[ALTHEYA] "ONE HUNDRED ninety-nine... Two hundred," sambit ko at saka itinigil na ang aking pag-curls up nglayong umaga. Tumayo na ako at saka ini-unat ang aking katawan. Naglakad na ako papunta sa gilid ng kama at saka kinuha ang towel na nakapatong sa ibabaw no'n at ginamit iyon upang punasan ang tumatagaktak kong pawis sa katawan. Nanaliting nakatingin ako sa screen ng laptop, pinagmamasdan ang mga nangyayari sa Camera 4, kung saan sa sala iyon nakalagay. Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko nang makita ko ang ginagawang pamamalo ni Aling Ana kay Kathlyn dahil sa pagbasag nito sa baso. Malakas na pag-iyak ni Kathlyn ang maririnig sa buong bahay habang si Aling Ana naman ay mas nilalakasan ang pagpalo. Mahigpit na ikinuyom ko ang aking kamao dahil sa galit na nararamdama

