Chapter 5

2017 Words
Chapter 5 3rd Person's POV; 'Ang gwapo nung guy. ' "Dapat siguro masanay na akong may mga taong laging sumusunod ng tingin sa'kin since napapadalas ang pagsasama namin ni Sebastian, " bulong ni Wise habang nakatingin kay Sebastian na tinitingnan yung fishball na nasa cup. "Malinis yan don't worry," ani ni Wise bago lumapit sa binata at bumili para sa sarili. "Tikman mo," ani ni Wise matapos ipakita kay Sebastian kung paano yu'n kainin. Wise Visales's POV; "Sebastian hindi ka ba hahanapin ni Kreos? " tanong ko matapos kami abutin ng gabi kagagala. As in pag may nadadaanan kaming lugar na interesante para sakanya. Hinihila ako pababa sa bus kahit inaaya ko siya pauwi lalo na kapag wala na kaming mapag-usapan o walang topic. "For the 6th time Visales hindi ako hahanapin nu'n." "Nag away ba kayo?" tanong ko. Hindi siya umimik na kinaiwas ko ng tingin. Kainis, hindi ko na siya talaga maintindihan minsan. "Kung ano man ang pinag-awaya---. " Napahinto ako sa paglalakad at parang nagskip ang paghinga ko ng siilin ako ng halik ni Sebastian. Malalim at mainit na halik hanggang sa mapasandal ako sa puno na nasa gilid ko lang kanina. Nang maghiwalay ang labi namin hindi ako makagalaw ng titigan niya ako sa mata na kinatigil nang 'pag function ng sistema ko. Dahil sa liwanag ng huwan na nasa likuran ko kitang-kita ko ng malinaw ang hugis ng buwan sa mga mata ni Sebastian. Napakurap ako ng ilang minuto bago wala sa sariling hinaplos ang kaliwang mata ni Sebastian. "Ang ganda ng mga mata mo, " ani ko na kinatigil niya ng ilang segundo. "What do you mean by that? " tanong niya bago humakbang paatras na kinagat ng labi ko. "Ikaw lang nagsabi nan since walang kulay ang mga mata ko." "C-Colorless ang mga mata mo, puro black. " ani ko na kinakahawak ko sa batok. Bakit ko pa kasi nasabi yun? Sa isip ko lang dapat yun. 'Naoffend ba siya? ' "Then pano mo nasabi na maganda? " tanong niya bago tumalikod at nakita kong inangat niya ang kamay para siguro hawakan ang mata niya. "Nakita ko kanina, sorry, " ani ko na kinatingin ni Sebastian. Sobrang clear ng kulay ng buwan sa mga mata niya. "Pure black ang color ng mata mo pero ang ganda niya tingnan pag nakatingin sa buwan. Para akong nakatingin sa salamin na nirereflect ang buwan," pag didescribe ko sa mga mata niya. "And you found it beautiful? " tanong niya na kinangiti ko. "Yes and… Interesting, " dagdag ko na kinataas ng gilid ng labi niya. "I found you interesting then. " "Ha? " ani ko na kinaatras ko ng isahing hakbang niya lang ang pagitan namin bago sapuin ang pisngi ko at halikan. "Aaaah!!! Peste ka Sebastian Griffin! " sigaw ko habang nagpagulong-gulong sa kama at---. "s**t! " mura ko ng mahulog ako sa kama. Gusto ko maiyak kasi hindi ako makatulog dahil kay Sebastian, bakit niya ba ako hinahalikan? Ganun ba siya sa lahat ng kaibigan niya? Nawala ang gusot sa mukha ko ng maalala ko ang mga mata ni Sebastian matapos ko sabihin na maganda ang mga mata niya, pakiramdam ko masaya siya. Wierd lang pero feeling ko yung awareness ko pag dating sa feelings ni Sebastian mas nag adjust at mas lalong hindi ko maresist. "Patulugin mo na ako pwede ba! " sigaw ko bago yakapin ang unan ko na nahulog at hindi na nag-abalang umakyat pa pabalik sa kama. 3rd Person's POV; 'Seriously?! Black! Apat na mission sa isang gabi. 'Yung totoo kung hindi ka na naman makatulog dahil sa mga panaginip mo willing ako pumunta diyan at suntukin ka sa mukha. ' reklamo ng binata na nasa kabilang linya. "Distraction ang kailangan ko hindi pasa, tangna ka." mura ni Black bago sumakay sa motor at paharurutin ito paalis sa lugar ng makarinig siya ng sirena ng pulis at tilian hindi malayo sa lugar na kinaroroonan. -- "Sebby! " Sigaw ni Kreos bago pumasok sa kwarto at daganan ang kaibigan na napaingit habang nakadapa sa kama. "Damn you! Umalis ka diyan! " asik ni Sebastian na kinatawa ng kaibigan. "Anong kailangan mo at pumunta ka pa dito?" paos na tanong ng binata bago tingnan ang kaibigan na parang bata na gumulong-gulong sa kama at pumulupot sa kumot. "Naboboring ako sa mansyon iniwan mo ako du'n." nakangusong sambit ng binata na kinasapo ni Sebastian sa noo. "Whatever pwede ka dito dumalaw anytime pero bawal ka magstay." asar na sambit ni Sebastian. "It's so unfair Griffin! Nu'ng wala pa ang cutie guy na yu'n. Ako lagi ang nasa tabi mo, lagi ka pang nasa mansyon tapos ngayon--- aray! " "Cut out that drama Ward nakakairita, magpadeliver ka ng makakain natin. " ani ni Sebastian bago dumapa ulit sa kama at pumikit. "May kinalaman ka ba sa pagkawala ng mga taong sumusunod kay cutie guy? " ani ni Kreos bago tumagilid at itungkod ang braso nito sa kama habang nakatingin kay Sebastian. "Papatayin mo ba ako pag sinabi kong may kinalaman ako? " casual na tanong ni Sebastian habang nakapikit. "No way! Ayoko ng ibang partner bukod sayo! " "f**k! Kreos! Bitawan mo ako tangna ka! " Tawa ng tawa si Kreos matapos siya sipain ni Sebastian at mahulog sa kabilang bahagi ng kama. -- "Hindi porket hindi kita pinipigilan hindi na ako nag-aalala Sebby. " panimula ni Kreos habang kumakain sila. "I know Kreos. " ani ni Sebastian bago walang imik na pinagpatuloy ang kinakain. "Sana lagi kang mag ingat, hangga't maaari ayoko ng makita ang Sebastian na nakilala ko 8 years ago. " ani ni Kreos bago tumayo dala ang plato na kinatigil ni Sebastian sa pagkain. "Sebby! Kaya nga pala ako pumunta dito iniinvite tayo ni Hannah sa birthday party niya, sama mo na si cutie guy ah. Baka kasi hindi ako makapunta kaya sa kanya na invitation ko. " sigaw ni Kreos mula sa loob ng kusina. "Sa tingin mo pupunta ako? " gusot ang mukhang sambit ni Sebastian na kinasilip ni Kreos. "Special guest ka du'n gago, iniexpect ka ng producer since pina-process na nila ang contract mo. " "Bakit ko ba kasi kailangan pa mag trabaho? Sapat na ang kinikita ko para mabuha---. " "Kailangan mo ng cover tangna ka, pano kung matyempuhan ka? " ani ni Kreos bago pinagpatuloy ang ginagawa sa kusina. "Need mo lang naman mag suot ng iba't ibang klase ng damit, mag pose at ngumiti that's it. Kapag hinalungkat ng mga pulis ang profile mo at makita nila ang bank account mo either kwesyunin ang family background and worst gamitin yun ng daddy mo. " "Bwisit. " may diin na sambit ni Sebastian. -- "Sigurado ka na dito ka lang? " tanong ni Kreos ng makalabas sila ng unit ni Sebastian. "Wala pa akong gaanong tulog Kreos. " "Kasalanan ko? Sino kaya yung wala man lang kondirasyon na bigla na lang kumuha ng--- Cutie guy! " Napatingin si Sebastian sa loob ng elevator ng pagbukas nu'n nakita niya si Wise na bahagyang nagulat ng makita sila at agad umiwas ng tingin. "Magtatrabaho kana? " tanong ni Kreos matapos nila pumasok ni Sebastian sa loob. "Y-Yeah. " alanganing sagot ni Wise. Habang nasa loob ng elevator pasimpleng tiningnan ni Wise ang reflection ni Kreos sa pintuan ng elevator at du'n mas nakaramdam siya ng panliliit. Hindi n'ya maiwasang maikumpara ang sarili kay Kreos lalo na ito ang tipong kahit babae o lalaki parehong maiinggit at manliliit pag ito ang katabi. Isama mo pa na ito ang taong karelasyon ng taong gusto niya. Nang tumunog ang elevator at bumukas dali-daling lumabas si Wise. "Halata siya masyado, I just wondering kung anong ginawa niya para makuha ang atensyon mo." nakapamulsahang tanong ni Kreos bago lumabas kasunod si Sebastian na nagsindi lang ng sigarilyo. "In that case, hindi ko alam." Nang maihatid ni Sebastian si Kreos sa parking lot, pumasok na sa loob si Kreos at binaba ang bintana ng driver seat matapos mahinang hampasin ni Sebastian ang hood ng kotse. "Alam kong hindi ka pupunta dito ng walang reason but thanks," ani Sebastian na kinataas ng gilid ng labi ni Kreos. "Kung ang pagprotekta lang sa lalaking yu'n ang paraan para makeep ko ang safety mo, no choice ako. " "Hindi ako ganun ka reckless katulad ng iniisip mo. " ani ni Sebastian na kinailing ng binata bago salubungin ang tingin ng lalaki. "Let me see, 4 times na kita niligtas dahil mas iniisip mo ang kapakanan ng lalaking yu'n kaysa sa sarili mo. Tinry mo na nga minsan sumalo ng bala diba? Para makeep mo ang identity mo at the same time to keep him safe," ani ni Kreos na kinatahimik ni Sebastian. "Una na ako," paalam ni Kreos bago sinara ang bintana ng kotse at umalis matapos lumayo ni Sebastian. "Sa expression niya hindi siya aware sa mga ginagagawa niya." "So? He's the guy ha? " "f**k! " mura ng binatang si Kreos matapos maipreno ang kotse ng wala sa oras ng may taong bumangon mula sa back seat. "What the heck are you doing here? Hector, " asar na sambit ni Kreos matapos makita ang lalaking may pulang buhok at kakaibang kulay ng mata. Agad lumipat ang binata sa passenger seat matapos magtama ang mata nilang dalawa ni Kreos. "I just want to hanging around then napadaan ako dito." "Bastard, sa tingin mo maniniwala ako," asik ni Kreos sa gwapong lalaki na hindi 'man lang siya inabalang tingnan. "Masama bang ma curious ako kung saan mo bibitbitin ang mga tauhan na hiningi mo sa akin. " "I'll keep them for myself, idiot at kung saan ko man sila gamitin wala kana du'n pakialam. " asar na sambit ni Kreos. "I just want to confirmed it by myself since hindi naman ikaw yung tao na easy to die and under to distress. Isa ka sa---. Naputol ang sasabihin ng binata nang hilahin ni Kreos ang necktie ng lalaki at siilin ng halik. "Sabihin mo lang na nagseselos ka at nagdodoubt sa loyalty ko para matapos na ang usapan," bored na sambit ni Kreos na kinaismid ng binata bago tinulak palayo ang lalaki at umismid. "Whatever, gusto ko ng umuwi. " "Kailan ka pa pala nakabalik? " tanong ni Kreos bago iniistart ulit ang kotse. "Last week. " "Then hindi mo man lang ako pinuntahan? " "Why would i? Sabi mo ayaw mo ako makita. " "Then nasa kotse kita. " "Nakatulog lang ako dito, since naamoy ko ang perfume mo dito. " "Sira na ang ulo mo, pumunta ka ba dito ng wala kang kabuntot na tauhan? " asar na tanong ni Kreos ng makitang walang sumusunod sa kanilang kotse katulad ng 'pag bitbit niya ang batang mafia boss. "I'm tired of that s**t Kreos, buong buhay ko na lang may kabuntot ako gusto ko naman ng bag---. " "Putangina mo pala eh, mafia boss ka forpetesake gusto mo na ba mamatay? " asar na sambit ng lalaki habang nakatingin sa side view mirror ng kotse. "Kapag may sumunod, sabihin mo lang baba na ako. " bored ng lalaki bago sumandal sa upuan ng kotse at tumingin sa labas. "f**k! " mura ni Hector ng muntikan na siyang mauntog sa dashboard ng huminto ang kotse. "Are you out of mind? " may diin na sambit ni Kreos matapos kwelyuhan ang lalaki na kinangiwi ng binata. "Relax Ward, sabi mo kasi last time ayaw mo ng may sumusunod-sunod sayo since madalas tayo nagkakasama at---. " "Pero wala akong sinabing umalis ka mag isa! Pano kung makilala ka at may mga taong---. " "Concerned ka ba sakin? " tanong niya na kinatigil ng binata. "Shut up bakit ako magiging concern sayo kayang-kaya mo ang sarili mo. " ani ng lalaki bago binitawan ang binata at naiinis na tumingin sa labas. "Wag mo na ulit ito gagawin Hector. " "I can't promise. " "Hector Gustavo ." mag diin na sambit ni Kreos habang nakatingin ng masama kay Kreos na napakamot sa ulo. "Gusto kitang makasama." bulong ng binata na kinatigil ni Kreos. "Hindi na ako magrereklamo sa susunod but---. " "No PDA specially sa harap ng mga tauhan mo. " "Talaga?! So? Pwede na ako pumunta sa bahay mo ulit anytime? " "Tangna ka pala kahit hindi ka imbitado namamasok ka tapos ngayon ka pa nagtanong ng ganyan. " "Gawain mo din kaya yu'n," depensa ng lalaki na kinapula ng tenga ni Kreos. "Bakit sa'kin napunta ang usapan? Ikaw ang madalas! 43x mo pinasok ang mansyon ko. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD