Chapter 4

1850 Words
Chapter 4 Maxwell         Tulala lamang akong nakatingin sa kanya. Kasabay noon ang hindi ko maipaliwanag na rigidon ng aking dibdib na parang hinahabol ng kabayo. Tila ako tanga na nakatitig sa kanya gayung hindi niya malaman kung magtatago o sisisiksik sa likod ni Mother Superior dahil lahat ng aming mga pansin ay nakatuon sa kanya. Ang kanyang mga mata.. iyon ang tumatak sa aking isip.. bakit? Bakit tila anghel ang aura ng babaeng iyon? Parang nakakatakot siyang hawakan.. na para siyang madaling masusugatan at magagasgasan.. I wonder kung ano ang mga nakatago sa balot na balot niyang kataw------------ pvta! Ano ba itong pinag iisip ko!           " Martin M-Many------- I mean, kuya ang mga mata mo ipinapaalala ko lang sayo kung ayaw mong matuluyang mabulag.. umayos.ka.!" kunut noong ibinaling ko ang aking atensyon sa pinaggalingan ng boses na iyon.. si Maxene at si Martin. Kitang kita ko kung gaano kalagkit ang pagmamasid ng damuhong iyon sa katawan ng madre na iyon.. mula ulo hanggang paa ehh.. sa hilatsa ng pagmumukha ni Martin malamang lamang sa isipan niya hubad baro na ito. May kung anong init ang dahan dahang umakyat sa aking leeg patungo sa aking tenga hanggang buong mukha. Tagis ang bagang na pinaningkitan ko ng mata si Martin. . para bang may gustong kumawala at magrebelde sa aking kaloob looban. Pati ba naman kasi ang inosente, kiming madre na ito ay hindi niya palalagpasin sa mga kamanyakan niya.   Parang gusto kong dukutin ang kanyang mga mata, baliin ang kanyang leeg, durugin ang kanyang mga kamay para hindi na siya makahawak at makapang manyak pa! damn!! what the hell is happening to me?!   " What Im just, admiring  her beauty wala namang masama doon at isa pa wala akong intensyon na mas--------- Kumuyom ang aking dalawang kamao.. nangangati ako.. nangangati akong makasapak.. kung si Theo batok lang ang kayang ibigay sa kanya.. ibahin niya ako.. dugong nguso ang kalalabasan niya kung hindi siya titigil sa pangmomolestiya sa babaeng iyon sa kanyang isipan.   " Sabihin mo yan sa lelong mong panot! Wag ako!! wag akong gag------- " Maxene!" " Leila."   Duet na tawag nila Mamorou at Matheo sa kanya. Mukhang nawala na naman sa isip niyang may kasama kaming mga banal na tao.. I mean mga laking simbahan at hindi sila sanay na makarinig ng mga mura at maka encounter na kagaya ng specie niya. At kung pagbabasehan ko ang reaksyon ni Mother Superior kitang kita ko na ang pag aalinlangan sa kanyang mga mata at kilos.. pabalik balik ang kanyang mga mata sa aming lahat lalong lalo na kay Leila na namumula sa pagkapahiya. May mga malalakas na tikhim at pagsinghap at literal na nag antanda pa ang mga madreng nasa paligid namin. Papaano kung hindi na siya pasamahin sa kanya?  kay Maxene? sa amin? bakit parang hindi ko yata kayang tanggap------------     maghunos dili ka Leonilde!! hindi ba at kanina galit na galit ka!! kaya nga kayo nag away ni Leila dahil sabi mo nga hindi mo kayang pakitaan ng kabutihan ang kapatid ng lalaking pumatay sa pamilya mo? na baka kung anong magawa mo sa kanya dahil nga galit na galit ka hindi ba? Galit ka! galit ka pero bakit parang naiba yata ang ihip ng hangin ng masilayan mo ang maladiyosa niyang kagandahan?   " Pasensya na po kayo sa akin Mother Superior, talagang minsan lang po hindi ko mapigilan ang aking bibig, lalo na po kung alam kong nasa tama ako at may naagrabyadong kabaro ko. Pero hindi po ibig sabihin noon hindi niyo siya maipagkakatiwala sa akin. I will bet my life for her para lang masigurado kong ligtas siya.. kinuha ko siya sa inyo ng buong buo kaya ibabalik ko siya sa inyo ng buo rin." seryosong sabi ni Maxene matapos niyang bigyan ng nakakamatay na tingin si Martin na ngising ngisi pa rin hanggang ngayon. Tangna! kapag siya hindi nagtino ako ang didisiplina sa kanya!   Naglakad ako papalapit sa kanila, I was about to hold the nape of Martin ng maunahan ako ni Mamorou na tangay tangay na siya habang nakahawak doon. Lumayo sila sa amin habang may kung anung sinasabi si Mamorou. Para akong hinihika ng makalapit ako ng tuluyan, close proximity.. and to tell you honestly kinikilabutan ako ng hindi ko maintindihan lalo na ng maamoy ko ang bangong nagmumula sa kanya.. ang lakas naman ng pang amoy ko dahil mga sampung hakbang ang totoong layo ko sa kanila.. pero yung kahali halina niyang amoy------ baby powder na parang matamis na mangga... tangna!! may ganun ba? ang tamis tamis sa ilong ng amoy niya ehh.. wushuuu!! Leonilde patay kang bata ka--------------     " Ayos lang ija, pero sana wag sanang marinig madalas ni Celestia ang mga salitang iyan.  Sa iyo ko ipinagkakatiwala ang aking anak anakan na iyan at kung iyong mamarapatin itatanong ko lamang sayo kung --- ano kasama mo sa bahay ang mga lalaking ito--------- tumingin si Mother superior sa amin isa isa na parang nahihindik dahil ang lalaki naming tao at sa totoo lang nakakatakot kaming tingnan pero mga magagandang lalaki kami.     " Naku hindi po, hindi ko sila kasama sa bahay. Wag po kayong mag alala sa bahay ko po siya ititira. Hindi po makakalapit ang Kuya Martin ko na mukhang m******s dahil malamang lamang po wala pang isang araw nagapang na niya si Celestia. Kung inintindi niyo naman po itong Kuya kong si Matheo na mukhang di naliligo hindi rin po yan makakadiga sa kanya dahil ibubuka pa lang niya ang bibig niya basag na po ang mukha niya sa akin. At-----------     " Maxene Leila Nicol!! " " susmaryosep!!"     " Leila ano ba!! ang bibig mo! " bulalas ko ng malakas. Matic na dumako sa akin ang mga mata niyang tila kutsilyo sa talim.  Pero nawala ang pansin ko sa kanya ng marinig ko ang napakalamyos na tinig na iyon na nagpanginig ng aking mga tuhod. " S-Siya a-anong p-pangalan n-niya?"     fvck!! fvck lang talaga!! pakshet!! anong meron sa kanya at ganito ang nararamdaman ko? lalo na ng magtama ang aming mga mata.. kinagat ko ang aking pang ibabang labi dahil muntikan ng may kumawalang ungol sa akin dahil sa simpleng pagtatagpo ng aming mga mata.. her fvcking lips------ naaakit akong dampian iyon ng halik dahil natural ang pagkapula noon at medyo binabasa basa niya iyon gamit ang kanyang dila!! damn her innocent innuendo!! kumuyom ang aking mga palad ng maramdaman ko ang pagkabuhay ng aking pagnanasa na kahit kailan hindi ko naramdaman sa iba. Kahit pa kay Maxene---- anak siya ng diyos.. inosente.. madre.. pero shet lang!! naaakit ako!!   Her innocent eyes, she is really an angel.. virgin to be exact Leonilde kaya dapat ka ng umiw------------" oh, him---------- tinuro pa ako ni Leila bago umirap ng todo at humarap sa kanya.. pinanatili kong magkahinang ang aming mga mata at kitang kita ko kung paano siya pamulahan ng magkabilang pisngi .. damn!! she's blushing. " Driver namin yan at hindi mo na dapat pang alamin ang pangalan niya kasi hindi naman siya makakalapit sayo ng limang pulgada pa dahil kapag nagkamali siya ng galaw.. babaliin ko ang mga daliri niya isa i------------     " Maxene, ano ba!!" sawata ni Mamorou dito na tila hindi naman inintindi nito dahil sa aking nakatutok ang kanyang mga mata. Nakataas ang kilay nito habang nakapameywang pa. " Ano na naman ba Kuya Kael, wala naman akong masamang sinabi. I am just stating facts---------     " For fvck sake grow up Maxene Leila Nicol!! your acting like a child right now!! That's your older brother Maxwell! Baka nakakalimutan mo  lang naman! So shut up now or else ako ang magpapatikom ng bibig mo sa paraan na gusto ko at alam ko. " umingos lang si Maxene kasabay ng pagbulong bulong nito.     " Wala na bang ibang paraan bukod sa isasama niyo si Celestia sa pangangalaga niyo?  Maaari namang manatili na lamang siya dito at may mga taong itatalaga na lamang kayo para magbantay sa kany--------- doon ako kinabahan na parang tanga lang talaga.. ano bang pakialam ko sa ka------ shet!! hindi pwedeng maiwan ang babaeng iyon dito.. mapapahamak lamang siya.     " Ang pagsama niya sa amin ang pinakamabuti at mainam na paraan Mother Superior. Hindi siya magiging ligtas dito kahit pa nga may magbantay sa kanya. Kung sa amin siya sasama mas maitatago at mapapangalagaan namin siya ng husto. Huwag po kayong mag alala ako ang bahala sa lahat. Hinding hindi niyo po mariringgan ng masasamang salita si Celestia kung babalik na siya dito.. hindi siya magbabago. Ako na po ang bahalang sumuheto sa aking mga kapatid. Kahit po ako ay lalaki mataas po ang paggalang ko sa mga taong simbahan at laking simbahan. " seryosong sabi ni Mamorou sa kanya. Ilang segundo ang lumipas bago bumuntong hininga ito at tila sumusukong tumango na lamang  at bumaling ito sa madreng kanyang katabi na pasulyap sulyap sa akin.   " Humayo na kayo sa daan kung ganoon Celestia. Mag iingat ka at alam mo na ang tama sa mali. Inaasahan kong makakabalik ka sa amin ng buong buo. " para akong nabunutan ng tinik na hindi ko maintindihan.  Doon lang ako nakahinga ng maayos. Sumulyap ulit ko sa kanya ng isang beses pa ng makita kong hindi na ito nakatingin sa akin pero  kitang kita ko ang pagtigas ng kanyang leeg at paglunok niya na para bang pinipigilan niyang tumingin ulit sa akin.. her left hand was shaking habang hinahawi nito ang mangilan ngilang buhok na tumatabon sa pisngi nitong namumula pa.  Isang sulyap lang ulit.. piping dasal ko pero------------     "  So, pwede ko na bang sabihin na naka move on ka na?"  kunut noong nilingon ko si Theo na nasa tabi ko na pala ng hindi ko namamalayan. Nakangisi ito sa akin habang bumababa at taas ang mga kilay nito. Mapang asar talaga ang bahuin na abogadong to ehh! humahanga lang!! nakamove on na agad!! gago ba siya!! hindi madaling lumimot lalo na  at ang babaeng nililimot mo ay kasa kasama mo lang palagi.. yung tipong iikot ka lang nandyan na siya.. lalakad ka lang nasa tabi mo na agad.. ano to gaguhan lang!     " Gago ka bang tanga ka?" pagigil na sabi ko sa kanya pero ang hudyo tinawanan lang ako ng malakas. " Deny all you want, pero doon din naman ang punta mo. Ingat ka lang ha kasi ang kaagaw mo sa kanya bukod kay Martin na nagnanasa sa kanya ay ang nasa itaas... mahirap kalaban ang paniniwala at batas simbahan. Kuya."     " Peste ka! bahala ka na nga sa buhay mo! mauuna na ako sa sasakyan doon na lamang ako maghihintay sa inyo." sabi ko na lamang at sabay talikod. Nangangati ang aking leeg na hindi ko maintindihan.. pakiramdam ko may mga matang nakatutok sa akin. Tiim bagang na lumingon ako ng dahan dahan sa direksyon nila dahil alam kong siya iyon.. base sa kabog ng aking dibdib.. pananayo na aking balahibo sa batok.. siya iyon.. si Cel----     tama para sa akin siya si Cel.. masyadong mahaba ang Celestia.. mahirap bigkasin. Nagtama ang aming mga mata.. lumamlam iyon, kinagat niya ang kanyang pang ibabang labi kasabay ng unti unting pagsilay ng kanyang pinong ngiti----- ngiti para sa akin------   what the actual fvck!! bakit parang may fireworks!! may mga ilaw!! ang liwanag!!  nasisilaw ako!! Maxwell Leonilde calm down.. heart.. please.. stop beating like crazy.. kasi nababaliw ako sa kakaisip kung ano ba talagang nangyayari sa akin.? ngiti lamang iyon.. pero pakiramdam ko lumulutang ako... parang tanga lang.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD