CLAIRE PIV Sa isang iglap lang, binaril ni Alex ang kanyang kapatid. At hindi lang isang beses, maraming beses siyang tinamaan ng bala sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Kahit na ako ay natalsikan din ng dugo na galing sa katawan ni Donny. Natulala na lamang ako habang si Alex naman ay nakangisi ng parang demonyo. Hindi ko lubos akalain na makikita ko ang ganitong ugali kay Alex. I really do look up to him bilang isang mabuting tao. Kaya lamang, ngayon ay parang nilalamon na siya ng kasamaan. Suddenly, bigla na lamang niyang tinutok ang kanyang baril sa akin at sobrang nanginig ang aking katawan sa kanyang ginawa. "Te... Teka lang... anong ibig sabihin nito... Alex..." Nanatili siyang naka ngisi hababg nakatingin sa akin. "Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagkaganit

