“Mommy, sino po siya?” tanong ni Leo habang kumakain ng ice cream na pasalubong ko. “Ah anak. Siya ang boss ko. Ano, dito muna siya dahil may trabaho kaming ginagawa,” paliwanag ko sa bata. Tumaas ang kilay ni Leo, “Ayaw ko ng ibang Tito Papa kundi si Tito Charlie lamang o si Tito William.” “Anak.” Dumila pa ito kay 45 bago tuluyang tumakbo pabalik sa sofa kung saan ito nanonood ng tv. “Halika, ipapakilala kita kay Charlie,” yaya ko kay 45. Tumango naman ito at sinipat ang buong bahay. Pagkarating sa likod-bahay kung saan nakaupo si Charlie at abalang inaasikaso ang mga pananim nito. “Charlie.” Tumigil ito at ibinaling ang tingin sa amin. Ibang klase rin talaga ang pandinig ni Charlie. “Annie? Saan ka nanggaling?” “Charlie, may inasikaso lamang ako,” “Nang isang buong araw?

