Warning SPG❗️ PHUKET, THAILAND Hindi ko alam kung anong okasyon, basta isang gabi ay bigla na lang akong inutusan ni Uncle na mag-impake ng mga gamit ko. Wala man lang siyang sinabi kung saan kami pupunta. Basta ang sabi niya, magdala ako ng mga damit na kailangan ko.Sa susunod na linggo ay graduation ko na sa Senior High at sa susunod na pasukan ay College na ako,marahil ay gusto ni Uncle na ma relax ako dahil nitong mga nakaraang araw ay naging abala ako sa paghahanda ng graduation ko. Hatinggabi kaming bumiyahe, at heto na nga kami ngayon, nasa isang pribado at tagong beach sa Phuket, Thailand. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang napakagandang karagatan sa harapan namin. Sobrang linaw ng tubig, kulay asul na tila sumasalamin sa kalangitan. First time kong makapunta sa ibang bans

