"I'm fcking serious, Kat. I like you. The moment my eyes landed on your da.mn picture, gusto na kita kaagad." Tulalang nakatingin si Katniss sa binata nang marinig niya ang sinabi nito. Parang hindi niya maproseso ang kaniyang narinig dahil paano siya magkakagusto sa kaniya kung ilang oras pa lang silang nagkita? Saka totoo kaya ang sinasabi ng binata sa kaniya? Ang daming gumugulo sa kaniyang isipan ngunit ang kaniyang puso, hindi tumigil sa pagkabog nang malakas. Parang ayaw niyang maniwala sa sinasabi ng lalaki. Kasi ang weird. Ilang oras pa lang tapos gusto siya ng lalaki? Ngunit ang hindi niya alam, hindi na pagkagusto ang nararamdaman ng binata. Sinabi niya lang iyon para hindi magulat ang dalaga. Mahal na niya ito, eh. Sigurado siya. Hindi siya puwedeng magkamali sa kaniyang n

