"Filwar, your English improved a lot. Very good. Your teachers and classmates will be impressed, I am sure." Niyakap ni Jemaikha ang sampung taong batang halos isang taon din niyang tinuruan. Nasa pool area sila at nagsu-swimming. Iyon ang huling araw niya bilang English and Filipino tutor nito. Isang negosyanteng Jordanian ang ama nito at isang Filipina na maybahay ang ina. Una niyang nakita si Filwar nang umiiyak ito kasama ang yaya sa isang mall. Katatapos lang niya noon na mag-apply sa isang English tutorial company para sa mga Koreano at Hapon pero wala pa ring sagot ang mga ito. Nang tanungin niya ay nalaman niyang Arabic lang at Cebuano ang alam nitong sabihin dahil taga-Cebu ang ina nito na di ito naturuan mag-Tagalog. Dahil doon ay tinukso at na-bully ito sa paaralan. Ayaw na ri

