Malayo pa lang ay tanaw na niya sa Dianne habang nakaupo sa isang waiting shed na malapit sa school. Madami-dami na rin ang pasaherong nasa gilid na ng daan at nakikipag-unahan sa pagsakay dahil lumalakas na ang ulan. Itinabi niya ang kotse sa gilid ng kalsada at patakbong sinundo niya si Dianne dala ang malaking itim na payong. "Dianne!" sigaw niya rito. Napalingon sa kanya si Dianne. "Let's go." Agad namang tumayo si Dianne at patakbong sumukob sa kanya. Walang imik ang dalaga habang nagbibiyahe sila pauwi. "Kumain ka na ba?" tanong niya nang saglit niya itong tapunan ng tingin. "Hindi pa." Sa narinig ay bigla niyang kinabig ang manibela pabalik atsaka siya naghanap ng makakainan. Habang kumakain pinagmamasdaan niya lang si Dianne na tila sarap na sarap sa kinakaing samgyupsal.

