It was pass six in the morning when Quinn wakes up, she turned off the alarm again that sets at five. Kinusot-kusot niya ang mata, whispers a short thank you prayer and slowly get up. Inunat niya ang mga braso, balikat at mga hita. Ramdam niya pa rin na gusto pang humiga ng katawan niya. But she needs to get up.
Umuwi kaya kagabi ang lalaking yun.
She stays at the front of the mirror, combing her hair, checking her face and even her body. Tumataba ka. A question suddenly rang on her mind, but she immediately refuse to entertain it. Nagtataka na siya sa sarili.
Nang makababa ay naabutan niya sa sala ang binata, nakayuko ito na nakapikit, nakacross ang mga daliri sa harapan at pumapadyak ng marahan ang mga paa.
Tahimik lang siyang dumaan, nag-iingat na hindi makagawa ng ingay. Ayaw niyang maagang masira ang araw niya. Dumeretso siya sa sala, napansin niya ang nakatakip na mga plato sa lamesa, what's for breakfast kaya? Sumilip pa muna ulit siya sa sala bago dahan-dahang inangat ang mga nakatakip sa lamesa.
Pancakes! May maliit na botelya rin ng honey sa tabi nito. Nakaramdam agad siya ng pagkalam sa sikmura katunayan na nagugutom na siya.
"Kumain ka na at mag-ingat ka sa pag-alis mo mamaya." usal ni Kai dahilan para mataranta ang kamay niya at gumawa ng nakakabinging ingay ang nalaglag na pantakip na hawak-hawak niya.
Kanina ka pa ba diyan? Yan ang gusto niyang itanong rito pero walang lumalabas sa bibig niya.
"Later." tipid niyang sagot.
"Kumain ka na at mag-ingat ka pauwi mamaya." utos ng binata at umalis na sa kinatatayuan niya without saying anything to tease him, even a grin or smirk ay wala rin itong pinakita. Umalis na lang ito basta and that makes her more curious.
That's something new pagtataka niya, isa pa saan ba siya pupunta? Wala itong maalala na pupuntahan niya ngayong araw.
Naupo siya sa upuan and excitingly poured out a honey onto pancake. It's one of her favorite breakfast meal.
*****
"Anong ginagawa ninyo rito?" usisa ni Kai, nang mapansin na nakatambay sa labas ng gate nila sila Igno, Iking, Lino at Yano. Nagtatawanan pa ang mga ito ng lapitan niya.
"Sabi mo di'ba ngayon uwi ni lodi, kaya eto hinihintay namin." sagot ni Lino.
"Para naman makapagkilala kami bago umalis pre." dagdag pa ni Yano,
"Kung kailangan mo ng kasama sa paghatid, andito lang kami pre." singit pa ni Iking na agad sinang-ayunan ng iba.
"Kagigising niya lang, nag-aalmusal ata, baka mamaya pa yun aalis. Ako na maghahatid." walang ganang paliwanag niya sa barkada.
Nagulat siya pagbaba nito kanina na nakapantulog pa. Ang sabi kasi ng Ate Emy niya bago pumasok ng trabaho ay hintayin niya na lang ang paggising nito at kung magpapahatid ay ihatid niya na rin. Iniwan pa ng ate niya ang kotse para may magamit sila.
Hindi siya nakatulog ng maayos, alas dos na ng madaling araw siya umuwi ng bahay dahil sa gusto niya pang subukan pabagalin ang takbo ng oras pero mukhang hindi niya na mapipigilan ang pag-alis nito. Ayos na rin siguro yun, wala na siyang kailangan bantayan pa at magagawa niya na ulit ang mga gusto niyang gawin, pilit niyang pangungumbinse sa sarili.
Sumandal siya sa pader mula sa labas ng bahay at hinayaan ang barkada sa kung anu-anong pinag-uusapan ng mga ito.
Ilang sandali pa ay "Pre! Pre! Pre!" sigeng giya sa kanya ni Iking.
"Lodi!" sabay-sabay na sigaw naman nila Lino na agad nagpalingon sa kanya, may kinakawayan ang mga ito mula sa loob ng bahay. Isa lang naman ang naruon ngayon. Agad niyang sinilip kung tama siya ng hinila, she saw Quinn just outside the door, nakapantulog pa rin ito and with a confuse looked on her face dahil sa pinagsasabi at panay na pagtawag ng mga kumag na kasama niya.
Agad siyang pumasok ng gate, "Aalis ka na ba?" tanong niya ng makalapit rito
"Bakit narito ang kotse ni Emy? She didn't go to work?" mausisang tanong ni Quinn sa kanya.
"Pumasok siya pero iniwan niya yan. Para daw may magamit tayo panghatid sa'yo mamaya." saad niya lang.
Nagpout lang ang labi nito, tila iniintindi ang sinabi niya.
"Okay, but who are they?" tanong pa ulit nito, sasagot pa lang sana siya ng may humila sa kanya dahilan para mapunta siya sa likuran, sumunod pala sa kanya ang apat na mokong at ngayon ay nag-uunahan para magpakilala kay Quinn. Wala na siyang magagawa kagabi pa nila pinapraktis kung paano magpapakilala kay Quinn sinabi niya rin sa mga ito na english speaking ang dalaga kaya dapat ay ingles din sila pag nagpakilala. Kai comfortably lean his back on Emy's car with a grin on his face.
"Hi! I''m Benigno twenty two years old, single and available, "nagwink pa ito. " just call me Igno." dagdag pa niya at iniabot ang kamay, pero nakatingin lang si Quinn sa kanya.
Hinila siya ni Yano at ito naman ang nagpakilala, "Hi Lodi! I'm Cipriano, Yano for short. I have a girlfriend already. Kung sana dalawa lang ang puso ko..." may lungkot pa sa boses nito, iaabot niya rin sana ang kamay pero batok ang inabot niya kay Iking kaya agad niya itong binawi at kakamot-kamot na napahawak sa ulo.
"Hi Lodi! I'm Lino, Marcelino is my real name, I'm taken already, and I'm proud to say I'm loyal, faithful and honest with my girlfriend!" Napa "Oh" naman ang lahat sa sinabi nito.
"Teka pre hindi pa tapos," singit pa ni Lino "Pero kung mamahalin mo ko lods, handa akong magbago para sa'yo!"
"Ay gago!"
"Sumbong ka namin kay Ivy ah!”
"Bugbog ka na naman mamaya!" sunod-sunod na banta ng tropa nito.
Pilit binabawi ni Lino ang mga sinabi niya pero sigeng panakot ang barkada at pinagbabatukan siya kaya patakbo siyang umiwas sa mga ito.
"Tatanga ninyo magpakilala puro kayo kalokohan! I'm sorry idol they're careless." kumindat pa muna ito sa iba,
"Hi! I'm Enrique, Iking for short. You know you're really beautiful face to face. I hope you don't go now." patuloy niya.
"Face to face ampota, san mo nakuha yan pre!" sabat ni Igno dahilan para mapuno ng kantyawan at asaran ang grupo, maging si Emy ay hindi na napigilan na mapangiti sa paraan ng pagpapakilala ng mga ito sa kanya.
"Gago! turo sa'kin yun ni Mama!"
"Kausapin mo Mama mo pre, pinagtitripan ka na hindi mo pa alam."bulalas ni Yano kaya mas lalo pang lumakas ang kantyawan at asaran ng magbabarkada.
Naitigil lang sila ng marinig nila ang mahinang pagtawa ni Quinn. Napatuon ang atensyon nila rito at sabay-sabay na gumuhit ang malalaking ngiti sa kanilang labi.
Tumgil sa pagtawa si Quinn pero makikita pa rin ang ngiti sa labi nito, "I wasn't supposed to be doing this but I appreciate all your efforts introducing yourself to me. . ."
"Pre anong sabi!" singit ni Iking. Agad tinakpan ni Lino ang bibig nito para makapagpatuloy si Quinn sa sasabihin.
"Masaya ko na makilala kayo, my name is Quinn, twenty two years old."
*****
Matapos ang nakakatuwang tagpong iyon sa labas ng bahay ay napilitan si Quinn na umakyat dahil pilit pinauwi ni Kai ang mga kaibigan niya, he keep on insisting na may gagawin pa siya kahit wala naman talaga. He's friend keep on shouting na huwag na muna siyang umuwi, bagay na hindi niya maintindihan saan nanggagaling dahil hindi pa naman talaga siya uuwi.
She contacted Emy and asked him bakit biglang nanahimik si Kai at ano itong kanina niya pa paulit-ulit na sinasabi na mag-ingat siya pag-uwi.
A few minutes after, Emy calls her at mababakas sa boses nito sa kabilang linya ang tuwa sa mga sinabi niya. She then tell her why Kai didn't bother to tease him mula kaninang umaga. Sinabi niya pala rito na na napagdesisyon niya ng umalis at hintayin na lang ng binata na magpahatid siya. Quinn burst out a laugh kaya pala ang tahimik nito ay dahil pinagalitan siya ni Emy kagabi at sinisisi ito sa desisyon niyang biglaang pag-alis.
Matapos malaman ang mga iyon ay nakaisip siya ng paraan para sulitin ang pagiging mabait sa kanya ng binata, ito rin ang payo ni Emy dahil sigurado siyang hindi niya na kayang magsinungaling pa sa binata kung sakaling magtanong pa ulit ito.
"Um. Pwede mo ba kong ihatid?” aniya sa binata ng maabutan ito sa sala.
“I talked to Emy already, she left her car para may maipanghatid ka daw sa'kin, if that's okay for you." malumanay niyang pakiusap. Sana lang ay effective ang drama niya.
Inangat nang binata ang mukha at napagmasdan niya ang pagkabigla ng makita ang suot nito. She's wearing a sleeveless chiffon tank top in white with floral pattern in pink, a fitted jeans sa ibaba. It was the same dress na ipinakita niya kay Emy bago sila magsimba nung linggo, pigil na pigil siya sa pagtawa sa parehong reaksyon nito at ni Emy.
"Hindi ka aalis kung yan lang ang isusuot mo." Seryosong saad nito ngunit Hindi makatingin ng deretso sa kanya.
"I'll put my blazer later, are we good now?" pinakita niya ang blazer na nakasukbit sa braso niya.
"Tsk. Ikaw bahala." tila napilitang sagot nito, "Where's your baggage?" tanong pa ng binata at sandali siyang napaisip kung ano ang isasagot.
"Ummm… it's in my room." patuloy niya.
"Okay. Just wait in the car. Here's the key." may kinuha ito sa bulsa at iniabot sa kanya ang isang susi at paakyat na ng hagdan ng pigilan niya. Hindi nito maaring makita ang kwarto dahil malalaman niya na hindi pa nakaayos ang mga gamit niya.
"Wait! wait! I'm not leaving yet!" pigil niya rito. Huminga pa muna siya ng malalim, hindi talaga siya sanay magsinungaling.
Hawak-hawak niya sa braso ang binata. Lumingon ito sa kanya with a confuse look on his face. Natigilan sila pareho dahil halos magkadikit na ang mga katawan nila. Ngayon niya lang ito napagmasdan ng malapitan bigla na lang bumilis ang t***k ng puso niya at tila naghahabol siya mg paghinga.
Bumaba ang tingin ni Kai at ngumisi ito na tila may nakitang isang magandang tanawin.
Agad itinulak ni Quinn ang binata at inalis ang pagkakahwak sa braso nito. Lumayo ng ilang hakbang sa lalaki at niyakap ang sarili.
p*****t! sigaw ng isip niya. Naiinis siya sa ginawa nito pero hindi niya iyon kailangan ipakita dahil lalo lang itong matutuwa. Pilit niyang pinigilan ang galit na nararamdaman.
"Akala ko ba aalis kana?" nakangisi pa rin ito at tila tuwang-tuwa sa nangyari.
"No. Not yet. . . I want to see Emy and baby Aria first then I'll leave for tomorrow. I'm just going to buy some clothes that are why I'm asking you. Ayaw kasi na mag-isa akong umalis…” taranta niyang paliwanag.
Nawala ang ngisi sa mukha ng binata, "Fine, let's go." saad niya pagbaba ng hagdan.
"Wait! Aren’t you going to change clothes?" aniya, nakasando at shorts lang kasi ito.
"Ipagdadrive lang naman kita di’ba?" balik nitong tanong.
"But..."
Kai smirk again, "Okay wait." tipid nitong sagot at bigla na lang hinubad ang sando na suot, 'di alintana na may babaeng nasa harapan niya.
Napatulala si Quinn habang pinagmasdan ang binatang naglakad sa harapan niya na walang pang-itaas. Umupo ito at binuksan ang isang maliit na cabinet. Napalunok pa ito habang ang binata ay nakatalikod at tila naghahanap ng maisusuot.
"Wait. I'll just get my purse..." dahilan niya na lang at pilit pinipigilan ang anu mang gustong isipin ng utak niya.
*****
"How's your date with Kai?" natatawang tanong ni Emy habang nasa sala sila ni Quinn. She texted her na natuloy ang pag-alis nila kaya gusto niyang makibalita kung ano ang nangyari sa dalawa.
"No Emz! It's not a date! And that would never happen. All he does is says okay and nod." Quinn's face look pissed.
"That's more like Kai." Emy genuinely smiles at Quinn, "He prefers to be on a basketball court all day than to go in a place like that. Just like any other guy." patuloy ni Emy at nagkibit-balikat ito.
Quinn quickly realize what Emy says, if it weren't for Emy's order ay malamang hindi siya nito sasamahan sa loob ng mall.
Sumaglit lang sila sa department store para bumili ng ilang damit, she even asks Kai na kumuha kung may magustuhan ito pero nanatili lang itong nakasunod sa kanya akala niya nga ay pati sa fitting room ay susunod ito. Mabuti na lang ay hindi.
Bago umuwi ay dumaan siya sa isang donut's store para may maipasalubong kay Emy, they both like donut's. Hindi na siya sinamahan ni Kai, his face looks annoyed pagpasok pa lang ng dept. store kaya hinayaan niya na ito ng magpaalam na sa kotse na lang maghihintay. Pero siguro ay sinadya na rin ito ng pagkakataon dahil habang naglalakad siya papuntang parking ay may tumawag sa pangalan niya, when she turns back, she instantly realized who it was. She's about to contact him ng mabalitaan niya na narito din ito sa Pinas pero hindi niya na kailangan gawin pa iyon.