“Lola, nagpaganda pa si Miles para sa inyo. Sabi ko nga pwede ko na siyang dalhin dito kahit di pa siya nagsusuklay at kagigising lang niya,” sabi ni GIno. “Gino, walang matinong babae na haharap sa amin nang ganoon,” sabi ni Priscilla. “Siyempre gusto namin maganda kami kapag humarap kahit kanino.” “Mommy, maganda pa rin si Miles kahit na kagigising lang,” katwiran ni Gino. “Sabi mo kasi maganda lang siya,” sabi ni Dorina. “Mas maganda pa nga siya sa akin. Sabi mo ako ang pinakamagandang babae para sa iyo.” Muntik na siyang matawa nang mahimigan ang pagtatampo ni Dorina. Mukha kasing nagbibiro lang ito. Pero wala namang kangiti-ngiti. Seryoso nga yata. Saka ganoon ba ako kaganda? Hindi naman masyado, ah! Niyakap ni Gino si Dorina at kinindatan siya. “Magkaiba kayo ng ganda ni Miles.

