Chapter 7

1979 Words
Chapter 7 3rd Person's POV; Kusang gumusot ang mukha ni Wise ng makapasok sila sa bus at makitang punuan 'yon. 'Girl ayu'n ulit yu'ng guy. ' 'Gwapo nga. ' Nang makarating sila sa pinakadulo hindi mapakali ang lalaki dahil dikitan at masakit talaga ang balakang niya. "Ayos ka lang? " tanong ni Sebastian, hindi makasagot si Wise kaya pinulupot niya ang braso sa bewang ni Wise na kinasinghap ng binata at kinabig papunta sa harapan niya at kinulong. "Better? " tanong ni Sebastian na nasa likuran niya. Dahil kay Sebastian hindi na siya nagagalaw. Sinusuportahan siya ng malapat na katawan ni Sebastian kaya hindi na din siya natutumba tuwing titigil ang bus. Lumambot ang expression ni Wise at tumango. 'Ay bakla. ' 'Gosh girl sayang. ' 'Kadiri hindi naman kagwapuhan yu'ng guy baka mayaman. ' Aalis si Wise ng ipulupot ng binata ang isang braso sa bewang ni Wise in public. "Sabihin mo lang ipahihinto ko itong bus at paalisin lahat ng pasahero. " bulong ni Sebastian. "Nagbibiro ka lang diba? " hindi makapaniwalang sambit ni Wise bago nilingon si Sebastian. Aalis ito ng hawakan ni Wise ang braso niya. "H-Hayaan mo na. " ani ni Wise na kinahinga ng binata ng magpapigil ang kasama. Ngunit hindi mapigilan ni Wise na mapangiti dahil gagawin talaga yu'n ng lalaki para sa kanya. "Tara na. " aya ni Sebastian sa lalaki na bumaba. "Mag wiwidraw muna tayo. " ani ni Sebastian matapos nila huminto sa isang banko malapit sa school. "Antayin na lang kita dito. " ani ni Wise bago umupo sa waiting area. Hindi umimik si Sebastian at pumasok na sa loob. Makalipas ang 45 minutes natawa ng mahina si Wise ng gusot ang mukhang lumapit sakanya ang binata. Halos hubaran siya ng mga babae sa loob kaya hindi maiwasan ng binata na mairita. Nang huminto ang binata sa harapan niya kinuha nito ang bag ni Wise at hinila palabas. "Anong nangyari? " "They keep harassing me. " "Hindi mo kasalanan na pinanganak kang gwapo. " "Then you think i'm handsome? " tanong ni Sebastian na sa isang iglap nawala ang black aura nito kani-kanina lang. "Ayoko na mang-aasar ka na naman. " ani ni Wise bago kinuha ang bag niya kay Sebastian. "Nasa bag mo na pala yung pera ikaw na bahala, lahat ng bayaran mo pati yung exam. 'Pag kulang pa sabihan mo na lang ako," ani ni Sebastian. "Hehe,salamat," alanganing sambit ni Wise. "Hindi ka pa ba papasok ng classroom? " tanong ni Wise ng tahakin din ni Sebastian ang daan niya papunta ng office. "Sabay na tayo, after mo magbayad. Punta ka sa itaas, kausapin ko lang si Kreos sandali," ani ni Sebastian na nagpabago ng timpla ni Wise. "Sige," maikling sagot ni Wise bago tinahak ang papunta sa kabilang hallway na kinatingin ni Sebastian. -- "Tangna ka kaya pala hindi na kita makontak," mura ni Kreos sa kaibigan. "Ikaw yu'ng nasa backseat ng kotse ni Kreos diba," tanong ni Sebastian matapos tumingin sa lalaking nasa likuran ni Kreos at nakasandal sa pintuan. "See Kreos? Nakita niya ako. " "Bakit ka kasi nagpakita? " Wise Visales's POV; Agad kong nakita si Sebastian ng makataas ako sa ikalawang palapag kung saan daw ang room ni Kreos. Kahit ng daming estudyante mabilis ko lang nakita si Sebastian dahil halos lahat ng estudyante nakatingin sakanila. "Sebastian," ani ko matapos lumapit sa pwesto nila at tumingin sa lalaking may pulang buhok na halos ka height lang ni Sebastian. Yung totoo same planet lang ba ang pinanggalingan nila o nu'ng past life nila mga anghel at greekgods sila. "Tss, " napatigil ako ng may magtakip ng mata ko at iikot paharap sakanya. "Possesive fucker. " "Una na kami. " paalam ni Sebastian na kinakamot ko sa pisngi ng bumalik na naman ito sa beast mode. "Galit ka ba? " "1 minute and 6 seconds kana nakatitig sa lalaking yu'n." "Ehh? " "Ngayon ko lang kasi siya nakita na kasama n'yo," sagot ko pero hindi siya umimik kaya hinawakan ko siya at hinila pabalik. "Oy may problema?" tanong ni Kreos ng huminto ulit kami sa harapan niya. Tumingin ako sa paligid at wala ng mga estudyante mukhang nasa ibaba na lahat since lunch ng break na. "Talagang hinila mo pa ako pabalik dito? Don't tell me makikipag meet and greet ka pa sa---. " Hinalikan ko si Sebastian sa mismong harapan nina Kreos at nu'ng lalaki. "Konti na lang iisipin kong nagseselos ka hehe." ani ko hanggang sa marealize ko ang ginawa ko at napahawak sa batok. "Whoa ano ng meron sa inyong dalawa? " tanong ni Kreos matapos mapasipol sa ginawa ko. "Bagay kayo mga bud, by the way I'm Hector Gustavo. " ani ni Mr. red guy at inabot ang kamay sa'kin. Aabutin ko yu'n ng hapitin ni Sebastian ang bewang ko palayo. "Ano ba Sebastian? " tanong ko habang nakasimangot at lingunin siya na gusot na naman ang mukha. "Pumasok kana nga sa loob Hector, nakakasira ka ng relationship," banat ni Kreos na kinapula ng pisngi ko. "Ayokong tumititig ka sa iba. " "Na gagwapuhan lang ako hindi yun bigdeal---. " "Hindi ba ako gwapo sa paningin mo? " putol ni Sebastian na kinahawak ko sa batok. 'Nonesense ang pagtatalo namin na ito. ' Paano ko ba ie-eexplain ayoko naman na sabihin ko na siya naman ang gusto ko. Hinalikan ko nga siya sa harapan nina Kreos pero hindi niya pa din nakuha ang gusto ko sabihin. "Bud easy ka lang, tumitig lang naman---. " Nanuyo ang lalamunan ko ng tingnan n'ya ng masama yung lalaki na agad tinago ni Kreos sa likuran niya na tatawa-tawa. 'Great, Just Great. ' 3rd Person's POV; "Sebastian teka! " habol ni Wise sa lalaki na agad umalis. "Katrabaho mo ba yu'n? " tanong ni Hector. " "Pano mo nalaman? " tanong ni Kreos na kinibit-balikat ng lalaki. "Yung aura at presensya niya iba, mukha din s'ya yu'ng tipo na hindi mo pwedeng maging kaibigan or kaaway. " "Kaya nga kaming dalawa ang nag kasundo. " ani ni Kreos bago umikot at humakbang papasok ng classroom kasunod ang binata. "Pero yung lalaking kasama niya---. " "He was easily break and ruined kaya ganu'n na lang ang pagprotekta sakanya ng gagong yu'n. " "Someone jealous here." "Sakit. " "Tangna ka hindi yun ang pinopoint ko dito. " "Hindi yun maganda lalo na sa trabaho namin, alam mo yan kaya hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko kahit masaya ang kaibigan ko. " -- "Bakit parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa? " "Hindi ka pa ba nakakabayad? Sabi sayo may naitatabi pa ako pwede kita pahiram---. " "Hindi 'yon, bayad na ako, " sagot ni Wise habang nakapatong ang baba sa lamesa. "Nakahiram ka kay Frank? " tanong ni Kirby bago umupo paharap sa sandalan ng upuan na nasa harapan ni Wise. "Wag na natin siya pag usapan, " gusot ang mukhang sambit ni Wise bago pasimpleng tiningnan si Sebastian na nakatingin sa bintana. "Bud, may hindi ka ba sa'kin sinasabi? " tanong ni Kirby na kinatingin ni Wise. "S-Sinasabi katulad ng? " tanong ni Wise na kinagusot ng mukha ni Kirby matapos umiwas ng tingin. -- Nang araw na yu'n ginawa na ni Wise ang daily routine niya after school. Mamimigay ng flyer, papasok ng store at iwasan si Frank, sunod sa karaoke bar then uuwi. Nang makapasok siya sa elevator imbis sa 5th floor pinindot ni Wise ang botton papunta sa 6th floor at alanganing tinahak papunta sa unit ni Sebastian. Huminga muna ng malalim ang binata at kumatok. Nang walang sumagot parang bata na umupo si Wise sa gilid ng pinto at niyakap ang mga tuhod bago yumuko. "Galit ba s'ya sa akin? " bulong ni Wise habang inaalala ang mukha ni Sebastian. Maya-maya napaangat siya ng tingin ng may pares na sapatos ang huminto sa harapan niya at lumuhod para pantayan siya. "Malalim na ang gabi ano pang ginagawa mo dito? " tanong ni Sebastian na kinayuko bahagya ni Wise. "S-Sorry kasi s-sumama ang l-loob mo sa'kin. " "H-Hindi lang naman ikaw ang g-gwapo sa paningin ko kasi a-andiyan s-sina K-Kreos pero i-ikaw ang g-gusto ko at---. " Nabitin sa ere ang sasabihin ni Wise ng sapuin ni Sebastian ang pisngi ng binata at siilin siya ng halik. "Sapat ng marinig ko yan para mapatawad na kita," ani ni Sebastian na kinakurap ng mata ni Wise. "Pasok tayo sa loob, " 'aya ni Sebastian bago alalayan ang lalaki at buksan ang unit niya. "Nagalit ka ba talaga sa'kin kanina? " tanong ni Wise matapos buksan ni Sebastian ang ilaw at makapasok sila sa loob. "Akin ka lang Wise sapat na yu'ng dahilan para mainis ako sa sinabi mo. " Nakagat ng binata ang labi niya nang hindi alam ni Wise kung kikiligin siya o maiinis dahil inaangkin nito at the same time maguluhan dahil hindi naman nito sinasabi kung ano bang nararamdaman ni Sebastian para sa kanya. "Kain tayo nagluto ako kanina, " ani ni Sebastian bago pumunta ng kusina para ihanda ang pagkain nila. Habang si Wise naman ay pumunta sa kama at binaba niya ang bag na naglalaman ng sobra-sobrang pera. "Sebastian sobra yu'ng binigay mo sa akin na pera ilalagay ko na dito sa table mo. " Nang hindi sumagot si Sebastian binuksan ng binata ang drawer at nilagay du'n ang pera. Hanggang sa mahagip ng mata niya ang mga gamot na nasa puting lalagyan. "Sleeping pills," ani ng binata hanggang sa may kumuha nu'n at nilagay sa drawer. "Madalas ka ba nahihirapan matulog? " tanong ni Wise. "Natural lang yu'n lalo na 'pag pagod ako," ani ni Sebastian. "Kain na tayo," 'aya ni Sebastian bago tumalikod at naglakad papunta ng kusina. "Bakit pakiramdam ko ang layo mo pa din kahit magkaharap lang tayo," bulong ni Wise habang nakatingin sa likuran ni Sebastian. Wise Visales's POV; 'Bakit pakiramdam ko galit pa din s'ya sa akin?' Niyakap ko ang unan ko sa kama habang iniisip ang mukha ni Sebastian at nu'ng hinatid niya ako papunta dito. Sinubsob ko ang mukha ko sa unan ng pumasok ang idea na baka abandonahin na niya ako kasi hindi niya ako gusto. Kaya lang niya ginawa yu'ng kagabi para hindi na ako maguilty at--- makuha n'ya ang gusto niya sa akin. Maya-maya napatigil ako ng mag kumatok sa pinto, kahit walang gana lumapit ako du'n at---. "Sino--- Sebastian. " parang nagskip ang paghinga ko ng yakapin n'ya ako ng mahigpit. "Dito muna ako matutulog. " Sinara ko ang pinto matapos mapaatras habang yakap ni Sebastian "D-Dapat hindi kana pumunta dito. Pinaalis mo pa ako sa unit mo, pupuntahan mo din pala ako. " ani ko bago tiningnan si Sebastian na ginagala ang paningin sa loob ng kwarto ko. "Ang linis ng kwarto mo, wala ka man lang furnitures. " ani ni Sebastian na kinangiwi ko. Wala na nga akong makain bibili pa ako ng nga furnitures. "So? Mr. Sebastian Griffin, anong ginagawa mo dito? " "Matutulog nga sabi ko, " ani ni Sebastian bago naglakad papuntang kama at dumapa. "Sebastian aware ka naman siguro na hindi kita nababasa diba? " tanong ko na kinatingin ni Sebastian sa akin bago ako naglakad palapit sa kama at umupo sa gilid. "Pwede ba sabihin ko sa'kin kung anong iniisip mo? O kung galit ka. " kalmadong dagdag ko "Hindi mo alam kung pano ko pinipigilan ang sarili ko tuwing magkasama tayo sa kwarto, I want you Wise pero pinipigilan ko dahil---. " "T-Tama na. " halos umakyat ang dugo ko sa mukha matapos ko takpan ang bibig ni Sebastian ng mag sink in sa'kin ang tinutukoy niya. "Fine, tulog na tayo." napasinghap ako ng hilahin niya ako pahiga at yakapin. "T-Teka Seb---. " Naputol ang sasabihin ko ng pagharap ko , sobrang lapit na ng mukha naming dalawa. Parang nag skip ng paghinga ko matapos magtama ang mata naming dalawa at titigan niya ako. "Matulog kana," bulong ni Sebastian na kinatigil ko ng bahagya siyang bumaba at sumiksik sa dibdib ko. "Goodnight, Wise. " Nakagat ko ang labi ko dahil baka maingayan siya sa ingay ng puso ko na para na naman tinatambol dahil kay Sebastian. Lalayo ako ng maramdaman ko ang mahinang paghinga ni Sebastian. 'Paano naman ako makakatulog nito? '
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD