Chapter 3

1603 Words
Arika POV "Oh iho ang ganda naman niyang kasama mo, iyan na ba ang nobya mo?" sabi nung medyo may katandaan ng lalaki siguro isa 'to sa mga tauhan dito sa hacienda. Magkakasundo kami nito Kuya. Maganda daw ako? Proven and tested na yan. Maganda ngang ikalat na 'tong genes ko kulang nalang ng kaparnter. "Naku Mang Gener hindi ko ho nobya itong magandang babae na kasama ko, si Arika ho ito iyong galing Maynila na magbabakasyon dito sa atin." namumulang sabi ni Demian, magtatampo na sana ako ng itanggi niya ako pero naala ko hindi nga naman niya ako girlfriend pero dahil sinabi niya at pinaunlakan niya yung thought at fact na maganda ako bawing bawi na sya. "Good morning po Mang Gener. I'm Arika po ang bakasyunita niyong maganda. Nice meeting you po." magiliw at over confident kong sagot. Hello kung walang maniniwalang maganda ako kailangan kong magtiwala sa kung anong taglay kong kagandahan. Lahat naman talaga ng tao maganda iba lang talaga yung perception ng tao at yung nakikita ng mata ng bawat tao. Nevertheless, maganda ako, ikaw at tayo. "Naku kinagagalak din kitang makilala iha, pasenya ka na ha akala ko talaga nobya ka nitong si Demian. Kung nagkataon ikaw ang kauna-unahang nobya niyan. Hindi ka na lugi. Tyaka bagay na bagay kayo. Parehong may magandang lahi." natutuwang pagkausap sa akin ni Mang Gener, hay naku Mang Gener ililista na kita sa isip ko na isa sa mga mababait dito sa hacienda. Maregaluhan nga 'to si Mang Gener sa pasko. "Naku Mang Gener baka hindi na kumportable sa Arika. Mauna na muna po kami at ililibot ko pa ho sya. Paalam Mang Gener." magalang na pag papaalam ni Demian yung tenga niya pulang pula na, ang cute naman pag nahihiya sya namumula yung tenga. "Pag pasensyahan mo na Arika si Mang Gener natutuwa lang talaga siya sa atin." mababang boses niyang sabi sa akin habang patuloy kaming naglalakad dalawa. Pati boses niya pogi din, sanaol. "It's okay Dem, cutie nga ni Mang Gener tyaka agree ako sakanyang bagay tayo. Yieee kaya huwag ka nang mahiya. Ligawan mo na kaya ako para meron nang tayo. " natatawang sagot ko sakanya na nagpatigil sakanyang paglalakad. Tyaka magpapabebe pa ba ako hello si Demian kaya itong pinaguusapan natin, isa na tong rare species. "Are you damn sure about that Tart? Pwede kitang ligawan? I would gladly do that. Damn. Pwedeng magsimula na ngayon?" nuutal pa niyang tanong napaka cute talaga tyaka super pogi lalo't namumula pa sya ngayon. Demian anong nang gagawin ko sayo. You're making my heart beats so damn fast. Para na tuloy may karera sa loob ng ribcage ko, jusmiyo marimar . "Of course pwede mo na akong ligawan kaya lang selosa akong babae, just a simple reminder." normal kong pagtugon dun sa tanong niya. Kung pwede lang siguro lumabas yung puso ko sa ribcage kanina niya pa ginawa. Dapat mukha akong kalmdao kahit naghuhuramentado na din yung puso ko. Oh my goodness. Heart stay still. "Thank God, hindi ka magsisi na pinayagan mo akong ligawan ka Arika. I just want to let you know that I'm all yours and I'm territorial too. Wala akong gagawin na ikakaselos mo. Just inform me if ever makaramdam ka ng selos. So I wouldn't be clueless at mapag uusapan natin." malambing nitong turan sa akin he looks so damn happy. Lord ganto po ba talaga ang feeling pag may manliligaw na matured na mag isip at mag handle ng kanyang liligawan s***h relationship? Powtikk ilang linggo palang ako dito hacienda may future jowa na agad akong maghihintay sa akin. Rapunzel mahiya ka please, tabi at ilaladlad ko ang mahaba kong buhok. Tumango ako bilang sagot dun sa sinabi niya. That's what I want- assurance and commitment and of course gusto ko nang loyal at faithful. Napadasal tuloy ako sa isip ko nang wala sa oras. Lord thank you po kasi kahit medyo sakit ako sa ulo ni Dad, thank you God binigyan niya po ako ng manliligaw na kagaya ni Demian at kung papalarin po sya at mabihag niya talaga ng bongga ang puso iadvanced na po natin na future husband. Sana Lord siya na yung endgame ko. Ano 'to kdrama? natawa nalang ako sa mga naiisip ko. Pero why not coconut naman kasi si Demian na yun. Pakiramdam ko tuloy noong past life ko may niligtas siguro akong bansa kaya maswerte na ako ngayon at binigyan ako ng isang Demian. Pero syempre dapat hindi ako marupok as a person. "What do you want to eat Arika?" he asked me while giving me the chance to choose between the fruits that he prepared. Itong si Demian super handang handa nagpipicnic kasi kami dito. Kaya pala may dala dala siyang basket kanina kala ko paglalagyan niya lang nung kung ano yun pala super prepared na sya dito sa sinasabi niyang ililibot niya ako. May nakalatag na tela sa damuhan tapos iniligay niya yung mga dala niyang pagkain para tuloy iyon yung first date namin. Bongga naman. I'm wearing a floral dress with cycling sa loob. I look really cute with this dress. Kaya nakaisip ako magandang at nakasalalay sa sagot ni Demian ang mood ko sa araw na ito. I know it's kinda childish pero hayaan na minsan lang naman ako maging ganito. "Hey Dem I'm going to ask you a serious question okay and I want you to be honest with me. Is it okay with you?" nakangiti ko sa kanyang tanong "Uhmmm sure Arika. Kailan ba ako nagsinungaling sayo. You know I'm an honest man. " he smiled at me a genuine one. Ang pogi talaga goodness gracious. Lord salamat po talaga sa biyaya. Amen! Tumayo ako sa harapan niya with matching ikot and posing pa nitong below the knee kong floral dress. It looks elegant and conservative kaya napa add to cart talaga ako agad nang makita ko 'to. "Dem can you rate my look and outfit from 1-10. Be honest ha, di naman ako magtatampo kung ano man ang sasabihin mo. I swear." nakangiti ko pang sabi with matching another set of ikot, muntik na akong mahilo pero since choice ko naman tony pinagagawa ko sa buhay okay lang naman ako. I know and I'm pretty sure he would say a perfect 10. Duhhh ang ganda ganda kaya nitong suot ko tapos ako pa ang may suot kaya lalong gumanda. In short bagay na bagay sa akin. "Uhmmm for me Arika I would rate it as 9." nakangiti niya pang sagot. I wasn't expecting that kind of answer pero keri naman, aarte pa ba ako. 9 is okay naman. Pero itong bibig ko hindi niya pa rin tanungin ang tumatakbo sa utak ko. "Why is it 9 only Dem? Just asking hehe di naman ako nagtatampo, slight lang charr ." makapal na mukha na medyo nahihiyang tanong ko. It's now or never. "Cause you're the one for me Arika." nakangiti niya pang sabi with matching kindat. Siraulong Demian 'to marunong palang bumanat masyadong gingalingan. Okay wala na yung tampo ko pero yung bilis ng t***k ng puso ko andito pa din. Isama pa natin yung pamumula ng buo kong mukha. "Ikaw naman Dem masyadong mong ginagalingan ang pagpapakilig sa akin baka bukas makalawa sagutin na kita niyan, wag kang ganyan marupok ako." natatawa kong paalala sakanya. "Don't worry baby ako nga nakikita palang kita kinikilig na ako." pusang gala ang mga banat ni Demian pang malakasan. Sagutin ko na kaya to para may jowa na ako. "Sira ka Dem tama na yan magkaka heart attack ako sa mga sinasabi mo." pabiro ko pang sabi sabay hampas sa mamuscle niyang braso. Nakaupo na kasi ako dito sa tabi niya matapos ang rate my outfit na ganap namin kanina. "It was a fact baby nung una pa nga lang tayong nagkita ang bilis na ng t***k ng puso ko. Lagi yang mabilis tuwing kasama kita and I like it this way. My heart is beating damn fast because of you." sabi niya pa sabay nilagay niya yung kamay ko sa tapat ng puso niya damn. Jusko Lord sabi na eh hindi lang imagination yung naramdaman kong hearbeat niya. "Ikaw ha patay na patay ka sa akin, crush mo na pala ako nung una tayong nagkita." panunukso ko pa sakanya. Iba talaga kamandag ng isang Arika. "It was love at first sight baby." he sincerely told me. Powtikkk naman talaga ang galing galing nitong si Demian. Kaya agad namang nanlaki ang mata niya ng hinalikan ko sya sa pisngi. Potatoena kinilig kasi ako mga marecakes. Ang harot harot ko na talaga. Lord patawarin niyo po ako sa kaharutang taglay ko, kay Demian lang naman po. Pero agad din nanlaki ang mata ko nang may mahagip ang mata ko dun sa part nitong damuhan. Dun sa may malaking puno there was a guy who looks exactly like Demian he looks sad pero agad din itong nawala nung lingunin kong muli. "Dem do you have a twin brother?" "Yes but he died from a car accident." he sadly told me. "I'm sorry to hear about that." sagot ko sakanya. "It's okay baby it's been 2 years since he died." so I hugged him for him to feel na hindi sya nag iisa na nandito lang ako. He hug me back. Powtik talaga hindi kaya minumulto kami nang kambal niya? But he looks real and he looks really alive. And that man looks really familiar bigla tuloy sumakit yung ulo ko. Damn it was too painful. Pero bago pa ako bumagsak dito sa sahig Demian was really fast para saluhin ako and everything went black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD