Lalo pang nagdilim ang mukha ni Janred. "Hindi mo dapat sinusubok ang pasensiya ko, Dianne," seryoso ang mukhang sabi ni Janred na noo'y agad siyang pinangko papasok ng bahay. Pinagsasapak niya ang likod ng binata pero hindi ito natinag. Pagdating sa kwarto inihagis siya nito sa kama at agad nitong ini-lock ang pinto. "Ito 'yung gusto mo diba? Ito 'yung hanap mo?" ani Janred na noo'y sinisimulan nang tanggalin ang pagkakabotones ng suot na long sleeve. Nanlaki ang mga mata ni Dianne habang nakatingin sa binata. Kasalukuyan nang tinatanggal ni Janred ang suot na belt nang takbuhin niya ito at pigilan. "Anong ginagawa mo, ha?" bakas ang takot sa mukha na tanong niya. Napangisi si Janred sabay kabig sa kanya. "Ito ang gusto mo hindi ba? Ito 'yung hinahanap mo. 'Yung may kalaro ka," seryoso an

