“Kamusta ang lakad?” usis ni Cristo pagpasok ko sa mansion nito. “Masaya. Sobrang saya,” sabi ko at naglakad papunta sa sofa kung saan ito nakaupo saka tumabi rito. “Aalis na ako. Makakasama ko na ang anak ko. Maraming salamat talaga sa lahat. Hm. Alam kong ok ka lang naman dito mag-isa pero, baka gusto mong sumama?” Kita ko sa mga mata ni Cristo ang lungkot. Hindi biro ang pakiramdam ng pagiging mag-isa. “Ok lang ako rito. Hindi ko rin naman maisip ang sarili ko na titira ako sa ibang bahay,” tugon ni Cristo saka uminom ng wine. Napatingin ako sa malawak na kawalang ng bahay. “Sure ka?” Ngumisi ito at tumingin sa akin, “Mukhang ikaw ang hindi ok na maiiwan ako dito mag-isa.” “Hindi naman. Kasi, ikaw ang dahilan ng paglaya ko sa lahat. Kung wala ka, walang ganitong saya akong tinatam

