Day 1

1872 Words
    "Quinn?" tawag ni Emy at makailang ulit na kinatok ang pinto ng kwarto ng dalaga.     Ilang sandali naman ay bumukas ito, mukhang kagigising lang nito, nakapantulog pa rin.     Marahang ngumiti si Emy. "Kamusta naman ang unang pagtulog mo sa bahay? Pasensya kana medyo maliit yung kwarto ah." saad pa ni Emy.       "Hi Emz! It was a good sleep, ngayon na lang ito ulit." nagbalik ito ng ngiti. Quinn slept well, maliit nga lang ang kwarto na may isang kama at may maliit na cabinet sa gilid. May napansin siyang kakaiba rito pero hindi niya na lang muna binanggit kay Emy. Matapos ibaba ni Kai ang gamit niya kagabi at isara ang pinto ay nagpalit lang ito ng pantulog at pabagsak na nahiga sa kama.       Though she's used to waking up early inoff niya lang ang alarm kanina after realizing na wala siyang plano para ngayong araw unlike before na kailangan niyang mag-ayos agad para marami siyang mapuntahan at malibot na mga lugar.       "Mabuti naman kung ganun, breakfast is ready sa baba, sunod ka na lang kapag okay kana ah?" pag-aya ni Emy, tumango lang ang dalaga bilang pagtugon.           Sa pagbaba niya ay naabutan niya ang isang bibong chikiting na naglalaro ng lutu-lutuang mga laruan.       Hindi niya muna ito nilapitan at matamang pinagmasdan lang habang naglalaro, sumilay ang ngiti sa labi niya marahil siya na yung baby girl ni Emy, isa lang ang pinagtataka niya may suot-suot itong salamin.       "Aria, let's eat na maya na maglaro ah." tinig ng isang lalaki na papalapit sa cute na baby girl. It was that guy named Kai.       Nagtagpo ang mga mata nila, "Gising kana pala, breakfast is ready. Andun sa sala si Ate." saad ng binata. Pero ni pagtango ay hindi sumagot si Quinn.       "Kuya! Kuya!  May angel..." hila-hila ng batang babae ang dulong tela ng damit ni Kai. She's curious about the beautiful girl na nakatayo sa harapan niya at ngayon niya lang nakita.               "Ahh... Kaibigan siya ni Mommy mo, nagpunta siya dito para bisitahin ka. Marami siyang gift sa'yo. Sobrang dami." Inaction pa ni Kai ang kamay na parang bumilog ng malaki, napangisi ito nang makita ang pagkunot noo ng dalaga sa ginawa niya.       "Talaga?" tanong ni Aria na ngayon ay abot tainga ang ngiti, pagtango ang sinagot ni Kai, nahihiya namang lumapit ang batang babae sa kanya, patuloy lang nitong hinihila ang damit ni Kai.       Nang mapansin ito ay siya na ang kusang lumapit, lumuhod pa siya para magpantay sila nito,       "Hi baby girl! I'm Ate Quinn. You’re so cute!" gusto niya sanang kunin ito pero tila nahihiya pa ito sa kanya.   *****       "Um, Emz is the supermarket near here?" singit na tanong ni Quinn habang nagliligpit na sila ng mga pinagkainan.       "Oh. May papabili ka ba? Tell me I'll buy it for you later." sagot ni Emy, iniisip niya kung hindi ba nito nagustuhan ang naging agahan nila.       "Ate labas lang ako, tawagin mo lang ako pag may kailangan gawin ah." paalam ni Kai at dere-deretsong lumabas na ng bahay, hindi na hinintay ang sasabihin ni Emy.       "Ano yung papabili mo Quinn?" pag-uulit nito.       "Um it's not for me, but for your baby Aria." nag-aalangan na sagot ni Quinn.     Napadilat naman ang mata ni Emy sa narinig, "For my baby?"       "Yeah, apparently that Kai tells Aria I have lots of gifts for her. I don't have one right now, that's why I tell Aria I'll just give it to her later."       Hindi alam ni Emy ang tagpong iyon sa sala akala niya ay pinakilala lang ni Kai ang dalaga sa anak niya. Akala niya nga ay ayos na ang dalawa dahil sabay silang nagpunta ng kusina habang bitbit ni Kai ang baby niya. Kaya pala mabilis itong nagpaalam na lalabas ng magtanong si Quinn ay dahil may ginawa na naman itong kalokohan.           "Maybe chocolates, treats and clothes will do." Dagdag pa ni Quinn.       Sandaling nag-isip si Emy kung ano ang gagawin, gusto niya sanang samahan si Quinn pero may nakaschedule silang check-up kay baby Aria ngayong araw. Si Kai, agad niya itong tinawagan at kinausap.       "Don't bother him Emz, I'll just ride a taxi to be safe." suhestyon niya ng sabihin ni Emy na si Kai na lang ang sasama sa kanya para mamili at dalhin na lang nito ang kotse niya. Ayaw niyang makasama ito! Pakiramdam niya ay gulo lang ang dulot nito just like any other guys.       "Hindi ako papayag na wala kang kasama Quinn at isa pa, you can't see any taxicabs here, they're afraid to enter here." paliwanag ni Emy.       May pagtataka sa mukha ni Quinn ng marinig iyon, wala naman siyang nakitang kakaiba sa lugar na 'to habang pauwi sila kagabi. Tahimik ang lugar, ilaw ng iilang mga kotse at public jeepneys lang na bumabyahe pa ng madaling araw ang napansin niya. This place seems peaceful sa isip-isip niya.       "One more thing Quinn, I ask Kai to check and guard you throughout your stay here. May pasok na kasi ako sa monday, at hindi kita pwedeng maiwan mag-isa dito." patuloy ni Emy.       Gustuhin man niyang magreklamo ay wala na siyang nagawa nang lumabas na si Emy para hanapin si Kai. She looks seriously concern too sa hindi nito pagpayag ng sabihin niyang siya na lang ang lalabas. Naiwan siyang mag-isa sa sala habang iniisip ang mga sinabi ni Emy.     Kagabi pa lang ay sinusubukan niya ng hindi na lang pansinin ang lalaki, naiinis siya rito yun ang tangi niyang nararamdaman mula ng magkita sila. Hindi niya ito kinausap ng dalhin nito ang gamit sa kwarto niya, kaninang umaga ay wala rin siyang balak kausapin ito, it was baby Aria na gusto niyang lapitan at kamustahin pero sumabat ito at ngayon siya pang makakasama sa mga susunod na araw. Naiinis siya, she's just hoping na bago dumating ang araw na iyon ay mapagpasiyahan niya na ulit na ituloy ang pangarap niya.       "Saan ang punta natin?" tanong ni Kai, nang magsimula itong paandarin ang kotse.       "Any supermarket, I'll buy lots of treats and gifts for baby Aria just like what you told her earlier." seryosong sagot nito at binalik ang tingin sa phone.       Hindi sumagot ang binata pero nakita niya ang pagngisi sa mukha nito, sa backseat siya umupo ayaw niyang makatabi ito sa harapan.           Naging tahimik ang buong biyahe, binuksan ni Kai ang FM radio ng kotse at sumabay sa musika na tumutugtog, mahina man ay dinig ni Quinn ang boses nito, she'll be honest this time, marunong ito kumanta.       After a few minutes ay mabilis rin silang nakarating sa isang maliit na mall na pinagdalhan sa kanya ng binata. Naghanap lang ito ng parking bago sila bumaba ng kotse.       "Just wait for me here, ako na lang ang bibili para hindi na kita maistorbo." nagsimula na siyang maglakad palayo at 'di na hinintay ang sagot nito.       Narinig niya na lang ang tunog sa paglock ng kotse kaya nilingon niya ito, at nakitang kamot ulo itong nakasunod sa kanya.       "Ate reminded me to escort you always, ayoko sanang maging tagabuhat, pero mas ayokong magalit si Ate Emy mamaya pag nalaman niyang hinayaan kita mag-isa." sambit ni Kai.       "Don't worry, I will not tell her. Huwag mo na kong sundan." pagpipilit ni Quinn.       Tss. Ang sungit naman nito, sa picture naman mukhang mabait.       Nagpatuloy sa paglalakad si Quinn, alam niyang nakasunod si Kai, but as long as hindi ito magsasalita o mangungulit ay wala silang magiging problema. Maliit lang ang mall kaya mabilis niya ring nahanap ang supermarket.       Nagsimula siyang mag tingin-tingin ng mga bibilhin, ayaw niya sanang magtanong pero itong lalaking kasama niya lang ang nakakaalam ng mga paborito ni baby Aria.     "What's baby Aria's favorite?" tanong niya sa lalaking nakabuntot sa kanya.       "Tsokolate, Chocolates at tsokolate pa ulit." nakangiting sagot nito.     Sinamaan niya ng tingin ito, duda siya sa sinabi nito,"How about fruits?"       "Anything, pero paborito niya ang apple." casual nitong sagot at ngumisi ng nakakaloko.     She’s feeling something weird. Dapat pala ay tinanong niya na lang si Emy kanina at dapat sana ay hindi na siya nagtanong dahil mukhang pinagloloko lang siya nitong lalaking 'to.           "Teka lang, teka lang ang dami na nito kukuha lang ako ng cart." pagmamaktol ni Kai nang sige ang abot sa kanya ni Quinn ng kung anu-ano at hindi niya na ito mahawakan pa. Ngumisi siya nang ibaba ng binata sa isang shelf ang mga pinamili at kumaripas ng takbo, sandali pa ay bumalik ito hila-hila ang isang malaking shopping cart.       "Maliit lang yung ref sa bahay, don't buy too much, yari ako kay Ate nito." paalala pa nito na ikinangiti ng palihim ni Quinn.       "I'll stay there for a month so we need lots of foods and besides..." hindi na nito tinuloy ang sasabihin at nagsimulang maghanap ulit.       Natapos sila sa pamimili, ang dapat ay treats and chocolates lang para kay baby Aria ay naging one month supply of foods. Walang nagawa si Kai kundi pagmasdan habang isa-isang iniiscan ng cashier ang mga pinamili nila.       10 bags of groceries.       "Yari ako nito kay ate." paulit pa ni Kai, tulak-tulak ang cart na laman ay mga pinamili nila. Dumeretso na sila sa parking lot para maisakay ang mga ito. Nang akala ni Kai na uuwi na sila at paupo na siya sa driver's seat ay nakita niya na lang si Quinn na naglakad pabalik ulit ng mall. Agad siyang bumaba at nilock ulit ang kotse.       Tss. Saan na naman punta kaya nito? Pinagtitripan ata ko nito.       "Hey, wait! Saan ka na naman pupunta?" tanong niya ng mahabol ito.       Masuyo itong nakangiti paglingon sa kanya, bagay na hindi niya inaasahan.       "I saw a baby clothes shop near the entrance, I'll just take a peek if there are clothes fit for Aria." saad ng dalaga at nagpatuloy sa paglalakad.       Naiwang nakatulala si Kai, Himala! Maayos ang pagkakasabi nito at walang halong sarcasm ang tono nito.       Pwede naman pala maging mabait.       "Hi Mam! Sir! Pasok po kayo! Marami po kayong pagpipilian dito, ilang taon na po ang baby ninyo?" casual na tanong ng tindera na ikinagulat ni Quinn kaya hindi ito nakasagot kaagad.       "Ah hindi, ninong at ninang lang kami, dalawang taon na si baby." sagot ni Kai sa tindera at kita niya ang pagkunot sa noo ni Quinn.       "What's ni-nong at ni-nang?"       "Nakalimutan ko na eh, miss ano nga english nun? Englisera kasi 'tong kasama ko."       "Naku Sir, hindi ko alam kayo na po bahala magpaliwanag kay Mam." tarantang sagot ng tindera, Kai wanting na makabawi sa pagpapahirap sa kanya kanina sa supermarket ay may naisip para asarin si Quinn.       "In english, it's the other term for boyfriend and girlfriend." proud na paliwanag nito at masuyong tumingin kay Quinn.       Sasagot pa sana ang tindera pero kininditan na niya agad ito.       "What? No! No! Where not together!" nagngingitngit ito at ang tatalim ng tingin nito sa kanya. "It's for my friend's baby. I just wanted to gift her new clothes." sa binate lang ito nakatingin na hindi na sumagot.       Tahimik na lumabas ng store si Kai, pigil na pigil sa pagtawa, nagsimula na kasing magenglish ng mag-english si Quinn at kanina pa siya naubusan ng baong english. Hinayaan niya na lang ang mga tindera na kumausap sa kanya, naaawa siya sa isang babaeng tindera, dumudugo na ang ilong nito kausap ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD