CHAPTER 16

2044 Words

Nang makalayo sina Kyrios sa lugar na ito ay hindi ko na napigilan pa ang aking sacred magic. Huminga ako ng malalim bago ko inilapag sa lupa ang aking kamay. Nawala na rin ang whirlwind sa aking harapan. Pinanood ko kung paano mawalan ng buhay ang lahat ng bagay na madadaanan ng aking kapangyarihan. Natuyot ang lawa. Natuyot ang mga puno at ang mga halaman. Nagbagsakan ang mga ibon na nasa puno noong mga oras na iyon. Malaki ang Gemava Forest at sigurado akong kalahati nito ang maapektuhan ng aking mahika. Hindi ko man gustuhin ay wala akong ibang magagawa. Mabilis akong tumayo at sinundan sina Kyrios. Napahawak ako sa aking dibdib. Hindi ko maisip kung ano ba ang bagay sa sistema ko na unti-unting nababasag sa tuwing nakakaramdam ako ng kakaiba. Nang maabutan ko sina Kyrios ay pasan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD