniyang kapatid.
“Huwag mo akong simulant Tha, masasapok kita.” Pikon na sambit ni Ezekiel kaya napatawa ng bahagya si Nathan.
“Nga pala, sino yung tinititigan mong girl kagabi?” Tanong ni Nathan.
“Manahimik ka.” Sambit ni Ezekiel at mukhang umiiwas sa tanong.
“Ayaw pa sagutin, kala naman niya hindi ko malalaman kapag nag investigate ako.” Nakangising sambit ni Nathan.
“Malalaman mo rin.”Sambit naman ni Ezekiel.
“Anong oras nga raw tayo pupunta?” Tanong ni Ezekiel.
“Anong tayo? Gágo ikaw lang.” Sambit naman ni Nathan.
“Gusto mo bang malaman o hindi?” Taas kilay na sambit ni Ezekiel.
“Oo na, bwíset na ‘to.” Reklamo ni Nathan at napakamot sa kaniyang ulo.
“Mag aalas sais na pala e. Anon a?” Tanong ni Nathan sa kapatid niyang busy sa laptop.
“Mauna ka ng umuwi, convoy nalang tayo. Ipasend mo kay Mama yung location.” Tipid na sambit ni Ezekiel habang seryoso sa kaniyang ginagawa sa laptop.
“Ge, uwi na muna ako. Formal daw sabi ni Mama.”ni Nathan at nagpaalam na sa kapatid niya.
Naiwan naman si Ezekiel habang tinatapos ang kaniyang panghuling trabaho.
Nang matapos ay umuwi na rin siya at chineck ang sinned ni Nathan para ilagay sa google maps since hindi siya familiar sa lugar.
Matapos niyang gumayak ay tinawag na niya sa kabilang kwarto ang kakambal at sabay na silang umalis.
Nauuna si Ezekiel habang nakasunod ang sasakyan ni Nathan.
Nakarating na sila sa isang magarbong restaurant at pumasok na.
Hinanap nalang nila ang kaniyang Ina at ang mga Lucenzo.
“Woah, ayan yung girl kagabi ah?” Bulong ni Nathan.
“Shut up.” Tugon naman ni Ezekiel na seryoso lamang ang mukha habang papalapit sa lamesang kinauupuan ng kaniyang Ina at ng mga Lucenzo.
“Ezekiel, Nathan.” Sambit ng kanilang Ina at hinalikan sa pisngi.
“Good evening.” Sabay at pormal na sambit ng kambal sa mga Lucenzo na ngumit lang.
“This is Nathan, and this is Ezekiel.” Pakilala ng kanilang Ina.
“Si Ezekiel ang ipakakasal kay Ishihara if I’m not mistaken?” Pormal na tanong ng Magulang ni Ishihara.
“Yes.” Masaya at nakangiting sambit ng kanilang Ina.
“This is my daughter, Ishihara Lucenzo.” Sambit ng ama ni Ishihara.
Nang Makita ni Ishihara si Ezekiel ay para siyang nakakita ng multo.
This is the guy she ghosted on her college days. f**k. Sambit niya sakanyang isip.
Ngumisi naman si Ezekiel at nagpakilala.
“I’m Ezekiel Salvatore.” Sambit nito at iniumang ang kamay upang makipag kamay kay Ishihara.
“Ishihara.” Tipid na sambit ni Ishihara at nakipag kamay na ng tuluyan kay Ezekiel.
Ang laki ng pinagbago niya. Sambit muli ni Ishihara sakanyang isip.
“So, this is the contract. Both of you need to sign this.” Sambit ng Ina ni Ezekiel.
“No.” Sabay na sambit ni Ezekiel at Ishihara.
Mas lalong napangisi si Ezekiel.
Hanggang ngayon ay walang pagbabago ang ugali ni Ishihara.
Walang nagbago sakanya bukod sa pisikal niyang katauhan.
“I’ll leave now Ma. I have important things to do. Hindi ko pipirmahan yan.” Sambit ni Ezekiel at akmang aalis ng magsalita si Ishihara.
Nakaramdam naman ng inis si Ishihara matapos marinig ang sinabi ni Ezekiel.
She felt disrespected.
“Napaka arte mo.” Walang prenong sambit ni Ishihara kay Ezekiel.
Lumingon si Ezekiel kay Ishihara na halatang gulat.
“What did you say?” Sambit ni Ezekiel na parang hindi makapaniwala.
“Ang arte mo, walang modo, bastos. Kung ayaw mong ikasal sa akin edi wag. Hindi ko rin naman gusting maikasal sa katulad mong bastos.” Sambit ni Ishihara na ngayon ay nakatayo na rin.
“So what’s your point?” Sambit ni Ezekiel na halatang bagot sa nangyayari.
“Daming satsat.” Dagdag muli ni Ezekiel at hinitak na si Nathan para makaalis doon.
Nakasunod naman si Ishihara sakanila at mabilis din na sumakay sa sasakyan niyang Bugatti chiron.
“Dámn, angas ng sasakyan.” Bulong ni Nathan.
Bago umalis si Ishihara ay ibinaba niya ang windshield sa harap ng kambal.
“Ásshole.” Sambit ni Ishihara at pina haruruot na ang kaniyang sasakyan.
“Wow.” Gulat na sambit ni Nathan.
“Let’s go.” Seryosong sambit ni Ezekiel at pumasok na sakaniyang sasakyan.
Sinundan naman ito ni Nathan hanggang sa makauwi sila sa bahay ni Jayden.
“Nandito nanaman kayo.” Reklamo ni Jayden na busy amg absa ng case.
“Mamaya ka na mag basa, may mainit init akong tea.” Sambit ni Nathan habang tumatawa.
Tinigil ni Jayden ang kaniyang ginagawa at nakinig nga. Tsismoso.
“Na meet na niya ang kaniyang soon to be wife. And guess what?” Tumatawang sambit ni Nathan.
“What?” Tanong ni Jayden.
“Kung ano ano ang sinabi sakanya, na offend ata nunng tumanggi si Kuya sa harap niya mismo.” Nakangising sambit ni Nathan.
“Don’t tell me hindi mo nakilala yon?” Tanong ni Ezekiel na nakakalma na ngayon.
“Ha?” Tanong ni Nathan.
“That’s my rival when were in college.” Seryosong sambit ni Ezekiel.
“Ishihara Lucenzo?” Tanong naman ni Jayden.
“How did you know?” Tanong ni Nathan.
“Nabanggit niyo Lucenzo e, sila lang ang may ganoong surname sa bansa.” Sambit naman ni Jayden.
“Ikakasal ka sakanya? Diba ghinost ka non??” Mapang asar na sambit ni Jayden.
“Ay pútangina! Siya yon?” Gulay na sambit ni Nathan at tumango naman si Ezekiel.
“Yeah.” Walang ganang sambit nito.
“Liit talaga ng mundo.” Natatawang sambit ni Nathan.
“Edi mas lalo ka lang nagkaroon ng rason para hindi pumayag sa kasal.” Tumatawang sambit ni Nathan.
“Should I say goodluck?” Hindi makapaniwalang sambit ni Jayden.
“What’s your plan?” Tanong muli ni Jayden.
“Still the same answer, no.” Sambit ni Ezekiel at sumandal.
“Noong nalaman kong siya pala ang ipakakasal sa akin, mas lalo akong nagkaroon ng rason at alam kong siya rin.”Sambit ni Ezekiel.
“In her case? Malabi.” Sambit ni Nathan.
“What do you mean?” Tanong ni Jayden.
“Pabagsak na ang kumpanya nila, ang tanging kayang tumulong para umangat sila ay ang Salvatore.” Sambit ni Nathan.
“Our mother wants Ezekiel na maipakasal kay Ishihara para mag merged ang company ng Salvatore at Lucenzo.” Dagdag ni Nathan.
“Not bad sa decision ni Tita.” Nakangising sambit ni Jayden.
“Ayaw mob a non dude? Palagi mo ng makikita yung nang ghost sayo.” Pang aasar ni Jayden.
“f**k off Jayden.” Inis na sambit ni Ezekiel.
“I’m just saying. Kaya mo ba talaga igive up yang kumpanya para hindi ka mapakasal?” Tanong ni Jayden. This time, seryoso na.
“I don’t know. Tángina pinag hirapan ko ‘to e. Ngayon ko pa ba hahayaang mawala.” Sambit ni Ezekiel.
“Pag isipan mong maigi yan Kuya. Alam mong hindi ibibigay ni Mama sakin yan.” Sambit ni Nathan.
“Tángina sa dinami rami kaso siya pa.” Inis na sambit ni Ezekiel.
“Destiny yan.” Biro ni Nathan.