CHAPTER SEVENTY TWO IT'S EXACTLY TEN-THIRTY IN THE MORNING, malapit na rin matapos si Margaux sa paghahanda ng kanilang lunch habang naghihintay sa pagdating ng kanyang mga anak. First morning nila since dumating sila sa bansa. Tulad kay Jazz, kinaugalian na ni Margaux ang maghanda ng mga paboritong pagkain ng kanyang pamilya lalo na kapag ganitong magkakasama silang lahat. Magmula ng magkaroon ng pamilya ang tatlo niyang anak ay dalawa na lang ang nasa poder nito. Makalipas ang ilang sandali ay magkasunod na dumating ang kambal na si Garrie at Gwen na kasama ang mga asawa at anak. “Hey, there. Nandito na po kami,” pasigaw na saad ni Gwen na agad narinig ni Margaux. Nilapitan niya ang mga ito. “Where’s your twin sister?’ salubong na tanong ni Margaux sa bagong dating at nakipag boso

