Dahil mataas din ang pride, hindi papayag si Janred na hindi siya ang panalo sa labanang iyon. Inilapag niya ang mga pantimpla ng kape sa harapan ni Dianne atsaka niya ito inutusang gumawa ng kape. At para masiguradong tama na ang ititimpla ng dalaga, binantayan na niya ito. Pinagsiklop niya pa ang mga braso habang nakabantay sa ginagawa nito. Nagdadabog na kumilos si Dianne. Akala pa naman niya hindi na ito ulit mag-uutos sa kanya matapos ang mga kalokohang pinaggagawa niya, pero heto't ipinakita ni Janred ang pagiging batas sa kanya. Paano niya nga ba kokontrahin ito, e, hawak nito ang allowance niya. Padabog na inilapag niya sa mesa ang kapeng itinimpla niya kaya lumigwak ito sa mesa. "Punasan mo 'yan," sabi ni Janred na tila namuna lang ng nakababatang kapatid. Mabigat ang mga ha

