Yui's P.O.V
".....tapos alam mo ba nakilala ko na yung King and Queen ng Clover Org. mabait naman pala sila kahit medyo mataas yung tingin ni Christian sa sarili niya he still insist on making it up to me dahil sa kasalanan niya sakin, nilibre niya ako sa Cafeteria, then they keep on calling me Angel at hindi ko ipagkakaila na they are quite honest kasi mukha nga talaga akong anghel" sabi ko habang nakatingin sa kawalan at tumatango-tango pa na parang sinasang-ayunan ang sarili
"if you're an angel, you should've warn them that liars go to hell" sabi ni Damie at hindi na inabala pang tignan ako at pokus na pokus ang mata sa librong binabasa, otomatikong humaba ang nguso ko dahil sa sinabi niya
so anong ibig niyang sabihin? na hindi ako mukhang anghel? ang Librong-Uod na ito kahit kailan talaga!
kanina pa talaga itong lalaking ito eh! namumuro na sakin, simula ng pumunta ako dito, ni hindi man lang ako sinulyapan nito o kahit man lang tapunan ng tingin ay hindi niya ginawa, busy siya masyado sa binabasa niya na parang wala lang ako sa paligid pero pinagsawalang bahala ko nalang iyon dahil ganyan naman talaga siya, tapos ngayon binabara niya na ako! kapag talaga ako hindi nakapagpigil, mabibigwasan ko talaga ang isang ito
nandito ako ngayon sa may tower at kinukwento kay Damie ang nangyari sakin ngayong araw, pagkatapos kumain kanina kasama ang hari at reyna ng Clover ay umalis na sila dahil may pupuntahan pa daw sila kaya't napagdesisyonan ko nalang na puntahan si Damie, I told him what happened except sa fact na natamaan ako ng baseball. duh? baka sabihin niya pa ta-t*nga-t*nga ako at naglalakad sa kawalan kaya ako natamaan, No way! mamamatay muna ako bago niya ako maasar ng ganoon! hobby pa naman niyang asarin ako.
"Napaka mo talaga kahit kailan!" sabi ko sakanya, I crossed my arms saka siya sinamaan ng tingin, nandito ako sa usual spot ko, nakaindian sit sa coffee table at nakaharap sakanya na busy sa librong hawak nito kaya't malaya kong napagmamasdan ang kabuuan niya
Let's f*cking admit it! Gwapo talaga ang mokong na ito! lakas pa ng appeal!
lumalabas kaya ito ng tower? pinagkakaguluhan kaya siya kapag nakikita siya ng mga estudyante? hindi na nakakabigla, he's so handsome to the point na hindi na ako magtataka kung maraming babae ang nagkakagusto dito
that thought made my blood boil, iniisip ko pa lang na may ibang babaeng didikit sakanya, yayakap, hahalik, at hahawak sa kamay niya ay umiinit na ang ulo ko
sarap niyang ikulong dito at huwag nang palabasin. I want to keep him for myself. mala-rapunzel lang ang peg.
but why?
Marahang inangat ni Damian ang tingin niya sakin mula sa binabasang libro at nakita ko ang bahagyang pag-angat ng gilid ng labi nito, ngunit sa isang kisap mata ay mabilis ding nawala iyon at biglang napalitan ng pag-igting ng panga nito at pagkunot ng noo
bakit?
"What happened?" matigas nitong tanong na siyang kinakunot ng noo ko
anong sinasabi nito?
"ha?" bigla namang lumapat ang index finger nito sa noo ko at napaigik ako sa kaunting kirot na naramdaman at otomatikong inilayo ang noo sa daliri niya
"Aray ah! bakit ba bigla bigla kang....."
"I am asking you what happened?!" galit na nitong turan na labis na kinagulat ko
bakit ba ito nagagalit?
napahawak ako sa noo at napangiwi ng makapa kong may bukol parin iyon at hindi parin nawawala, malakas nga talaga yung pagkakatama nung bola sa noo ko
bigla kong inilihis ang tingin sakanya at tumingin sa kaliwa ko bago siya sinagot
"nadapa lang ako" sabi ko saka kinagat ang ibabang labi
mula sa peripheral vision ko ay alam kong titig na titig siya sakin na parang balak ako nitong kainin ng buhay
"Liar, did that Christian did that to you? is that why he make it up to you?" mabilis naman akong napalingon sakanya ng may nanlalaking mga mata
"NO! A-ano nadapa lang talaga ako, t-tapos iyon tumama yung ulo ko p-pero okay na ako......" I defensively said at dahil doon ay lalo lang itong nagalit
"So you're defending him? what did he do? tell the truth and don't you dare lie!" napakagat nalang ako sa ibabang labi ko, sasabihin ko ba? mukha kasing galit na galit siya eh, hindi ko nga alam kung bakit siya nagagalit ng ganyan simpleng bukol lang naman ito, madalas nga ay tama ng bala ang bumabaon sa katawan ko pero wala namang nagagalit ng ganyan dahil normal na para sa linya ng trabaho ko ang sakit sa katawan
"A-ano.....K-kasi...." hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko, hindi gumagana ang utak ko sa pag-iisip ng alibi ngayon
bakit ngayon pa?! why are you leaving me in this tight situation brain!? ngayong kailangang kailangan kita!
"Maybe I should just ask that Christian guy..." Sabi nito at akmang tatayo ngunit agad akong napatayo sa harap nito at napailing-iling kasabay ng pagshake ko ng kamay sa harap dahil sa sinabi nito
"Nahihibang ka na ba? hindi pwedeng basta basta lumapit sa mga iyon baka makalikha ka ng gulo, hari ng clover iyong Christian guy na tinutukoy mo!" imbes na matakot sa banta ko sakanya ay lalo lang kumunot ang noo niya
ano ba talagang problema ng isang ito?
"Then tell me what the hell happened?!" napakagat naman ako sa lower lip ko ng dahil sa pagsigaw niya
"Wala nga lang ito! aksidente lang, hindi naman sinasadya...."
"Tell me what happened" may diin nitong saad na parang nagtitimpi
hindi ko mapigilang mapanguso at humalikipkip
Fine!
"Natamaan ng bola, I didn't notice na may papatama saking bola at bago ko pa man mapansin iyon ay natamaan na ako, ayun nawalan na ako ng malay then paggising ko nasa clinic na ako" walang buhay kong pagkukwento
bigla naman itong napamura na siyang kinakunot ng noo ko
"If you already went to the clinic why is it still swelling?" nagkibit balikat naman ako sa tanong niya
"Aba malay, nilagyan ko na yan ng Cold Compress eh" narinig kong bumuntong hininga ito at sinara ang librong hawak
"Let's go to the Hospital, you need to be checked" sabi niya matapos ay hinatak na ako at hindi na binigyan pa ng pagkakataon na tumanggi
~~~~~~~~~~~~
"O-okay naman po siya, wala naman po kaming nakitang complications dun sa results ng test na sinagawa namin. j-just continue to put some cold compress a-at unti-unti ring i-iimpis yung bukol, k-kapag sumakit ang ulo mo I-I can prescribed some pain relievers" sabi ng doctor na parang nanginginig at hindi makatingin ng diretso samin, nakayuko lang ito simula ng makapasok sa kwartong inuokopa ko dito sa ospital at pawang kinakausap nito ang sahig
hindi naman talaga kailangang iconfine ako dito sa ospital and I don't need a room na para bang may sakit ako, for pete's sake nabato lang ako ng bola at ilang beses ko iyong pinaliwanag kay Damie pero ang loko ayaw makinig at parang nangupahan lang ng isang kwarto dito just so I can rest while waiting for the results dahil nagsagawa ng ilang test saakin at kailangang hintayin iyon para lang mapanatag na ang loob nitong Damian na ito.
When we got here at the hospital ay kapansin-pansin ang special treatment na naganap, mas emergency pa nga yata ang lagay nung mga kasabay namin kanina pero dali-daling nagsilapitan samin ang mga nurses at doctor at tinanong kung anong maipaglilingkod saamin
and they also keep on calling Damian 'King' which made me a bit puzzled, diba Damian ang pangalan niya?
"Leave" nawala ako sa iniisip ko ng malamig na nagsalita si Damie, kumaripas naman ng takbo yung doctor kasama ang nurse nito na para bang nakakita ng multo
akmang tatayo na ako nang pigilan niya ako at pinindot yung button sa may itaas ng headrest ng kama, mabilis na pumasok ang isang nurse na mukhang hiningal pa dahil sa pagtakbo
"Get me a cold compress" tipid nitong utos at agad namang tumalima ang nurse upang gawin ang pinag-uutos nito
mahinang hinampas ko ito sa braso ng makaalis yung nurse kaya't nagtatakang tumingin siya sakin
humalukipkip ako at saka tinaasan siya ng kanang kilay
"Narinig mo naman yung sabi ng doktor diba? okay naman na daw ako, gusto ko nang umuwi! sa bahay nalang ako maglalagay ng cold compress" sabi ko dito sumandal lang ito sa kinauupuan at nagdekwatro ng upo saka mataman akong tinitigan na para bang hindi narinig ang sinabi ko sakanya
"Ano ba Damian!? narinig mo ba ako? gusto ko nang umuwi!" inis kong saad na para bang walang epekto sakanya at humalukipkip pa
"Not until that thing on your forehead was gone" he said with a straight face
Good Lord! give me a lot of patient for this guy! mapapanawan na yata ako ng ulirat ng dahil dito! walang kasense-sense yung mga rason niya, ni-hindi ko nga maintindihan kung bakit ang O.A. niya masyado magreact dito sa bukol ko eh. hindi pa naman ako mamamatay, hindi niya ba alam na mahirap mamatay ang mga masasamang d**o?
"Damian napipikon na ako sayo ah?! sinabi ko nang okay na nga ako, pati doktor iyon din ang sinabi! kapag talaga ako hindi mo pinauwi, sinasabi ko sayo!" pagbabanta ko dito kahit wala naman akong maisip na gagawin sakanya kapag hindi niya sinunod ang gusto ko
"What will you do then?" he boredly asked na tumingin pa sa relo nito at naiinis na tumingin sa pinto
ano nga bang gagawin ko? hindi ko naman iniexpect na itatanong niya iyan!
"K-kapag......K-kapag hindi mo ko pinauwi, hindi na tayo bati!" I said saka siya sinamaan ng tingin para effective ng drama ko
gulat naman siyang napatingin saakin at napanganga
okay? is it a bit childish?
sa wala na akong maisip eh!