Kinabukasan ay maaga silang nagising at naghanda dahil sa kagustuhan ni Katniss na gumala. Nakatanggap kasi ng text si Steven na wala na raw ibang guest sa buong isla dahil nakaalis na sila magmula pa kagabi. Kaya naman sobrang saya ni Katniss na gumising sa kabila ng kaniyang naranasan kagabi. Pinagod kasi talaga siya ng binata. Literal na lahat ng alam nilang position ay ginawa nila. Medyo masakit nga ang mga hita ng dalaga dahil halatang nangalay ito pero ayos lang sa kaniya dahil ang mahalaga ay nakagala na muli siya. Suot niya ang kaniyang maxi dress na kulay dilaw habang ang binata naman ay tanging swimming trunks lang. Gagala lang naman kasi sila sa dalampasigan. Kahit na gusto ni Katniss na magsuot ng kaniyang bikini ay hindi niya magawa dahil nga sobrang dami ng kaniyang marka

