Chapter 1

1847 Words
Summer 2009 Nadatnan niya ang mga magulang sa komedor na nag aagahan kasama ang bunso nyang kapatid. "Anak mabuti naman at gising ka na." salubong ng Ina niya ng nakita siya nito. "Morning Ma, Morning Pa.." humalik siya sa pisngi ng mga ito. Ginulo niya ang buhok ng bunso niyang kapatid sabay upo sa tabi nito. "Kumain kana Olivia. Bakit ba palagi ka nalang lumalabas sa gabi? Hindi kaba nagsasawang mag party?" ani ng Mama niya. "Ma, di ba sabi ko mag e enjoy muna ako bago ako mag trabaho?" sabi niya. Kakatapos palang niya ng college last month. Gusto sana ng Papa niya na pumasok na siya sa kompanya nila para masimulan na ng Papa niya ang pagtuturo sa kanya. She took up Business Administration major in Marketing Management. Her parents choose that profession na hindi naman niya gusto. Pangarap niyang maging Interior Designer or Architect pero hindi sinang ayunan ng mga magulang niya. After her graduation in High School napag desisyonan ng mga magulang nila na lumipat at tumira dito sa Manila for good. They left Cebu one month after her graduation. Nagtayo ng negosyong Advertising Agency ang Papa nila habang ang Mama naman nila ay nagpatuloy sa pagtuturo sa isang public school. Fortunately nagtagumpay naman ang Papa niya sa negosyong tinayo nito kaya hindi sila gaanong nahirapan. Bata pa naman ang Papa niya pero sinisiguro nito na mas mabuting matutunan niya ang pasikot sikot sa negosyo nila habang bata pa siya para makatulong na rin sa mga kapatid niya na nag-aaral pa. Third year college na sa susunod na pasukan si May, ang sumunod sa kanya samantalang mag first year college naman si Ford, ang pangatlo sa kanilang magkakapatid. Ang dalawa niyang kapatid na sina Gella at Rios ay pawang nasa High School at ang bunso nila na si Rob ay nasa elementary pa lang. After four years of running their business nakikita niyang mas lalong lumalago ang negosyo nila patunay na kahit palaging pagod ang Papa nila masaya naman ito habang nagku kwento sa Mama nila. "Siguro naman wala ka nang lakad mama yang gabi, anak." Sabi ng Papa niya Napahinto siya sa pagsubo ng magsalita ang Papa niya. "Wala naman Papa." nagsimula na siya kumain ng hindi na magsalita ang Papa niya. Mabait ang Papa niya pero nakakatakot rin kung magalit. Sobrang istrikto noong nag-aaral palang siya. Ngayon lang medyo lumuwag luwag ng mka graduate siya sa college. "May bisita tayo mamaya. Darating ang matalik kong kaibigan kasama ang pamilya niya. Dito sila mag di dinner kaya dapat kompleto tayo mamaya." Sabi ng Papa niya sabay tayo. "Sumunod ka sa study room Olivia pagkatapos mong kumain." Tango lang ang naisagot niya sa kanyang Papa. Ninerbyos siya bigla dahil sa tono nito. Iniisip niya kung may nagawa ba siyang malaking kasalanan. Parang wala naman. Sunod sunod ang naging pagsubo niya para makasunod agad sa Papa niya. Minutes later, nakaupo na siya sa harap ng working table ng Papa niya. May pinipirmahang papeles ito kaya hindi na muna siya kumibo. "You'll be 20 this year di ba hija?" basag nito sa katahimikan. "Yes Papa. Bakit po?" aniya "Hindi na ako magpaligoy ligoy pa anak, alam kong hindi mo magugustuhan ang pag-uusapan natin pero I want you to know that this is for you." mataman siyang tiningnan ng Papa niya. Mas lalo tuloy siyang kinabahan. "Spill it Pa." aniyang hindi pinapahalata ang nararamdaman. Huminga ng malalim ang Papa niya bago ito nagsalita. "My best friend and I had an agreement when we were still young. Para ko na siyang kapatid. Kahit alam naming kalabisan ang manghimasok sa desisyon ng mga anak namin, itutuloy pa rin namin ang napagkasunduan." tumigil muna ang Papa niya at inaarok ang saloobin niya. Kapagkuwa'y.." You're destined to be married hija.. Sa anak ng matalik kong kaibigan. " Wtf? Ano raw? " Pardon? " aniyang hindi makapaniwala. Tama ba ang narinig niya? " Yes Olivia.. It's an arranged marriage but I assure you hindi ka magsisisi. You'll meet him tonight sa dinner natin. He belongs to a well known and respected family in Cebu and even here in Manila. My business sila all over the world - - -" "W-wait Pa.. Naririnig mo ba ang sinasabi mo? W-why? It's 2009 Papa! Hindi na uso ang arranged marriage ngayon. I am still young at wala akong pakialam kung kasing yaman man niya si Prince Charles." napatayo na siya sa kinauupuan. Frustration is written all over her face. Hindi niya gusto ang ideya na ipinagkasundo siya sa isang lalaki na hindi niya kilala..hindi pa niya nakikita. " Kilala ko ang pamilya ng lalaking mapapangasawa mo anak. You'll be in good hands hija. Hindi ka namin ipapahamak ng Mama mo." Sabi ng Papa niya "Kahit na po.. Hindi ko mahal ang lalaking yun Papa. Of all people pa naman.. I know you believe in love pero bakit ganito.." himutok niya halos magpapadyak na siya. Halo halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. She knew her father very much. Wala itong hindi ginusto na hindi nakukuha. At alam niya kung kanino siya nagmana sa katigasan ng ulo. "Matututunan mo rin siyang mahalin Olivia. Bago kayo ikasal I'm sure mahal mo na siya." Sabi ng ama niya. "Papa hindi nadidiktahan ang puso kusa mo itong mararamdaman. Paano kayo nkakasiguro na mamahalin ko agad ang taong yun? Pa naman.." napasabunot siya sa sariling buhok. "Why don't you face him tonight at tingnan natin hija kung ano ang mangyayari." her father's smiling mischievously Naloko na.. Napapikit siya sa inis. Walang mangyayari kung makikipagdiskusyon pa siya sa ama niya. Mukhang desidido na ito sa binabalak nito. 'Good God.. Please help me' piping panalangin niya. NAKADAPA siya sa kama ng my kumatok sa kwarto niya. "Pasok bukas yan!" "Olivia.." hinahaplos ng Mama niya ang likod niya. "Huwag kang magalit sa Papa mo. Ginagawa lang niya ito kasi alam niyang makakabuti sa iyo." Tumihaya siya sa pagkakahiga. "Never in my wildest dream na mangyayari ito sa akin Ma. I've been a very good daughter ever since bakit ngayon pakiramdam ko isa akong sakit ng ulo sa inyo." hindi na niya napigilang umiyak. Masama talaga ang loob niya sa Papa niya. Imagine ipapakasal siya sa kung sinong poncio pilatong yun. Nakalaan na ang puso niya sa taong matagal na niyang hinahanap. Kanina habang nagsasalita ang Papa niya.. Iisang tao lang ang naiisip niya. Hindi talaga maaari. Siya lang talaga ang gusto kong maging asawa, makasama habambuhay. "Magbabago pa naman siguro ang isip ng Papa mo. Huwag mo munang dibdibin anak, remember mgkikita pa lang kayo mamaya. Malay mo may makita ang Papa mo na hindi niya magustuhan." kinindatan siya ng Mama niya. Malabong magbago pa ang isip ng Papa niya. Matalik na kaibigan ng Papa niya ang pamilya ng lalaking yun. " O siya sige, Huwag ka nang magmukmok diyan. May aasikasuhin lang ako sa baba." paalam ng Mama niya. Hindi siya kumilos hanggang sa makalabas ang Mama niya. Napukaw ang pagmunimuni niya ng tumunog ang notification ng f*******: account niya. Kahapon pa niya hindi nabubuksan ang f*******: niya. One new friend request ang nakalagay sa notification niya. JA Estevez ang name ng nag sent ng friend request sa kanya. Hindi sana niya bubuksan ang profile nito pero na intriga siya sa profile picture nito. She hates people who has tattoos anywhere in their body. Narurumihan siyang tingnan but this one is an exemption. Looks like a tribal tattoo in the upper right side at the back of his shoulder. His.. obvious na lalaki ang may ari dahil sa nag uumpugang mga muscles sa likod nito. Very hot.. Mas lalo pa siyang na intriga. Hindi naman siya bastos pero she admired men with sexy body, lots of abs & oozing with s*x appeal. Hindi naman mataas ang standard niya sa lalaki pero hindi na siya na a attract sa opposite s*x magmula ng makita niya ang lalaki way way back in 2004. Ini scroll niya ang time-line ng nakikipagkaibigan sa kanya. Wala siyang makita ni isang mukha ng may ari ng account puro beautiful spots lang. Maliban sa profile picture nito wala ng ibang picture doon. Nature lover obviously. Hindi niya ugali ang mag accept ng kung kani kaninong request sa f*******: lalo na kung hindi niya kilala. As usual she ignored that request. Nagulat siya ng biglang nag message si Macon sa kanya. 'Bruha.. Don't forget next week ha. Hihintayin ko kayo ni Megan dito.' napangiti siya sa text nito 'Yes Bru nka prepared na kaya. Handa na bagahe namin. Wag kalimutan ang tsibog diyan.' reply niya dito 'Nothing's change matakaw ka pa rin.' sagot agad nito na ikinatawa niya. Nakalimutan niya bigla ang problemang kinkaharap niya 'I have a surprise for you. Cguradong matutuwa ka. ?' na excite tuloy siya bigla. Hindi na niya tatanungin siguradong bibitinin lang siya nito. Knowing her best friend. 'Looking forward to that surprise of yours. Dapat mapapanganga aq dyan ha.' sagot nya dito 'Iiyak kapa Bru. Hahaha.' hindi na siya nag reply dito. Inilipag niya ang cellphone sa kama at binuksan ang drawer niya kung saan nakalagay ang diary niya noong High School palang siya. Tumigil siya sa pagsusulat ng diary noong college na siya. Ewan pero parang tinamad na siya sa pagre report kay diary. (Haha!) July 2004... Nagulat siya ng may bumatok sa kanya. Paglingon niya nakita niya si Megan at Macon na nakangisi sa kanya. "Nakaka inis kayo. Batukan ba naman." himutok niya "Well, siguradong makakakita ka ng fireworks diyan sa imagination mo!" tumatawang saad ni Macon sa kanya. "Elaborate please.. Ayoko ng binibitin. Masasabunutan ko kayo." nahawa na rin siya sa tawa ng dalawa. "Nakuha ko na ang matagal mo nang minimithi." biglang sumeryoso ang mukha ni Macon. Kinabahan siya bigla. Noong nagsimula ang klase nila, napansin ng dalawa na may nagbago sa kanya. Hindi na siya ang dating masayin. Ngumingiti siya pero hindi umaabot sa mata niya. Kaya tinanong siya ni Macon at Megan. Wala na siyang choice kundi ang mag open up sa dalawa. Kinuwento niya sa dalawa ang namagitan sa kanila ng lalaking yun.. Namagitang titigan. Sa una pinagtawanan siya ng dalawa. Sino ba naman kasi ang hindi tatawa.. wala namang nangyaring kakaiba maliban sa tinginan nila ng lalaking yun. Pero nakita ng mga kaibigan niya ang epekto ng pangyayaring yun. Hindi big deal sa dalawa ang nangyari pero para sa kanya malaking kahungkagan ang naramdaman niya pagkatapos ng bakasyon nilang yun. Good thing na sinabi niya sa mga kaibigan niya ang nangyari. At mabuti na rin dahil nalaman niyang kaibigan ni Macon ang isa sa tatlong kasakasama ng lalaking nagustuhan niya ng mga panahong iyon. Nangako si Macon na hihingin ang pangalan at number ng lalaking nakapukaw sa interes niya. Bumalik siya sa kasalukuyan ng may inilapag na puting papel sa armrest ng inuupuan niya. Dinampot niya ang papel at tinanong si Macon. "Ito na ba Yun?" "Yan na nga friend.." malaki ang tawa ni Macon na naka akbay kay Megan. Hindi rin mapuknat ang ngiti ng huli. Napatawa siya bigla. Pakiramdam niya nagliwanag bigla ang mundo niya. She reads what's written in the paper.. 'Nike Jose Ocampo.. 0905*******'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD