Chapter 20

2004 Words
“Hoo! Good morning talaga sa akin.” Pang-twenty na itlog na ang binabati ko, may nakasalang pa sa kawali pero hindi talaga ako makaramdam ng antok. Alam ko naman na hindi ako mapapagod. Natigil ako sa pagbabati at napapikit. Kung hindi nga pala kami nakakaramdam ng pagod, ibig sabihin...sa kama... WAAAHHH! Stap mind! Anong nangyayari sakin? Hindi naman ako ganito dati. “Teka!!! Hindi kaya may ginawa ang siraulong William na yon sa chip ko para iinduce ng malala ang...Ah hindi. Ang assumera ko naman. Sino ba ako? Isang hamak na kakampi lang naman ako..” Oo! Isang hamak na kakampi. KAKAMPI!!! “Anong kasalanan sayo ng itlog?” Natigilan ako at napatingin kay William na kagigising lamang. “Ha?” “Yong, itlog. Anong kasalanan sa’yo? Pati yong kawali, naaawa na ako kaya nilabasan na kita. Baka mamaya walang matirang buo dito sa kusina,” “Ah ano, wala lang. Naghahanda kung sakaling may bumili nga sa akin. Kailangan kong maging kapaki-pakinabang para naman sulit nag bayad sa akin,” “Ah ganon ba. Ang dami mong naluto, paano ito?” “Isa na rin iyon sa rason. Kung aalis na ako mamayang gabi, gusto ko lang mag-iwan sayo ng mga makakain bilang kapalit sa pagluluto mo para sa akin,” “Salamat. Pagsasaluhan namin ng babaeng pipili sa akin,” “Ok. Sana makilala ko siya,” “Oo naman. Ipapakilala ko siya sayo,” At napuno na ng awkward na katahimikan ang kusina. Pucha?! Seryoso? Pagkatapos ko siyang halikan? Pagkatapos niya akong halikan? Aba ayos to! “Exciting!” gigil na bulong ko at tinadtad nang napakaingay ang mga samya na ilalahok para sa rolled egg. “Wag lang talagang susuyo-suyo sa huli pag nakakaalala na.” “Sapat naman na itong mga niluto mo,” sabi ni William nang maglakad palapit sa akin at pinigil ang kamay ko. “Hindi, pinipino ko lang ng mabuti itong mga samya parang lasang-lasa. Alam mo na, para naman mas masarapan ang babae mo,” “Ganon ba, sige. Pagtapos mo riyan, sabihan mo ako nang tululngan kitang magligpit. Alas-dos pa lang naman ng madaling araw,” Napatingin ako sa orasan at matinding hiya ang naramdaman ko. May anak na ako at lahat, para sa halik ay hindi makatulog. Nice. Hindi naman ako masyado halata. Umalis ito at bumalik sa kwarto. Pagtapos kong magluto ay inilagay ko na sa baunan ang mga pagkain at nagligpit. Sa wakas kahit paano ay nakaramdam na ako ng antok. Pero bago tuluyang magpunta sa aking kwarto ay naisipan kong umakyat sa second-floor para silipin si William. Kaso dapat pala hindi na lamang dahil, sisilip pa lamang ako nang hilahin na ako nito papasok. “Bitaw!” “May ipapakita lamang ako saglit,” sabi nito at hinapit ang baywang ko para paupuin ako mga hita nito. Napalunok na lamang ako sa inasal nito. Napatingin pa ako sa mauugat nitong kamay na nakakapit ka sa aking tiyan habang abala sa pagpindot ng mouse gamit ang isang kamay. “Ano’ng ipapakita mo?” monotono kong tanong. “Sa sunod na linggo na ang kaarawan ng anak mo, gusto mo bang bumisita?” Nanlaki ang mga mata ko at napasapo sa aking bibig sa gulat at nag-uumapaw na emosyon. “P-Paano mo nalaman?” “Sabi ni Lola sa akin,”’ “Pero paano?” “Ako na ang bahala. Gusto mo ba?” “Oo. Sobra! Sobra!” Mabilis akong yumakap kay William. “Salamat, 2!” bulong ko rito. “Anong tawag sa ginagawa mo?” “Ang tawag dito ay yakap,” “Bakit mo ako niyakap?” “Ang pagyakap, ginagawa rin kapag masaya,” “Kung ganon, masaya rin ako para sayo,” sabi nito at niyakap ako pabalik. Buti na lamang talaga at may chip, kung hindi, baka nagkamalisya na ako sa utak dahil sa initimate moment namin. “Ah sige, matutulog na ako. Maraming salamat talaga ulit,” sabi ko at tumayo na mula sa pagkakaupo sa hita nito. “Sige. Magpahinga ka nang mabuti.” Bandang alas-dos na nang hapon ako nagising at naabutan ko si William na nag-iiehersisyo sa sala. “Kumain ka na,” sabi nito habang nagpupush-up. Tumango naman ako at naglakad papunta sa kusina. Balak ko lang sanang tingnan ang matipuno nitong katawan sa malapitan pero bigo akong makapagfocus dahil sa natuon na ako sa mga bagong sugat nito sa likod. Nabaril at nasugatan na ako pero pakiramdam ko ay hindi tutumbas ang sakit na naramdaman ni William base sa mga sugat na nakalahid sa kaniyang likuran. “Pwede ba akong manood ng palabas?” paalalm ko rito nang umupo ako sa sofa para kumain. “Sige lang.” “Sige.” Pagbukas ko sa tv ay may palabas na. Hindi na ako nag-abalang maghanap pa dahil hindi naman talaga ako interesado manood, ayoko lamang marinig ang mga hangos ni William dahil sa may nararamdaman akong iba. Ah! Focus, Annie! Kailangan kong isipin kung ano’ng dapat kong iregalo kay Leo kapag nagkita na kami ulit. “Masyado ba silang masaya?” sabi bigla ni William dahilan para matigil ako sa pag-iisip. “A-Ano?” “Sabi ko, kung masyado ba silang masaya diyan sa palabas?” Natuon ako sa tv at napalunok ako ng malala nang makita na magsiseggs ang mga bida. “Malungkot sila.” Kabadong sabi ko at madaling pinatay ang tv. “Parehas pala ang ginagawa kapag malungkot at masaya? Akala ko sobra ang saya dahil sabay-sabay ang paghalik at paghaplos sa dibdib niyong babae,” “Haha. Haha. Haha. Ang busog. Grabe. Ang sarap ng luto ko.” Tumayo ako at inilagay ang pinagkainan ko sa kusina para makaiwas sa mga tanong. “Kung gayon, malungkot ang mga babaeng inilagay sa Heinan.” “Heinan?” “Doon inilalagay ang mga babaeng models para salain kung para ba ang mga ito sa market o pang reproduce,” “Ang ibig mong sabihin ay doon sa una kong pinanggalingan?” “Oo,” “Lahat ba ng mga models ay sapilitang kinukuha? Wag mo sanang mamasamain,” “Hindi.” Natigilan ako sa paghuhugas at nanginig ang aking mga kamay. “A-Anong ibig mong sabihin?” Sasagot pa sana ito nang makatanggap ito ng tawag sa cellphone. “Sasagutin ko lamang ito,” turan ni William at naglakad paakyat sa kwarto nito. Matiyaga kong inintay si William para masagot ang tanong ko pero gabi na ito bumaba. “Magbihis ka na at pinapatawag mo na tayo,” “Yong tanong ko,” “Doon na lamang tayo mag-usap, 43.” “Ah ganon ba. Sige.” Nagmadali akong maligo at nagpalit ng damit na ibinigay sa akin ni William. Kagaya kahapon, pagkarating namin sa hotel ay magkahiwalay na naman kami ni William. Pero sa pagkakataong ito ay sa ibang kwarto ako dinala. “Good evening,” nakangiting bati ng isang lalaki sa akin pagpasok ko sa isang kwarto na parang doble pa ang laki mula sa pinasukan ko kahapon. Tinitigan ko ito ng mabuti at ilang segundo rin ang lumipas bago ko napagtanto kung sino ito. “Anong kailangan mo sa akin?” Humalakhak ito at ibinaba ang iniinom na alak sa isang mesa katabi ng kama. “Wag kang mag-alala, nakausap ko na si Mrs. Gareth tungkol dito. Nag-offer ako ang magbibihis sayo,” sagot nito at mwinestrahan ang mga kasama kong babae na lumabas ng kwarto. “Ako nga pala si Cristo. Cristo Voflion.” Voflion? Nabasa ko na minsan ang Voflion na ito. Voflion ang pumipirma sa architectural paper ng mga blueprints sa kompaniya nina Charlie. “Kung ganon ay kinalulugod ko,” maingat na sagot ko dahil hindi ko alam ang iniisip nito. Mas mabuting makiayon na lamang muna ako. “Mabuti pa ay maghubad ka na. Kukunin ko lamang sa loob ang mga susuotin mo,” Napalunok ako at napakuyom ang mga kamay. “Ako na ang bahala sa pagbibihis.” Tumingin ito at ngumisi, “May model palang tumatanggi sa utos? Mukhang pumalya ang mga Gareth sa pagkakataong ito.” Totoo nga si William. Kalaban ito. “Nakaprogram kaming tumanggi sa mga bagay na sa tingin namin ay hindi makabubuti,” “Ah...nako hindi. Wag kang mag-alala. I can promise you that not a single skin from me will touch yours unless you ask for it.” Umalis ito at naiwan ako na nakatayo sa lounge ng kwarto. Wala sana akong balak na gumalaw pero napalingon ako sa glass table na nasa gitna ng mga sofa at nakita ang ilang mga papel na nakakalat. Hindi lamang basta papel kundi mga papel na tungkol sa akin. Umupo ako at marahang binasa ang mga ito. Kaparehas na kaparehas nito ang mga papel na nasa library ni Gloria. May isa lamang na hindi ko pa nakikita. Binasa ko ito at parang bibigay ang katinuan ko nang matapos ang buong papel at makita ang pangalan at pirma ni Mama sa dulo. Ang papel ay ang pagpapahintulot sa Gareth Tech na gamitin ako sa experiment bilang prototype at ano man ang mangyari sa akin ay walang hahabulin ang pamilya ko kapalit ng ilang milyong piso at pabahay. “Kakaiba ka talaga mula sa karamihan.” Natigil ako sa pagbabasa at iniangat ang tingin kay Cristo. “Anong ibig mong sabihin?” “Iyan. Wala kang sinusunod na protocol. You act like the normal ones, Annie.” “Bakit mo alam ang pangalan ko? Bakit nasayo ang mga records ko? Sino ka? Anong kailangan mo sa akin?” “Ang daming tanong. Hindi pangkaraniwan sa taong may gumaganang chip sa utak,” Napatayo ako, “Aalis na ako.” “Hindi ako kalaban, Model 43 o Annie. Annie na lang, mas gusto ko yon. Kagaya kita, Annie.” “Anong ibig mong sabihin?” “Don’t disappoint me, Annie. Alam kong depektibo ka,” “Hindi ko nauunawaan ang pinagsasasabi mo,” “Malayo ang mga kilos at galaw mo sa mga models na walang-sira. Alam ko dahil kagaya mo, depektibo rin ako,” “Sinungaling,” “Para saan at magsisinungaling ako? Ipinangako ko kay Venice, na hanggat humihinga ako ay poprotektahan kita at ilalayo sa mga taong ito,” “Venice?” “Ang Ate mo,” “Ha! Wag mo akong paglolokohin. Isa kang baliw..aalis na ako,” “Pasensiya na pero labag man sa loob ko, ipapaalam ko kay Mrs. Gareth ang totoo kung hindi ka sasama sa akin. Ako si Model 0 at si Venice ang nagligtas sa akin para makalayo sa mga Gareth. Mahina pa ako noon kaya hindi ko siya nailigtas,” “Tama na!” gigil na sabi ko at sinampal ito. Akma akong maglalakad palabas nang hilahin ako nito at dinala sa harapan ng isang desk. May hinila itong drawer at iniabot ang isang kwintas. Hindi ako pwedeng magkamali, ito ang kalahati ng kwintas na nakaipit sa sulat na iniwan sa akin ni Ate na haggang ngayon ay hindi ko pa nababasa. “Nabasa mo na ba ang sulat?” Alam rin nito ang tungkol sa sulat. ‘Anong ginagawa mo? Nasaan ka na? ---- William.’ “Kailangan na ako doon, Cristo.” “Sige, bibihisan na kita. Ako na rin ang mag-aayos sayo,” “Teka, bakla ka?” “Bakla na agad porket marunong mag make-up?” “Hindi kasi...” “Noong magkasama kami ni Venice, napapagkatuwaan niya akong make-upan. Tapos ako, mimake-upan ko siya. Isang bagay raw na pinangarap niyang gawin kasama ka.” Saglit lamang ang ginawang ayos sa akin ni Cristo at nagtungo na ako sa event’s hall. Suot ko ngayon ang kwintas ni Ate. Hindi ko pinansin si William at pumwesto ako sa aking numero. “Ok, now that everyone’s here. Let’s begin. Let’s start with Model 3. Starting with fifty million pesos,” “200 million pesos.” Mula sa daang mga taong nakatipon sa baba ng stage, tumapat ang ilaw sa babaeng nagsalita at kahit nagbago ang kulay ng buhok nito, alam kong si Sydney iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD