Episode 3

1182 Words
Nakita na nga finally ni Erika si Monique. Maganda ito, at maganda din ito lalo na sa pananamit. Malayong malayo sa style niya,at mayaman. Kaya iniisip niyang malabong malabo na magkagusto ulit si Geo sa kanya. Nag usap naman sila ni Monique habang ang iba ay nagkakasiyahan. Alam mo Erika. Mahal na mahal ko si Geo. Napakasweet, at napakaromantic nito. kaya mahirap makahanap ng ganyang klasing lalaki. Pag may umagaw sa kanya mababaliw siguro ako. Habang nakikinig sya kay Monique. May mga ala-ala na bumabalik sa panahong sila pa. Ganyang ganyan din kasi ito ituring ni Geo noon panahong sila pa. Napapaiyak nalang ito bigla. Monique: Umiiyak ka ba, Erika? Erika: May naalala lang ako Ma'am Monique. Monique: Siya nga pala Erika may boyfriend kana ba? Erika: Wala na po maam 5years na. Monique: Bakit?, anong nangyari sa kanya? Erica:Bigla nalang po siyang nawala, at hindi nagparamdam. Parehong pareho kasi sila ni Sir.. Napakaromantic din nito. Monique: Ganun ba? kawawa ka naman pala, Erika. Bakit hindi kapa nagkakaboyfriend hanggang ngayon. Umaasa kapa ba na babalik yong lalake? Erika: Gusto ko po kase malaman kung bakit niya ako iniwan. Marami kase itong ipinangako. Wala na po Kase akong inibig na iba. Siya lang talaga kahit ngayon hindi ko parin ito makalimutan. Monique: So..Hindi kayo talaga naghiwalay, basta basta nalang itong nang iwan? Sana bumalik ito sayo Erika. Kahit mag apologize man lang sa ginawa nito sayo. Erika: Salamat Ma'am Monique. Natapos na nga ang party ,at Nagsiuwian na ang lahat. Pagdating ni Monique, at Geo sa hotel room nila. Naikwento agad nito ang Mga nalaman niya kay Erika. Monique: Alam mo babe, nakakaawa naman pala itong si Erika. Biruin mo, limang taon na pala itong walang nobyo. Kasi nagbabakasali pa itong bumalik itong nobyo niya, bigla nalang daw kase itong hindi nagpakita. Yun pala ang dahilan kung bakit bigla nalang itong naiiyak. Babe? Geo: Ah, ganun pala babe. Yun pala ang rason ng pag iyak nito. Sana naman magpakita yong Lakake sa kanya tapos magsorry sa mga ginawa nito. Monique: Kaya nga babe. Nakakaawa talaga. Lalo na pag mahal na mahal mo ang isang tao. Geo: Lets sleep. Babe? Monique: Okay.. Goodnight babe. Nakatulog na nga si Monique habang si Geo naman iniisip nito si Erika. Nasakatan talaga kita Erika naduwag ako kailangan ko parin magpanggap. Limang taon na pala hinihintay mo parin ako Erika. Hanggang ngayon umaasa ka parin pala. Alam naman nitong masasaktan ko lang naman siya. Napaluha naman si Geo ng malaman ang totoo. Nang pumunta na ito sa Opisina si Monique naman nagpaiwan muna sa hotel. Geo: “Hi Erika” mukhang madami kayong pinag-usapan kahapon ni Monique. Salamat nga pala sa mga ginawa mo para matuwa si Monique. Erika: Wala yun sa akin sir.. Geo: Ok kana ba? Erika: Okay na po ako sir.. Geo: Baka napagod ka kahapon. Si Monique nga pinagpahinga ko muna dahil napagod sa kakabyahe. Sabi daw ni Monique, ay limang taon kana daw walang boyfriend, at siya din pala ang rason kung bakit ka biglang naiiyak. Sa oras na yun. Gusto niyang sigawan si Geo. Ano ba talaga ang nangyari saiyo Geo. Bakit hindi mo na ako matandaan. Erika: Ah, yun sir.. wala sa akin nalang yun. Geo: Sana manlang kinausap ka muna ng lalake bago ito nawala. Nagpapanggap lang si Geo, Dahil napakakumplikado ng sitwasyon. Alam niyang kung malaman ni Monique na siya ang lalaking tinutukoy ni Erika, ay baka magalit ito sa kanya. Tinawagan naman agad nito si Monique. Para icheck ito kung anong ginagawa sa oras na iyon. Geo: Hi! babe. Kumusta ka naman sa oras na to? Nakapagbreakfast kana ba? Monique: Yes babe, Lunch tayo bukas babe. Isama mo si Erika. . Geo: Sige babe.. sasabihin ko sa kanya. Ah, Erika? Erika: Yes Sir? Geo: Sabi pala ni Monique sabay kami maglunch bukas. Pwede ba kitang isama? Nahirapan tumanggi si Erika, sa oras na iyon kaya pumayag itong sumama maglunch. . Erika: Sige po. Wala pong problema sa akin. Geo: Pwede din ba samahan mo siya magshoping? kahit papaano hindi ito mabored. Erika: Sige po. Walang problema sa akin. Geo: Napakabait mo Erika. Tanga lang siguro yong lalaki bakit ka niya iniwan. Sumagot nga ito sa Isip nito. Tanga ka nga Geo. kinabukasan nga pumunta sila ng restaurant para kumain. Habang kumakain. Hawak ni Geo ang kamay ni Monique. Bakit ba ito nangyayari sa akin. Bakit ba nasasaktan ako. Erika magpigil ka please.. Monique: Erika babalik na pala ako sa New york next month. Kasi hindi pwedeng iwan ang business namin dun. Paki Bantayan mo nalang itong si Geo habulin kasi ito ng mga chiks. Aasahan kita Erika. Geo: Babe palagi mo nalang akong iniiwan wala kang time sa akin. Mabuti pa yang business mo. Palagi kang nagkaka oras. May mga tauhan naman ang papa mo bakit di nalang ito ipagkatiwala sa iba. Monique: Hindi pwede babe. Alam mo naman malaki itong kompanya ni Dad. Malaki ang mawawala sa amin kung pababayaan ko ito. Just like you. Saan ba ipinagkatiwala ng mom, and dad mo ang business nila. Diba sayo. Geo: Sige babe. Naiintindihan kita. Hinalikan nga ni Geo ito sa labi niya. Habang si Erika ay hindi makayang tingnan sila. Okay.. Lets go. Sabi ni Geo. Monique: Nga pala Erika. Thank you ha. Kase hindi ka nagdalawang isip na samahan ako. Geo: Babe, ihahatid ko kayo sa mall, sasamahan ka ni Erika, at baka may gusto karin Erika ako ng bahala magbayad. Monique: Ako na bahala sa kanya. Alam mo mas may babagay saiyo ako bahala. Para naman makahanap kana ng bago Erika. Itapon muna ang Luma. Kalimutan muna ang lalaking yun. Maganda kanaman konting ayos lang sayo. I know marami ng magkakagusto sayo. Tama ba ako babe? Geo: Yes, naman. Erika: Wag na po ma'am, nakakahiya. Monique: Sus! wag kanang mahiya. Maliit na bagay lang yan. Geo: Tama nga naman. Nang maihatid na nga ito sa mall kung saan sila mag shoshoping. Iniwan naman agad sila ni Geo. Monique: Halika Erika isukat mo to. Erika: Ma'am Monique, Salamat talaga ha? Monique: Walang anuman. Wow! Bagay sayo mas naging maganda ka. Wag munang hubarin tama na yan. Napakaganda ni Erika sa damit nito. Hindi na nga niya ito pinalitan. Madami pa silang pinamili at halos mamahalin lahat. Erika: Nakakahiya naman po Ma'am ang dami na po nito. Monique: If you're in New york. Mas madami pa dyan Erika. Dahil sila nga ay may ari ng mga sikat , at mamahaling mga damit sa Newyork kaya. Maliit na pera lang ito sa kanila. Ng sinundo na ito ni Geo. Pagbukas ng pinto ng sasakyan. Hindi maalis ang titig nito kay Erika. Geo: Maganda ka ngang mamili babe. Bagay na bagay kay Erika. Monique: Ako pah! alam mo Erika. Lahat ng modelo namin sa Newyork ako ang namimili sa kanilang isusuot. Kaya alam ko kung anong babagay saiyo. Sa ganda mong yan bagay na bagay sayo maging modelo Erika. Agree, ka ba babe? Geo: Ah, yes! I agree. Habang nagdadrive ito tinitingnan ni Geo sa sidemirror si Erika. Dahil nagagandahan ito sa suot niya. Ibang-iba sa Erika na kilala niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD