Chapter 7

1732 Words
Chapter 7 Maxwell I've been dying to kiss her sweet soft lips na parang talutot ng bulaklak sa lambot at bango. The way she breathes in her sexy mouth while slightly parted. Fvck!! She didnt know how to respond yet instinct lead her way.. I want to kiss her more.. to be close to her na hindi ko maintindihan dahil galit na galit pa rin ako.. pero may kung anong pwersa ang nagtutulak sa akin na samantalahin ko ang pagkakataon habang makakasama ko pa siya. At galit ang nakikita kong paraan para makalapit ako sa kanya. Plus the fact that she understand why Im doing this-----tangna!! santa yata ang babaeng ito dahil siya na mismo ang naghahain ng kanyang sarili sa akin. Tinanggap niya ng buong buo ang kagaguhan ko..  Sinigawan ko na siya at lahat.. ayos pa rin.. payapa pa rin ang kanyang mukha.  I am moving inch by inch, I can almost smell her.. Alam kong ito ay isang malaking kasalanan! Pero tangna! tablahan na! kahit madre pa siya wala na akong pakialam! My two hands wound on her small sexy waist.. muntik na akong makabitaw sa kanya. Dahil nandoon naman yung kuryenteng nanulay sa akin. Ilalapat ko na lamang ang aking labi ng---------- " Tarantado ka rin talaga ano, Kuya Maxwell. Wala ka na rin namang sinanto ano! ----------- kunot noong nilingon ko ang pinanggalingan ng tinig na iyon na isang malaking abala at istorbo. Hinatak ni Matheo ang bandang itaas ng aking tshirt na suot suot, iyong bandang batok. Hindi basta hatak ang ginawa niya dahil nabaklas ang pagkakahapit ko sa baywang ni Celestia. Tiim na tiim ang kanyang bagang at nakatitig siya sa akin ng matiim. Ilang pulgada ang naging layo ko sa babaeng iyon bago niya ako binitawan. Hindi pa siya nasiyahan at pumagitna siya sa aming dalawa. Hindi ko alam pero hindi ko gusto iyong parang may sasabog sa ulo ko na nagmula sa aking sikmura patungong dibdib hanggang sa aking sentido. HIndi ko man tingnan ang aking sarili sa salamin alam kong pulang pula na ako sa galit.. dahil hindi ko gusto ang malaking espasyo sa pagitan namin ng babaeng iyon na yukong yuko na at hindi na makatingin sa akin diretso. Ang dalawa niyang kamay ay tila mababali sa pagpiga piga niya doon. " Wag kang makialam Matheo. Labas ka na sa buhay ko at kung ano ang gagawin ko sa baba--------- Hindi ako naging handa sa paghaklit naman niya sa harapan ng aking tshirt . Ang ilong namin ay magkadikit na, sa tanang buhay  na nakasama ko si Theo sa bahay ngayon ko lamang siya nakita na ganito. Kadalasan kasi napakatahimik nyan, si Leila lamang ang madalas niyang kasama at nakakapagpatawa sa kanya pero never ko siyang nakitang galit na galit at parang handa na akong sapakin ng dahil lang sa babaeng iyon na nasa kanyang likuran. Hindi marunong ng ibat ibang martial arts ito kahit baril nga hindi ito marunong humawak. Hindi namin siya katulad nila Kael at Martin na sanay sa dahas at basag ulo kaya nga pag aabogado ang kinuha niya kasi kumbaga ayaw niya ng karahasan.. ayaw niya sa dugo---- kasi pag nakakakita siya ng dugo namumutla ito. Kaya how com----------- " Mataas ang respeto ko sayo Kuya, alam kong marami kang galit at sama ng loob sa mga taong pumatay sa buo mong pamilya. Kung kailangan mo ng hustisya tutulungan kita kahit buhay ko pa ang maging kapalit! Pero ang manakit ka at maghiganti ka sa taong walang kasalanan, walang kinalaman sa kademonyohan ng ginawa ng kapatid niya eh mas gago ka pa sa iniisip ko!! Pasalamat ka ako lang ang nakarinig kung nataon na si Leila pa! Baka kanina ka pa nasa gitna ng kalsada at hindi na makabangon! HIndi ko talaga siya pipigilan kung bubugbugin ka niya. Ako pa mismo ang mag aabott ng baril sa kanya para itutok sayo kasi baka sakaling matauhan ka sa kataranduhan mong gago ka!!" Iyon na yata ang pinakamahabang salitang narinig ko sa kanya simula ng mga bata kami. Halos pangapusan siya ng hininga, yung laway nga niya tumalsik talsik pa sa akin. Pero wala akong pakialam sa kanya, sa galit niya. Dahil ngayong abot kamay na ang paghihiganti bakit pa ako hihinto.. ipaparanas sa hayup na iyon ang ginawa nila sa ate ko...Hinawakan ko ang kanang kamay niya na nasa damit ko at balewalang tinanggal ko iyon. " Magsusumbong ka kay Leila, go on tell her! Magsumbong ka saya niya na parang isang bakla! Hindi ako natatakot sa kanya!! In fact sawa na akong pakisamahan ang amasonang babaeng na asawa na ng mang aagaw na Montefalco na iyon! Tangna!! Wala kayong pakialam sa mga plano kay----------- booogsssshhhh---------  Hilong hilo na bumagsak ako mula sa aking kinatatayuan. Sinuntok niya ako at dumugo ang sulok ng aking labi.  Para sa hindi mahilig sa basag ulo, malakas siyang manuntok. Balewalang pinahid ko ang aking labi at hilong dahan dahan akong tumayo. Dumura ako at ngising ngisi na tiningnan ko siya na nanginginig ang kanang kamao na pinanggsuntok niya sa akin. "  Pakyu ka ! Hindi ko maintindihan kung nagseselos ka lang dahil hindi ikaw ang pinili ni Leila kaya ginagawa mo  ang lahat ng ito!! Wala ka na sa lugar gago!! Ipinagpapasalamat ko talaga sa diyos na hindi ikaw ang minahal ng kapatid ko kasi ang dami mong hang ups sa buhay!! HIndi mo mapapaligaya ang kapatid ko, masasaktan lamang siya sayo kaya mas gugustuhin ko pang mapunta siya sa Montefalco na iyon at least ang lalaking iyon nakikita kong kayang kaya niyang alagaan si Leila! Kaya niyang ibigay ang lahat lahat sa kanya! Kaya niyang ipaglaban ang kapatid ko! Hindi kagaya mong gago! walang konsensya! Ang buong akala ko kilala na kita!! Pero hindi pala!"  Dinuro duro niya ako . Mistulang sampal sa aking pagmumukha ang mga sinabi niya. Para akong nabibingi na hindi ko maintindihan, alam mo iyon nagdilim bigla ang paningin mo. Tapos ang gusto mo na lamang manakit.. iyon ang nararamdaman ko ngayon.  Mula sa aking kinatatayuan diretsong humakbang ako papalapit sa kanya habang nakakuyom ang aking kanang kamao! isang suntok lang!! isang suntok lang para mailabas ko iyong hayup na nasa dibdib ko!! Nagpapasalamat pa siya at hindi ako nagustuhan ni Leila! Hindi ako karapat dapat kay Leila!! pvtang ina!! halos ialay ko ang buhay ko sa babaeng iyon!! wag lamang siyang masaktan! Halos mabaliw na ako sa pag aalala kung hindi siya umuuwi sa bahay noon tapos hindi pa ako karapat dapat?  " Pakiusap, tama na. Tumigil na kayo. "  bumaling sa malamyos na tinig na iyon ang aking tingin. Ilang beses pa akong lumunok ng laway dahil sa nakikita kong itsura niya. Nangingislap ang kanyang mga mata dahil sa pinipigilan niyang luha ngunit agad nawala ang amor ko sa kanya na makita ko kung saan nakahawak ang kanang kamay niya. Tila ako toro na handa na naman na manuwag dahil sa aking harapan kapit kapit niya ang laylayan ng polo shirt ni Theo, pinipigilan niya ito na umabante pa ulit sa akin. Parang may kung anong kamay ang dumaklot sa aking dibdib at nilapirot iyon.. may kung ano sa aking sikmura na gustong lumabas. Tangna! ano to gaguhan lang Leonilde? nagseselos ka? pvtang ina lang talaga!! at ano ang karapata------- " Ikaw ang may kasalanan nito babae kaya manahimik k--------- nakita ko.. nakita ng aking mga mata kung paano dahan dahan pumatak ang kanyang mga luha. Hindi ako makahinga.. hindi ako makahinga! shet!! ano bang nangyayari sa akin!! bakit ako naapektuhan kung umiiyak siya ng dahil sa kagagawan ko!! ano naman sa akin kung mamaga ang kanyang mga mata hindi ba at ito ang gusto ko!! ang pahirapan siya! ang masaktan siya!! pero bakit parang mas ako ang nahihirapan ngayon! " Matheo! bitawan mo siya!" hindi ko na makilala ang sarili kong tinig ng dahil sa tigas at bangis nito. Sa aking harapan, harapan hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng babaeng madreng iyon at buong suyo niyang tinuyo ang mga luha nito na hindi mahinto hinto. " Matheoooo! " ngunit mistula siyang bingi dahil patuloy siya sa kanyang ginagawa. At hindi lamang iyon inakbayan niya ito at naglakad sila papalayo sa aking kinatatayuan...  and that hell broke loose... I need to fvcking release it before its too late.. " Sharon Yumul, thats her name right Matheo? Pinakikialaman mo ang akin. Pwes asahan mong sa bawat pagsayad ng mga kamay mo sa babaeng iyan, sa bawat haplos na ginawa mo sa kanyang pisngi. Iyan din ang gagawin ko sa kanya. At hihigitan ko pa oras na subukan mong makialam sa buhay k---------- that got his full attention, he stop walking, his body was tense and rigid. . slowly, yes slowly he face me, nawala sa balikat ni Celestia ang kanyang kamay.. kumuyom iyon at sa kanyang mga mata.. kulang na lang bumuga ng apoy ng dahil sa sobrang galit niya sa akin..  "Subukan mo lang! Subukan mo lang talaga..  Papatayin kita oras na galawin mo ni dulo ng buhok ni Sha! Tandaan mo yan Leonilde!" I hit him hard.. right in the good spot. " Then give her to me, itikom mo ang bibig mo sa kanilang lahat. Gusto kong ikaw ang magpresinta kay Leila na sayo pansamantala titira ang madreng iyan ngunit ang totoo ay sa akin siya tutuloy, sa aking bahay. Ako na ang bahala sa lahat para hindi tayo magkabukuhan. Nagkakaintindihan ba tayo, Theo? O mas gusto mong si Sharon ang iuwi----------------------- " Demonyo ka gago! Nagsisisi ako at hinayaan kong makalapit ka sa kapatid ko! Kay Leila! Fvck! I even treated you like a real brother! a family! and this is all I got from you! Sige, gagawin ko ang gusto mo pero tandaan mo ito.... magkalimutan na tayo! Dont you ever come near me again or even to Leila at lalong lalo na kay Sha dahil sa oras na gawin mo yan, ang baril  na dala dala mo palagi ang siyang gagamitin kong pampatay sayo! " Wala ng tama ang kanyang mga salita, manhid na manhid na ako o sadyang pinakapal ko na lamang ang aking mukha.. Nasa harapan ko na ang katuparan ng mga balak ko kaya bakit ko kakalimutan. Inilahad ko ang aking palad sa babaeng iyon at nagulat ako ng walang pag aalinlangan siyang lumapit sa akin at inabot niya iyon... kuryente... nakukuryente na naman ako... " One of this days Leonilde, Yang babaeng nasa tabi mo ang magiging dahilan ng pagluha at pagkawasak mo. At oras na mangyari ang sinasabi ko... tatawanan kita. " to be continued...

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD