CHAPTER SEVENTY-SEVEN MABILIS NA DUMAAN ANG ORAS AT ARAW, Ngayong araw ay nakatakdang mag-dinner ang lahat sa bahay ng mga Valencia. Magpahanggang ngayon wala man lang hint at ideya ang mag-asawang Nathan at Jazz sa magaganap at sa sorpresa mamaya. Naging smooth ang naging bonding nina Jazz, Angel at Leigh. Pati na rin ang mag-amang Nathan at Tammy kasama si Dian. Habang ang tatlong si Garrie, Gwen at Gelli ang naghahanda para sa dinner. Hindi kasama si Danie dahil nagpapahinga ito. Around seven o'clock in the evening ay nakahanda na ang lahat. Ang mga bisita na lang ang kanilang hinihintay. Ang usapan ay eight o'clock and dinner. Nagtataka na nga si Jazz kung bakit hindi man lang naisipan ng dalawa na kumain sa restaurant. “Where are we going?” tanong niya sa dalawa. Nagkatinginan a

