"Gusto mo ba si Dianne?" diretsahang tanong nito nang hindi siya nakasagot. Unti-unting napakuyom ang isang kamay niya na tila nag-iisip ng tamang isasagot. Tila nagdadalawang- isip siya kung aamin ba siya o magde-deny na lang. "I'm sorry, Tito," biglang nasambit niya. "Hindi iyan ang sagot sa tanong ko, Janred," mariing sabi nito na noo'y ibinaba na ang tasa ng kape at seryosong tumingin sa kanya. "Do you really love her?" Napabuga ng hangin si Janred bago ito sumagot. "I do," mahinang sabi niya atsaka siya napayuko. "Paano nangyari 'yon? Hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo papakialaman si Dianne?" Napayuko si Janred. Alam niyang dadarating ang oras na 'yon na susumbatan siya ng tito niya tungkol doon kaya inihanda na niya ang sarili sa galit nito. "I'm sorry, Tito. Hindi ko po

