Chapter 6

1334 Words
HUGO’S POV MALAYANG pinagmasdan ko ang walang malay na babaeng nakahiga ngayon dito sa cabin ng private yatch ko. Nakapanty at bra pa rin ito ng mga oras na yon kaya nabuyangyang ang halos hubad nitong katawan. And yeah, she looks so damn hot right now! Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapalunok at pagpawisan. Sa totoo lang, kanina pa ako nag-iinit. Kung hindi lang ako nagpipigil, baka kanina ko pa siya ginalaw kahit wala itong malay. Unang kita ko pa lang sa kanya kanina, nasasabik na ako sa kanya. Nagwawala ang alaga ko at hindi makapaghintay na maangkin siya. Sino nga ba naman kasi ang hindi maakit dito? Mayamaya'y napadako ang tingin ko sa maganda nitong mukha. Ebony black hair. Rosy cheeks. Pouting lips. Bukod sa magandang hubog ng katawan, hindi rin maikakailang sobrang ganda din ng babae. Kaya masuwerte talaga ako na ako ang nakabili sa kanya. Napailing ako. Ewan ko ba? Pero I really had this feeling na talagang nakita ko na siya dati pa. Hindi mawala-wala ang pakiramdam na yon nung masilayan ko ang mukha niya. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita. Kapag ganitong hina-hinala. Hindi pa ako pumapalya. Madalas totoo ang hinala ko. Kaya kailangan kong kumpirmahin yon kundi hindi ako matatahimik. Maingat kung inilabas ang cellphone ko sa bulsa nang suot kung itim na slacks. Binuksan ko ang camera nun at kinuhanan ko siya nang ilang shots saka sinend sa email ni Nick. Mabilis kong idinial ang number niya. Minsan kasi busy ito kaya walang time mag-open ng email niya. Kailangan pang i-chat or tawagin ito para ipaalala o sabihin sa kanya. "Yes, Boss?"anito sa kabilang linya. "Hello, Nick?" "Napatawag ka, Boss? Namiss mo ba ako?" biro nito. "Ulol!" natatawa kong sabi. Narinig ko ang paghagalpak nito nang tawa sa kabilang linya. Ugali talaga nito ang magbiro. Yon talaga ang personality nito kaya nasanay na ako sa kanya. "Pacheck ng email mo mamaya. May sinend ako doon." Tauhan ko si Nick. Nagtatrabaho ito sa NBI at isa itong magaling na hacker. Malaking tulong siya sa organisasyon. "Okay, boss." "Alamin mo kung anong buong pagkatao niya. Send mo agad yong info sa email ko kapag okay na,"utos ko sa kanya. "Sige, Boss. Mabilis lang naman gawin ang iniuutos mo. Baka wala pang isang oras tapos ko na." "Okay salamat. Hintayin ko na lang," sabi ko bago pinatay ang tawag. Muling napadako ang tingin ko sa dalagang wala pa ring malay. Bukod sa pagpapaligaya sa akin, iniisip ko pa kung ano magiging silbi niya. Pag-aari ko na siya ngayon kaya magagawa ko kung anong gusto ko sa kanya. Pabalik kami nang Isla Martina ngayon. Liblib na isla yon at doon nakatayo ang Casa Martina na nagsisilbing hideout namin. Naiwan muna si Diego sa siyudad at siya munang nag-asikaso sa mga Mafia Dons na paalis na din mayamaya. Wala pa naman akong masyadong trabaho ngayon sa kompanya kaya magliliwaliw muna ako pansamantala. Isa pa namimiss ko na ding mangaso nang mga ligaw na hayop sa magubat na parte nang isla. Yon ang kadalasang libangan ko kapag naroon ako. Pati ang mga tauhan ko ay yon din ang ginagawa kapag wala silang trabaho. Nakakaaliw din kasi. Ilang araw muna siguro akong mananatili doon bago bumalik sa siyudad. Hindi ko naman kailangan mamoblema sa kompanya habang wala ako dahil andun naman ang kapatid kong si Noah. Hindi naman nun pababayaan ang kompanya. Ito ang tumatayong pansamantalang CEO kapag wala ako. Matalino ito at talagang maaasahan kaya kahit isang buwan pa akong mawala ay hindi problema. Mayamaya'y ipinasya ko munang lumabas at makipagkuwentuhan sa mga tauhan kong nagkakasiyahan at nag-iinuman sa labas. Wala akong balak uminom. Magpapahangin lang ako doon dahil pakiramdam ko kanina pa ako sinisilaban dahil sa matinding pagnanasa sa babaeng ito. Wala pa namang siyang malay. Balikan ko na lang siya mamaya kapag gising na at gawin ang gusto ko sa kanya. HINDI rin ako gaanong nagtagal sa labas. Ipinasya kong bumalik din agad sa loob ng cabin pagkatapos ng mahigit kalahating oras. Nagdala na lang na din ako nang pagkain para may makain ang babae. Baka nagugutom na din kasi ito. Kailangan niya nang lakas mamaya dahil hindi ko siya pagpapahingain. Pagpasok ko akala ko maabutan ko na siyang gising pero hindi pa pala. Medyo nadismaya tuloy ako. Naupo ako sa sofang naroon. Inabala ko na lang ang sarili ko sa hawak na cellphone habang hinihintay itong magising. Agad kong chineck ang email ko nang makitang naroon na ang hinihintay ko galing kay Nick. In-open ko agad yon at tiningnan ang nakalagay na impormasyon sa babae. Pero hindi ko inaasahan ang makikita at mababasa doon. Napatayo ako bigla. Halos manginig ang mga kalamnan ko habang tinitingnan at binabasa isa-isa ang bawat detalyeng nakalagay doon. Pabagsak kong ibinaba ang cellphone ko sa mesa at humakbang papalapit sa kama. Nagtitiim ang mga bagang habang tinutunghayan ang babaeng wala pa ring malay. Mapait akong ngumiti. Tama ang hinala ko. Kilala ko nga siya. Kilalang-kilala. Ang liit talaga nang mundo. Sinong mag-aakalang ang anak ng pumatay sa mga magulang ko ay narito ngayon sa harap ko? Tang-ina! Kaya pala iba ang pakiramdam ko sa kanya! Unti-unting bumangon ang galit sa puso ko habang pinagmamasdan siya. Ang matinding pagnanasa na nararamdaman ko sa kanya kanina ay napalitan ng puot. Parang hindi na maatim ng sikmura ko na angkinin pa ito. Hindi ko kaya. Marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko. Iba din talaga magbiro ang tadhana. Akalain mo yon muli kaming pinagtagpo at sa kakaibang sitwasyon pa. Ibenenta siya sa Auction. At ako namang si tanga na walang kaalam-alam sa pagkatao niya, binili naman siya sa napakalaking halaga. Anyway okay na din ito. Nagpapasalamat pa nga ako dahil talagang pinapaboran ako nang panahon. Matagal ko nang gustong gumanti sa pamilya niya. This time mangyayari na yon sa pamamagitan niya. Wala siyang magagawa dahil hawak ko ang buhay niya. Kung anong gusto kong gawin sa kanya, magagawa ko. Kahit patayin ko pa siya ngayon, walang problema. Madali lang yong gawin. Pero ayaw ko.Gusto ko magdusa siya at makita siyang nahihirapan. Yong halos lumuha na siya nang dugo para masaya. Parang gusto ko siyang lapitan ng mga sandaling yon at pilipitin ang leeg niya pero nagpipigil lang ako. Hanggang ngayon namumuhi pa rin ako sa buong pamilya nito. Kailanman hinding-hindi ko makakalimutan ang kasalanan ng ina niya sa amin. Mariin akong napailing. Kung hindi pa dahil kay Nick hindi ko malalamang si Ellie Morales ang babaeng ito. Buti na lang talaga naisipan ko siyang paimbestigahan. Hindi ko rin kasi talaga siya nakilala. Ang laki na din kasi ng ipinagbago nito. Malayong-malayo na sa matabang dalaga na nagmamantika ang mukha. Makita ko pa lang dati ang mukha nito naiirita na ako. Hindi sa panlalait pero hindi ako magkakagusto sa ganung pagmumukha. Nunca! Isa na pala itong sikat na international model ngayon. Malayo na din pala ang narating niya. Pero wala kong pakialam sa kanya. If I want to, kayang-kaya ko lang siyang pabagsakin sa kinatatayuan niya ngayon. I have all the power and money to do that. Kaya huwag niya akong susubukan. Mayamaya'y lumabas ako saglit at kumuha nang bote nang beer sa labas. Wala sana akong balak uminom pero mukhang kailangan ko yon ngayon. Kailangan kong kalmahin ang sarili ko at tanging ang alak lang ang makakatulong sa akin. Isinara ko ang pinto at sumandig sa likod nun. Agad kong tinungga ang laman ng bote nang beer. Gumuhit sa lalamunan ko ang mapait na lasa nang alak. Kalahati na lang ang natira sa bote. Napangisi ako nang makitang gumalaw na si Ellie. Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at iginala ang paningin sa paligid nito. Napabalikwas ito nang bangon ng magawi sa akin ang tingin nito. Kita sa mukha ang pagkabigla. Para itong nakakita nang multo habang nakatingin sa akin. "Ikaw?" nanlalaki ang mga matang bulalas nito. Madilim na mukha at nag-aapoy sa galit na mga mata ang isinalubong ko sa kanya. So natatandaan pa rin pala niya ako kahit sampung taon na ang lumipas?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD