“PAANO iyan, botong-boto na sa iyo ang pamilya ko,” sabi ni Gino kay Miles nang ihahatid na siya nito pauwi. “Kaninang paalis si Daddy, tinatanong na niya kung may plano na tayong magpakasal. Gusto daw kasi nilang ma-enjoy nila ang apo nila dahil magti-thirty na si mommy nang magkaanak.” Natigil siya sa paglalakad sa patio at nilingon ito. “Oy! Huwag mo nga akong ma-pressure diyan. Ni hindi pa nga kita boyfriend. At ngayon mo lang din nalaman na di pa pala panliligaw ang pagpapa-cute mo sa akin so sorry ka.” “Paano ba naman tayo magkakaayos? Ayaw mo ngang makipag-date.” Nagpatuloy siya sa paglalakad. “Sige. Payag na akong makipag-date sa iyo.” “Talaga?” Na-excite ito. “Sabihin mo kung saan, kailan at ano ang gusto mong date. Paghahandaan ko iyan.” “Gusto kong manood ng All My Life. I

