FHANA'S POV Hindi ko akalain na magkakaroon ng ganitong eksena sa Academy. This is a mess. Sobrang daming mga tauhan ng makapangyarihang pamilya ang nakakalat. Napairap nalang ako sa ere at nagpapatuloy sa aking pagkain. Pakiramdam ko ay napakahaba ng araw na ito. "I wonder what's going on" usal naman ni Phoebe. Ang araw ng kompetisyon ngayon ay hindi katulad ng dati. Ngayon ay parang walang naganap na event dahil sa nangyayari. "Magkakasama tayo pero hindi mo talaga alam na dinakip si Haia ng mga rebelde?" pagtatanong sa kaniya ni Fenrell. "Alam ko ang bagay na yon. What's new right? Alam naman nating lahat na hindi lang si Haia ang kauna-unahang nadakip ng rebelde" kibit balikat na saad ni Phoebe. Tama siya, ilang estudyante na ng Academy ang nadakip ng mga rebelde at hindi na nakab

