Lahat sila ay naka alis na sa pool bago pa bumagsak si Ishihara. Nang makaalis sila at makaupo sa may bench medyo malayo sa pool ay saka naman ang pag subok ni Ishihara sa slides. She’s kinda nervous dahil hindi naman siya marunong lumangoy ay wala ng tao sa pool dahil nag si alisan na. Mukhang nakalimutan na rin nila Kali dahil busy na ito sa pag kain at pakikipag kwentuhan kila Nathan. “Ready?” Tanong ng staff sa taas kaya tumango naman si Ishihara. Kitang kita kung paano mahulog si Ishihara at napadasal nalang talaga siya dahil sa takot. “Dámn it!” Sigaw ni Ezekiel at mabilis na tinakbo ang pagitan ng pwesto nila sa pool matapos makita ni Ezekiel na nalulunod si Ishihara. Nang makarating sa pool ay walang pag aalinlangan si Ezekiel na languyin si Ishihara at doon lang din napag t

