MAaga akong nagising dahil iyon ang usapan. Tulog na tulog pa si Nikishi kaya hindi ko na siya pinagkaabalahan pang gisingin. Bukod doon, iba ang nangyayari sa aking mahika kapag nagkakaroon kami ng physical contact. Nakakapagtaka dahil hindi naman ganito dati. Ngayon lang talaga matapos siyang dukutin ng mga rebelde nitong nakaraang araw. Nang makarating ako sa Main Gate ay akala ko kami lang ang nagplano ng maaga ngunit ng makapunta ako sa intayan namin ay halos lahat ng aming kaklase ang nandito din. I saw Genesis Alke. Nakatayo siya habang may nakasukbit na bag sa kaniyang balikat. Nakangisi ito habang kinakausap ng dalawang babaeng kagrupo niya siguro. Napakurap ako ng makitang nakatitig na siya sa akin. Tila naramdaman na may nakatitig sa kaniya. Nawala ang kaniyang ngisi at na

