CHAPTER FIFTY MAKALIPAS ANG ILANG SANDALI ay nandoon na ang dalawa sa kusina. Halos magkasabay silang na patayo ng biglang nagkabanggaan ang dalawa Napaatras si Dian habang paabante naman si Gelli tungo sa kinaroroonan ng tasa ngunit biglang nahilo at muntikang natumba ang dalaga at mabuti na lamang naagapan at hinawakan siya ni Dian na agad nag-aalala sa dalaga. "Gelli!" Napasigaw niyang sambit sabay karga nito saka dinala sa kwarto. Mababakas ang pagkataranta nito nang mailapag niya ito sa kama. "Oh my God! May lagnat, Anong gagawin ko?" Aniyang hindi mapakali hanggang sa lumabas ito mula sa kuwarto at naghanap ng gamot sa medicine cabinet. Nang makita ang hinahanap ay agad siyang bumalik ng kwarto bitbit ang isang tray na naglalaman ng tray at gamot. Maingat niyang ginising ang d

