“Ano? Nagpapatawa ka ba? Pagmamay-ari ako ni Cristo!” nag-iinit ang ulo na tanong ko. “Teka, si Charlie?” Kita ko ang pagngisi ni William, “Dahil napatunayan na depiktibo ka, terminated ang contract at binalik na ang pera. Saka tumigil ka na sa kaka-Charlie! Puro ka Charlie. Ganyan ka ba talaga kadesperada? Ha?!” Nangunot ang ulo ko at agad na tumayo sa aking kinahihigaan, “Teka...may bago sayo.” Tumingin ito sa akin at gigil na sinakmal ang aking baba, “Alam ko na ang lahat. Naaalala ko na ang lahat.” Hindi agad ako nakaimik dahil sa tindi ng galit sa mga mata ni William. “Oh ano? Hindi ka makapagsalita? Hanggang kailan mo ako paglalaruan? Tuwang-tuwa ka ba na pagmukhain akong tanga?” “William...hindi ko... Ahhh!” daing ko nang muli ako nitong ibagsak pahiga. “Hindi mo ano? Ha! Hin

