Sinubukang itulak ni Katniss ang binata dahil sa kaniyang gulat. Kaso mas malakas si Steven sa kaniya. Ni hindi man lang tinablan ang binata sa biglaang pagtulak ni Katniss sa kaniyang dibdib. "I like you," bulong ni Steven. "I really do." "Sinungaling," paos na bulong ni Katniss. "Baka sinasabi mo lang na gusto mo ako kasi—" Mabilis na sinunggaban ni Steven ang labi ni Katniss. Umangat naman ang kamay ni Katniss papunta sa balikat ng binata para kumuha ng lakas. Hindi pa naman gumagalaw ang labi ni Steven pero natigilan na talaga siya. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin lalo pa ngayon na bigla na lang siyang hinalikan ng binata kahit na hindi pa niya tapos sabihin iyon. Nang magsimulang gumalaw ang kaniyang labi, ipinikit na ni Katniss ang kaniyang mga mata dahil hindi naman siya

