Chapter 9

1957 Words
Chapter 9 Mikael Callahan's POV; Hindi ako tanga at bobo para hindi mapansin ang pagbabago sa katawan ni Wise sa maikling panahon. Alam ko may ginagawa si Sebastian kay Wise para mahawakan ito sa leeg katulad ng ginawa n'ya kay West. Naiyukom ko ang kamao ko sa idea na nauulit na naman lahat. 'Kailan ka ba titigil sa kalokohan mong 'to Sebastian, hindi pa ba sapat na sinira mo ang buhay ni Wise. ' "Bakit ang tagal mo naman yata bumaba? " "Pasensya na nilinis ko pa kasi ang unit ko. " sagot ni Wise katabi si Kirby na nasa harapan ko. 'Gagawin ko lahat para maprotektahan ka katulad ng pinangako kay West. ' 3rd Person's POV; "Sebastian ayos ka lang ba? " "Ang mga daliri mo." "Seven hindi ka dapat pumunta dito, sigurado na papagalitan ka ni daddy pag nakita ka nila dito. " "Sebastian, nag aalala na ako sayo, kagabi narinig pa kitang tumutugtog sa music room. " "Wag mo akong alalahanin kaya ko ito. " "Pero Sebastian. " "Master Sebastian. " Sabay na napatingin ang dalawang batang lalaki at lumingon sa butler na lumapit sa kanila . "Oras na para sa history class n'yo master. " "Master Sebastian, may mga bisita ang inyong ama at gusto ka nila makita." Nag aalalang lumingon ang batang lalaki sa kakambal nito na sumunod sa butler. "Master Sebastian, umalis na po tayo naghihintay na si Lord Griffin sa main hall. " "Sebastian. " Napalingon ang binata sa pinto ng bumukas yu'n at niluwa nito si Kreos na nag aalalang nakatingin sa binata na ngayon ay nakasandal sa headboard ng kama. "Gusto mo uminom bud? " tanong ni Kreos bago humakbang palapit sa lalaki at umupo sa kama. "Wala ako sa mood uminom," walang ganang sagot ni Sebastian. "Then pag usapan natin kung anong problema mo ngayon? Kung si cutie guy na naman yan kahit naiirita ako, go on makikinig ako. " prangkang sagot ni Kreos na kinailing ng binata bago hinilig ang ulo sa headboard . "Ngayon ko lang narealize na ang lahat ng ginagawa kong ito, pagpatay ng maraming tao at pag sira sa organisasyon ni daddy useless lahat." "Hindi pa din nu'n maibabalik ang buhay ng kapatid ko. " "Wala na ang kakambal mo Sebastian kaya sa tingin ko dapat mag move forward kana, kung pagpapatuloy---. " hindi na naituloy ni Kreos ang sasabihin ng yumuko si Sebastian at makita ang pag yukom ng kamao nito. "Alam kong alam mo na imposible ang sinasabi mo Kreos. " "Yu'n na lang ang kaisa-isang bagay na pinanghahawakan ko para mabuhay pa. Si Seven na lang. " 3rd Person's POV; "May ari ng karaoke bar? " ani ng lalaki matapos makita ang folder na naglalaman ng detalye para sa susunod n'ya na mission. 'Marami ang galit sa taong yan at malakas ang kutob ko na may nakabangga yan na malaking tao kaya nagbayad ng halos sampung million para sa ulo ng owner ng karaoke bar. ' "Ako na bahala, " walang emosyong sambit ng lalaki bago humakbang palabas ng mansyon at takpan ang kalahati ng mukha. 'Meron ka lang 5 minutes para gawin ang mission since may palitan ang mga gwardya … Hangga't maari wag ka din gagawa ng ingay masyadong maliit ang space ng lugar hindi ka agad makakasibat. ' Matapos sumakay sa motor pinaharurot na yun ng binata paalis. -- "Gising Wise. " ani ni Wise habang tinatapik ang pisngi para magising at itutok ang sarili sa nirereview. "Kuya, pabook naman," ani ng grupuhan na pumasok sa karaoke sa bar. "Sige, sa room 24 ito yung susi," ani ni Wise matapos tumayo sa kinauupuan at ibigay yung susi sa grupuhan ng mga kabataan. "Salamat kuya, " ani ng babae bago siya kinindataan. Alanganing ngumiti lang si Wise at hinayaan na pumasok ang mga estudyante. Nang mawala na sa paningin niya ang grupuhan bumalik na sa pagkakaupo ang binata at bahagyang hinilot ang sintido ng pumitik na 'yon Kasalukuyang nasa counter ang binata ng dumating kapalitan nito. "Dude ano? Palit na tayo. " ani ng binata na kararating lang. "Magpalit ka muna ng uniform natin mapapagalitan ka ni boss. " ani ni Wise ng makitang hindi pa ito naka uniform. "Haist oo nga pala sige sandali lang punta lang ako sa locker room. " Matapos pumasok sa loob ng binata kinuha ni Wise ang phone n'ya at nakita n'ya ang message ni Sebastian na kinangiti ng binata. From: S-bian Uuwi kana ba? Kasalukuyang nagtatype si Wise ng sumulpot ulit yung lalaki at sumilip sa counter. "Bud umuwi kana may pasok ka pa bukas." "Sige, kukuhanin ko lang mga gamit ko," paalam ni Wise bago tumayo at magpalitan na sa pagbabantay ng naka- nightshift. "Nakalist na diyan lahat ng nagpareserve , ikaw na bahala," ani ni Wise. "Ako na bahala Wise," sagot ng lalaki habang tinitingnan 'yung log book. Dahil nasa locker ng staff ang mga gamit n'ya kinailangan ni Wise pumunta ng 2nd floor para kuhanin ang mga gamit at umuwi. "Kapagod," bulong ng lalaki habang hinihilot ang batok n'ya nang makarinig siya ng pagbagsak galing sa kwarto na dadaanan n'ya papunta ng locker room. "Sir? May problem---. " Parang nabato sa kinatatayuan si Wise ng makita niya ang matanda at kasama nitong mga babae na nakahandusay sa sahig at walang buhay. "I-Ikaw. " Bulong ni Wise na kinawala ng kulay ng binata matapos siya lingunin ng lalaki na nakamaskara habang may hawak na patalim at nababalutan ng dugo. Dahan-dahan napaatras ang binata ng magbukas sara ang ilaw at humakbang ang lalaki palapit sa kanya. "T-Tulong, " bulong ni Wise na nanginginig bago tumakbo at pumasok ng locker room. Mabilis na nilock ni Wise ang pinto at tumakbo sa pinakasulok ng locker room. Nanlalamig at nanghihina na napaupo du'n si Wise habang takip ang tenga. 'Wise run! ' 'K-Kuya! ' 'Tumakbo kana Wise! ' "Maawa ka," bulong ng binata ng makarinig siya ng malalakas na tunog at pag-bagsak. "Here you are. " Napaangat ng tingin ang lalaki at halos mawalan siya ng kulay matapos makita ang hitman. "Long time no see. " "A-Ayoko pa mamatay," napasiksik sa sulok ang binata ng tangkain s'yang hawakan ng lalaki. "Maswerte ka pa din, " ani ng lalaki bago tumayo ng makarinig s'ya ng sirena ng mga pulis at tumalon sa bintana. Napayakap sa sarili ang lalaki ng pumasok sa isip n'ya ang mukha ng owner ng karaoke bar at ng mga babaeng nasa loob. 'Wise. ' Napatakip ng tenga ang binata ng makarinig siya ng mga boses. "T-Tama na," nangingilid ang luhang sambit ni Wise at puno ng takot. "Sebastian! " sigaw ni Wise habang sunod-sunod na kumatok sa pintuan ng unit ni Sebastian. "Wise bak---. " naputol ang sasabihin ni Sebastian ng nanginginig na yumakap sa kanya ang lalaki at umiyak. "f**k! Wise! Anong nangyari sayo? " tarantang sambit ni Sebastian ng makakita ng dugo sa uniform ni Sebastian at makitang umiiyak si Wise. Matapos isara ang pinto hinarap nito si Wise na umiiyak at nakakapit sa kanya ng mahigpit. "Wise bakit ka ba umiiyak? " "W-Wala n-na yung owner ng karaoke bar S-Sebastian p-pinatay s'ya. " iyak ni Wise na kinalambot ng expression ni Sebastian. "Sino pumatay? Sinaktan ka ba n'ya---. " Umiling ang binata at na nahimik na lang habang pilit na pinapakalma ang sarili. "Wise tell me nakita ko ba yung mukha ng killer? Bakit hindi mo isumbong---. " "N-No. " "A-Ayokong p-pati kayo saktan n'ya. " Napabuga ng hangin si Sebastian bago niyakap si Wise ng mahigpit. "Ayokong nakikita kang umiiyak Wise. " bulong ni Sebastian na may hindi maintindihan na expression. -- Kasalukuyang nakaupo si Wise sa mga hita ni Sebastian at nakasubsob sa dibdib habang yakap ito ng mahigpit ng lalaki. Nakaramdam ng safety si Wise matapos s'ya ikulong ng mga lalaki sa braso at makaramdam ng antok. Tahimik lang si Sebastian habang hinahaplos ang buhok ng lalaki na ngayon ay natutulog na. "Sorry Wise, dahil wala ako nu'ng mga panahon na--- natatakot ka." Matapos halikan sa ulo ang lalaki dahan-dahang tumayo si Sebastian buhat si Wise at inihiga sa kama. Matapos hubaran ang lalaki, linisan at bihisan kinuha nito ang comforter at pinatong sa katawan ni Wise na kasalukuyang natutulog . Naiyukom ni Sebastian ang kamao matapos makita ang pamumula ng ilong at pisngi ng binata sa kaiiyak pati ang pagtawag nito sa pangalan n'ya. -- "Sebastian anong ginagawa mo dit---. " naputol ang sasabihin ni Kreos ng pagpasok ni Sebastian sa mansyon sinira nito ang mga bagay na madampot at binato kung saan-saan na kinabalikwas ni Hector na natutulog sa sofa. "Kreos, " tawag ni Hector. "Hindi mo ba s'ya pipigilan? " tanong ni Hector habang nasa likuran ni Kreos na sapo ang noo. "Mas malaking gulo ang mangyayari pag pinigilan ko yan. Mapapalitan pa ang mga bagay na mababasag n'ya pero hindi ang mga buhay na mawawala once na sa iba niya yan nilabas. " "Sa sinasabi mo parang nagpoportray ka ng killing machine." "Killing machine na unstopable and walang turn off once na matrigger. " Nang mabasag lahat ng gamit sa living room pabagsak na umupo sa sahig si Sebastian at sumandal sa sofa. "Umakyat ka muna sa taas du'n kana matulog sa kwarto ko. " "Sige," sagot ng binata bago tingnan si Sebastian na nakayuko. Nang makataas si Hector bumuga ng hangin si Kreos bago nakapamulsahang lumapit sa binata at umupo sa sofa. "Ibang saya ang nararamdaman ko Kreos pag pumapatay ako, sa trabaho ko lang na 'to naramdaman ko na may silbi pa din ako sa mundo. Yung pakiramdam na naipaghihiganti ko ang kakambal ko tuwing nakakapatay ako ng tao. " "Anong nangyari? Dahil ba sa nangyari kanina? " tanong ni Kreos na kinasubsob ni Sebastian sa ibabaw ng mga tuhod n'ya Hindi maiwasang mag alala ni Kreos na nagkakaganito ang kaibigan dahil lang sa lalaki. Nang manahimik si Sebastian sumandal na ang binata sa sofa at hinilot ang sintido. "Paulit-ulit lang nagtatagpo ang landas n'yo Sebastian maari na s'ya pa magpahamak sayo in future or ikaw ang maging dahilan kung bakit din s'ya masasaktan. " "Suggestion ko lang habang maaga pa layuan mo na siya. " "It's too late … Hindi ko na kaya Kreos. " "Hindi ko na kaya. " Wise Visales's POV; Kinaumagahan nagising ako ng may palad na humahaplos sa pisngi ko. "S-Sebastian, " bulong ko bago pilit na tinulak ang sarili ko para bumangon at tingnan si Sebastian. "Goodmorning. " ani niya na kinakurap ko ng ilapit niya ang mukha sa'kin at itungkod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko. "Okay kana? " tanong ni Sebastian na kinalambot ng expression ko matapos matitigan ng malapitan ang mukha n'ya. "Ayos na ako. " sagot ko ng habulin ni Sebastian ang mga labi ko. Nang magdikit ang labi namin hinawakan ko ang pisngi niya at mabilis na sinagot ang halik hanggang sa mapahiga ako sa kama. "Tuwing may trabaho ka ihahatid at susunduin na kit---. " "N-No. " putol ko na kinabago ng expression ni Sebastian. Hindi ako papayag, hindi si Sebastian. "K-Kaya ko ang sarili ko nabigla lang ako kagabi since naging mabait sa'kin ang boss ko, " ani ko bago pilit na ngumiti at dinutdot ang pisngi ni Sebastian. "Ayos lang naman ako at mas lalo akong hindi makakafocus pag nasa paligid ka, ayokong mawalan ng trabaho. " natatawang sambit ko. Tinitigan n'ya ako ng ilang minuto bago sumubsob sa leeg ko at pumagitna sa mga hita ko. "Alagaan mo ang sarili mo para sa'kin Wise," bulong ni Sebastian na kinapintig ng malakas ng puso ko bago n'ya ulit ako tiningnan at bigyan ng halik ang gilid ng labi ko. "Hindi ko alam ang gagawin ko 'pag nawala ka. " ani ni Sebastian na kina skip ko ng paghinga ng magtama ang mata naming dalawa at isa-isahing tanggalin ang butones ng suot kong pantulog. "Konti na lang iisipin ko na nag coconfess ka," akward na sambit ko na kinataas ng gilid ng labi niya bago ako siniil ulit ng halik. Napaungol ako ng bahagya matapos ibaba ni Sebastian ang mga kamay n'ya sa pagitan ng hita ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD