Nakatulala lamang ako sa harap ng pinto ng kwarto ni Nikishi. Ilang linggo na ang nakalipas matapos ang insidente pero sariwa pa rin sa akin ang nangyari, kung paano ko siya pinatay at kung anong itsura niya noong mga oras na iyon. I sighed. Nagsimula na akong maglakad upang lumabas ng dorm. Hindi na katulad ng dati na may kasabay ako sa lahat ng bagay kapag lalabas ako ng dormitoryo. Dumeretso ako sa cafeteria upang kumain. Kahit ramdam ko ang mga matang nakatingin sa akin ay hindi ko yon binigyan ng pansin. Unti-unti na din akong nasasanay sa kanilang pasimpleng sulyap sa akin. Hindi ko alam kung anong meron sa akin upang titigan nila. Nang makarating ako sa cafeteria ay agad na dumapo ang aking paningin kay Kyrios. Kasabay niyang nagbebreakfast ang kaniyang mga kaibigan. Ilang araw

