Captivated-10

2151 Words

Chapter 10 3rd Person's POV; Nang makatulog si Worth habang nakadapa sa kama dahan-dahan tumayo si Nigel at nilagyan ng kumot ang anak. Lumabas na din ito ng kwarto na agad sinalubong ni Mikael. Paakyat sana ang binata para silipin ang mag-ama. "Kamusta si Worth? " "Nanaginip na naman ba palagi ng masama? " "Hindi naman. Ginawa lang ako na love guru ng anak mo." "Hindi mo naman siguro tinuruan ng kabalustugan ang anak mo diba? " nakataas ang kilay na tanong ni Mikael. "Bakit ka ganyan magtanong? Wala ka bang tiwala sa mukha ng gwapo mong asawa. " "Sa gwapo pa lang hindi na kapani-paniwala, " banat ni Mikael na kinasimangot ng asawa. "Alam mo babe kung hindi lang kita mahal, matagal na kitang pinalitan. " "Paano 'yan mahal mo ako kaya alam kong hindi mo agad ako mapapalitan. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD