TUMIKHIM si Penelope bago niya sinagot ang tanong ni Joaquin. “O-okay. Okay lang ako.” “Nabalitaan mo na bang nagkabalikan na sina Jace at Phylbie?” Tumango si Penelope. Nahahati ang kanyang kalooban. May bahagi sa kanya ang gustong manatili at makipagkuwentuhan kay Joaquin ngunit ang kabilang bahagi ay nais kumaripas ng takbo palayo. Hindi niya alam kung paano pakikiharapan ang binata. Hindi niya alam kung paano pipigilan ang kanyang damdamin. Gusto niyang yakapin at hagkan si Joaquin. “I want you to stay away from them.” Parang may itinarak na patalim sa dibdib ni Penelope. Hindi niya nagawang makapagsalita kaagad. Iniisip ba ni Joaquin na guguluhin niya ang relasyon nina Jace at Phylbert? Hindi nito alam kung gaano siya kasaya nang ibalita sa kanya ang pagbabalikan ng dalawa. Katupa

